Chapter 9: I am a Royal Gem Caster

2K 79 1
                                    

Habang nagpupulong ang mga Elders at Royal Gem Casters ay nagtipun-tipon naman sa hardin ng palasyo ang mga Mythical Partners nila.


"Cheechee!!!" Isang kumakaway na cute na male earth flairy ang nakatawag pansin kay Cheechee habang papasok ng hardin. Katabi nito ang bestfriend niyang si Yza na isang Earth Flairy din. Agad siyang tumungo sa kinaroroonan ng dalawang kaibigan habang nakalutang parin sa ere.


"Kolt! Kolt! Kolt! Yza! Yza! Yza! Waaaahhh! I missed you so...so...so..so... much!" Sabik na sabik na tugon nito at agad yumakap sa kanilang dalawa.


"Kami rin Cheechee! Kanina ka pa namin hinahanap saan ka ba nanggaling?" Ang sabi ni Kolt.

 

"Sinamahan ko pa kasi si Claw! Claw! Claw! na pumunta sa mga kaibigan niyang Dragons! "

 

"Ganun pala! Tara laro tayong tatlo!" Si Yza habang hawak-hawak ang cute na bola.


Agad namang pumalakpak si Cheechee "Sige! Sige! Sige!" Masayang sang-ayon niya. Naglaro silang tatlo ng passing ball game ngunit sa kaligitnaan ng paglalaro ay  aksidenteng natamaan ng bola ang isang earth flairy na nakaupo sa isang dahon.


Agad siyang nilapitan ni Cheechee at humingi ng paumanhin. "Sorry! Sorry! Hindi ko sina...sad...ya… Hi?" Napatulala si Cheechee. Siya ang kasamang flairy kanina ng bagong Jonquil Student. Ang itinuturi niyang secret crush!


"Ok lang. Here's your ball" Inilahad niya ang bola pabalik.


"Salamat! Anong pangalan mo? Ako nga pala si Cheechee!"

 

"I'm Nigel from Kenatasia's Geolico Village. "

 

"Wow! Ang layo naman ng pinanggalingan mo! Nigel! Nigel Nigel sama ka samin! Laro tayo!" Hinawakan ng cute na water flairy and kamay ni Nigel at dinala sa mga kaibigang naghihintay.


"Sino siya?" Mapanuring tanong ni Kolt na lihim na nagseselos dahil hawakhawak ni Chee chee ang kamay ng kasamang earth flairy.


"Siya si Nigel. Partner siya ng isang bagong student galing sa Kenatasia. Nigel meet Kolt Kolt kolt and Yza yza yza!"

 

"Hi Nigel! Welcome sa Fantasia!"

 

"Thank you!" Cute na sagot ni Nigel kay Yza.


Nagtatakang tiningnan naman ni Cheechee si Kolt dahil biglang umiba ang timpla ng kanyang mukha.


"Kolt! Kolt! Kolt! Is there a problem?"


"Wala to, maglaro na tayo!" Ang sabi ni Kolt na pilit na ngumiti. Hindi normal na magkaroon ng student at mythical partner from another Kingdom pero sa tingin ni Kolt ay parang hindi mapagkakatiwalaan ang  Earth Flairy na kalaro nila ngayon. He thinks he need to lookout for him.

---

"Hey mesh! Sinong tinitingnan mo?" Tanong ng isang water flairy na di kalayuan sa lokasyon ng apat.

"Oh my gosh! Siya ba yung new guy from another kingdom! How come nakilala niya ang mga losers na yun!"  Water Flairy 2

"That can't can't can't be! I should be the one who's talking to him! Not Cheechee!" Maktol ni Mesh, ang water flairy ni Kate. 

Gems of Fantasia and The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon