Part 5

19 0 0
                                    

Kanina pa ako gising pero di parin ako bumabangon sa higaan ang hirap talaga kumilos pag ang dami mong iniisip pero hindi dapat ganito hindi dapat ako paapekto sa mga nangyayari,nandito kami para sumaya at siguro ito narin ang tamang gawin para harapin ang nakaraan na pilit naming tinakasan noon.

"abby"

tawag ni mama sakin nandito kami ngaun sa veranda at nagkakape

"kailan kayo babalik ng canada?

Malungkot na wika ni mama alam ko ang iniisip niya ngumiti ako sa kanya
" bakit ma ayaw muna ba kami dito? Tapos ngumuso pa ako umastang nagtatampo, lumapit siya sakin at hinakawakan ang kamay ko.

"alam mong matagal kananaming gustong pauwiin na dito ka nalang para sama sama tayo pero anak kung makikita ka namin na ganyan ka mas gugustuhin ko pang bumalik ka nalang sa Canada, kung don kita makikitang masaya kahit masakit anak na malayo sayo titiisin namin nang papa mo.

Hindi ko na napigilang umiyak sa mga sinabi ni mama yinakap ko siya at sa mga oras na yakap ko si mama tuloy tuloy na ang pagpatak nang luha ko.

"anak! Kahit dimo sabihin samin nakikita ko nararamdaman ko lahat ng sakit hinanakit diyan sa puso mo. Dahil anak kita.,at hindi ka makakalaya sa nakaraan kung patuloy mo itong tatakasan.

Tama si mama hindi ka magiging masaya kung patuloy kang tumatakas sa problema dahil kagaya ni mama kahit di sabihin sakin ni angel ang totoong niyang nararamdaman nakikita ko sa mga mata niya ang puot at galit sa puso niya. Na kahit limang taon na ang nakalipas patuloy parin kaming nasasaktan sa nakaraan.

Maaga akong nagligo at nagbihis nakasuot ako ngayon nang maong na ripped jeans at t-shirt black na fitted ang top ko,suot ko rin yung white rubber shoes na parehas kami ni angel.

May pupuntahan daw kami nila mama ngaun birthday daw ng kaibigan niya and syempre kasama namin si angel.,nakasuot din siya ng ripped jeans, crop top black ang top niya same kami ng shoes para tuloy kaming kambal.

"hoy! gaya gaya ka nang outfit

mataray na wika ni angel sakin tapos tiningnan pako mula ulo hanggang paa, pake mo? Tapos iniripan ko din siya natawa naman ang bruha

Abnormal talaga!

Nandito na kami ngayun sa birthday party ng kaibigan ni mama at itong kasama ko kanina pa nakataas ang kilay.

Hoy! Umayos ka nga, inirapan lang ako nang gaga pero kanina pako gustong matawa sa kanya. Ang magaling ko naman kasing ina di sinabi na sa bahay pala nila Marco kami pupunta kanina pang gustong umuwi ni angel pero wala siyang magawa dahil takot siya kay mama.

"abby what the hell! Dimo manlang sinabi na dito tayo pupunta sana di nako sumama. galit na wika ni angel

Wala akong alam na dito tayo pupunta ha! Wala akong alam dito.

Nandito kami ngayun sa garden nila Marco kasi wala masyadong tao at ayaw ni angel pumasok sa loob

"gurl pigilan muko baka makatusok ako nang mata ngaun. Hindi ko na napigilan yung tawa ko.

" bwesit ka! Isasama kung tutusukin yang mata mo. Tapos tiningnan niya ko nang matatalim na tingin

Sorry na sabi ko sa kanya na pinipigilan yung tawa ko. Pano ba naman kasi kanina pa si Marco nakatingin samin actually kay angel lang pala. Simula pa  nang pagpasok namin dito sa bahay nila.

hi! Abby nakangiting bati sakin ni marco ngumiti din ako pabalik, tapos binaling niya na ang tingin niya kay angel., hmm iwan ko muna kayo kuha lang ako ng inumin pinigilan ni angel ang kamay ko pero sabi ko saglit lang at nauuhaw naku.

Pero ang totoo lilipat lang naman ako ng upoan na medyo malapit sa kanila mamaya kasi biglang manapak itong kaibigan ko.

5 pm na at pauwi na kami kanina pa hindi nagsasalita si angel at nakatingin lang sa kawalan hindi na muna ako nagtanong papalipasin ko muna ang ilang araw, alam ko kasi na sasabihin din niya kung anong nangyari kung anong napagusapan nila.

Na guilty tuloy ako. Dapat pala inalam ko muna kung saan kami pupunta kawawa naman si angel

Mag so sorry nalang ako sa kanya, alam ko kung gano kabigat ang nararamdaman ngaun ni angel, nakita ko rin ang lahat nang hirap niya nong panahon na maghiwalay silang dalawa. Pero kasi saaming dalawa si angel ang pinaka matapang, pero kahit anong tapang niya nakikita ko parin kung gaano siya nasasaktan.

At alam ko na kahit anong pilit namin na maging matapang hindi parin namin maiwasan na masaktan sa nangyayari

Nakarating na kami sa bahay si angel naman hinatid pa ni papa sa kanila hindi niya kasi dala ang sasakyan niya kasi iisang sasakyan lang kami sumakay, pumasok naku sa kwarto ko. Para makapag pahinga nag message muna ako kay angel bago matulog,

Me:

Gurl! Sorry ha love you😘

Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko at nahiga na sobrang napagod din ako sa araw na ito.

After AllWhere stories live. Discover now