Chapter 13

94 12 0
                                    

Lewis Montierro POV

"Sir Lewis, inaantay ka po ni Sir Lucky sa opisina niya para raw po sa file na pinagawa niya sa 'yo," tumango na lang ako bilang sagot.

Mas naging busy ako rito sa opisina dahil ilang buwan na rin ang lumipas simula ng gabing 'yon. Hindi ko alam kung may pagsisisihan ba ako pero alam kong panibagong pagsubok lang 'to.

Simula ng mangyari 'yon ay iniiwasan na ako ni Molly na hindi ko naman masisisi, pero ang pinagtataka ko ay pati si Kaith ay umiiwas sa akin. Hindi naman mawala sa isip ko 'yung panaginip ko, ni hindi ko nga alam kung totoong panaginip ba 'yon.

Tinawag ko raw si Kaith at pagkatapos no'n ah hinalikan niya ako hanggang sa nagising ako at nasa kuwarto na ako. Wala naman kaming napag-usapan tungkol doon dahil pagkagising ko ay maaga raw umalis si Kaith kaya siguro ay panaginip ko lang, pero bakit siya umiiwas sa 'kin?

Ni hindi niya rin na-ikuwento kung anong nangyari pagkatapos kong makatulog, madaldal pa naman ang isang 'yon na dahilan para manibago ako.

At kay Molly naman kahit gusto ko siyang kausapin dahil gusto ko ring magka-ayos kami ay hindi nangyayari kaya binigyan ko siya ng panahon para ron. Ang ginawa kong 'yon ay tama naman hindi ba? Pero bakit hindi tama ang naging resulta?

"Gusto mo akong tulungan? Sa ginawa mong 'yon ay mas lalo mo lang siyang pinalapit sa 'yo!" agad ko siyang sinalubong ng mga suntok pero hindi siya gumaganti kaya huminto ako, nakakuyom ang mga kamao ko na handa uling sumuntok pero pinigilan ko.

"Tama na ang suntok mo, kawawa ang pagka-gwapo ko,"

"Nakuha mo pang magbiro?! Ha!" malakas akong suminghal at hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi niya.

"Kinausap ko siya dahil gusto kong tulungan ka, gusto kong malinawan siya na naging maayos naman hindi ba?"

"Ang sabihin mo gusto mo lang siyang makasama!" pumikit ako at pinigilang ang sarili ko. "Umalis ka na," tinuro ko ang pintuan kung kaya'y wala siyang nagawa kung hindi ang umalis.

"Alam kong may kasalanan din ako pero kahit suntukin mo ako ng ilang beses at kahit ilang libo pa ang gawin mo hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko."

Alam kong tama ang sinabi niya. Alam ko sa sarili ko na huli na ang lahat dahil si kuya talaga.

Si kuya talaga ang mahal niya.

Bumalik ako sa ginagawa ko, ang magtrabaho. Ginawa kong maging maayos ang sarili ko na para bang walang nangyari pero malabo ata ang gusto ko.

Kahit nasa iisang lugar lang kami, pakiramdam ko ang layo layo niya. Na kahit anong gawin kong paghanap, paglapit ay mas lalong lalayo lang kasi umiiwas siya. Naaapektuhan pa rin pala ako kapag nandiyan siya.

Humantong ako sa panahong gusto ko ng sumuko dahil kahit anong kapit ko ako lang ang nasasaktan dahil ako lang ang gustong lumaban. Hanggang sa kausapin ako ni kuya.

"Ayos ka lang ba?"

"Gusto mo bang makarinig palagi ng mura sa 'kin? Alam mo na ang sagot tinatanong mo pa,"

"Murahin at suntukin mo na ako kung 'yan ang paraan para mabawasan 'yung nararamdaman mo pero alam kong susuntukin mo ako kapag sinabi ko sa 'yong.." lumingon ako sa kaniya na dahilan ng pagpikit niya. "Liligawan ko si Molly,"

"The hell? Alam mong hindi pa ako nakakalimot tapos dadagdagan mo ulit? Nahihibang ka na ba?" bumuntong hininga ako at nasabunot ang sariling buhok.

Napaka-seryoso ni kuya sa buhay kaya hindi ko akalain na papasok iyon sa utak niya at kay Molly pa talaga, nananadya ba talaga ang tadhana? Sunod-sunod pa!

Hindi niya muna inantay ang sagot ko nang gabing tanungin niya ako dahil maiintindihan naman daw niya kaya ilang linggo 'kong pinagisipan 'yon. Wala namang k'wenta kung hindi ako pumayag, mahal nila ang isa't isa kaya napagdesisyunan kong kausapin na siya.

"Talo na ako sayo, ikaw ang gusto at hindi ako," niyakap niya ako sa sobrang saya.

Sana ay maramdaman ko rin ang sayang nararamdaman niya.

Nakausap ko si Molly bago magsimula 'yung panliligaw ni kuya. Gusto ko ring maayos ang lahat. Ilang beses siyang humingi ng tawad sa akin dahil hindi niya raw masusuklian ang pagmamahal ko sa kaniya. Sinabi niya sa akin kung gaano niya kamahal ang kuya ko. Ilang buwan ding nanligaw si kuya sa kaniya.

"Hindi ko na patatagalin at mamayang gabi ay sasagutin ko na siya," kinikilig pang aniya, pinapalo pa ako sa braso kapag naaalala niyang mamaya ay magiging sila na.

"Huwag mong sabihin sa kaniya, okay?" tumango ako bilang sagot. "Baka kasi maunahan pa ako kung patatagalin ko pa." ngumiti siya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit, pero natamaan ako sa sinabi niya. Kung hindi ko kaya ginawa 'yon at umamin na ako, magiging ganito pa rin kaya 'yung takbo ng buhay ko? May pag-asa bang magkagusto siya sa 'kin?

Nasa kwarto ako ngayon at tinawag na ako ni mama para bumaba at kumain kaya sa palagay ko ay sinagot na ni Molly si kuya. Sinabihan ko kasi si mama na tawagin ako kapag tapos na 'yun, naintindihan naman niya kung bakit kaya pumayag rin siya.

Naabutan ko silang nagtatawanan kaya pumunta muna ako roon at nakipag-kuwentuhan. Kailangan kong maging kaswal sa kanila at hindi ko namamalayan na napapatawa ko si Molly sa mga sinasabi ko. Hindi ko maiwasang isipin na baka mahulog pa siya sa akin at habang magkasintahan pa lang sila ni kuya at marealize niyang ako talaga.

"Lomi tikman mo itong niluto ko," tawag ni kuya kay Molly habang nasa kusina siya dahilan para mahinto ang pag-uusap namin.

"Wait lang Lewis ah." hindi pa ako nakakasagot ay pumunta na agad siya kay kuya.

Habang ako ay nasa sala, kitang-kita ko kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa. Nandoon din ang pamilya ko at ako na lang ang nandito sa sala dahilan para makaramdam ako ng pag-iisa.

Sa mga usapan at tawanan namin ni Molly kanina ay umaasa ako na meron pang pag-asa pero parang lang akong tanga kung iisipin ko pa iyon dahil makikita mo naman kahit sa mga mata pa lang nila na mahal nila ang isa't isa at wala na akong pag-asa.

Kuya Ko (Online Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz