Chapter 41

528 24 2
                                    


 S T A Y  G O L D

CHAPTER 41: TRAINING WITH THE GUARDIAN #1

"Kinakabahan ako" sabi ni Diamond habang nag-aayos soya ng gamit. Tapos na naman akong makapag-ayos ng gamit ko kahit biglaang sabi ni Dean saamin.

Mat-training daw kami hindi ko naman alam kung saan ngunit ang sabi saamin ay magdala kami ng mga damit o importanteng gamit saka extra food baka raw bigla kaming maubusan kaya naman sina Hallie at Stephen na ang bumili dahil hindi naman daw sila makakasama sa training namin.

Napatingin naman ako sa pinto ng may kumatok at nagbukas noon. Doon pumasok si Hallie na may bitbit na supot.

"Kasya pa ba ito sa bag niyo?" tanong ni Hallie at tinutukoy ang pagkain na nasa supot

"Hindi na sa akin e, maliit lang kasi ito" iling ni Diamond

"Akin na" sabi ko at binuksan ang bag ko. Sobrang luwag pa nga ng space sa bag ko kasya ilang tao, nag alinlangan namang tumingin sakin si Hallie dahil kita niyang maliit lang ang bag ko pero kinuha ko at nilagay sa bag ko.

"Sure ka kasya sa bag mo? Bukol o" turo ni Hallie. Ngumiti nalamang ako dahil mga ilang minuto ay babalik na ulit sa normal iyon "Sige alis na ako" sabi nito at sabay kaming tumango ni Diamond.

"Buti nagkasya" sabi ni Diamond saka zinipper ang bag niya " Tara na"

Lumabas na kami ng pintuan saka bumaba. Ang nadatnan lang namin sa baba ay si Azriel,Clint,Hallie,Stephen,Hadwin at Corwin. Wala pa ang apat kaya naupo muna kami. Nagdadaldalan lang naman sila ng dumating ang apat na hinihintay namin saka walang imik kaming pumunta kay dean. Mukhang kinakabahan ang mga kasama ko. Ang natatandaan ko lamang na sinabi ni Dean ay kakaiba ang magiging training namin sa actual na training, hindi ko naman alam kung anong nakakaba doon.

"On time kayo dumating" sabi ni Dean at doon namin nakita ang isang lagusan. " Una ay magkakasama kayo sa lugar na iyon at sa kwarto niyong papasukan iyon ang kwarto niyo at doon magsisimula ang training niyo kaya kung ako sa inyo distribute your food to others at kumuha na kayo sa nakalaan na ref sa lugar na iyon" may misteryosong ngiti si Dean.

Hindi ko alam ngunit kinikilabutan ako bigla sa pag ngiti niya kaya naman napahawak ako sa braso ko.

"Papa oras na po" biglang sabi ni JA na anak nila which is si Amber. 

Tumingin naman saamin isa isa si Dean kaya miski ako ay muntikan nang napaatras dahil bigla akong kinabahan.

"Pumasok na kayo" mahinahon niyang sabi saka iminuwestra ang lagusan. Sabay-sabay naman kaming pumasok. Napapikit ako dahil sa liwanag na sumalubong saamin.

Sa aking pandinig ay nag iba. Naging mahinahon at kay naririnig akong pag alon ng tubig , mga pagpaspas ng puno at mga huni ng ibon. Kaya naman napamulat ako ng May tumalsik saamin tubig.

Sa una ay hindi ko pa makita ng ayos ngunit ng makita ko na ang kabuuan ay napanganga ako dahil nasa isang isla kami at malapit lapit ako sa tubig samantalang ang mga kasama ko ay naglalakad na panahon.

Pinuntahan ko na agad sina Ariel na naglilibot ang mata. Mukhang hindi pa ito mismo ang destinasyon namin.

"Maglalakad pa ata tayo" sabi ni Corwin na nakahawak sa mga sand saka pinagpagan ang kanyang kamay at doon nagkakaroon ng hawi ngunit maliit lamang at hindi gaanong kahalata.

"Gumana ata utak ni Corwin ngayon" bulong saakin ni Azriel kaya napailing nalamang ako.

Wala namang imik ang nga kasama ko na sumunod kay Corwin. May dinaanan kaming mga sanga hanggang sa mapadpad kami sa wala nang paroroonan. Dead end.

Artius Academy :The Unknown GirlWhere stories live. Discover now