Chapter 2

12 0 0
                                    

Alas singko pa lang ng umaga pero gising na ako. Sinadya ko talagang magising ng maaga para hindi ma-late sa unang araw ng trabaho ko. Sabi pa naman ni mama na kailangan ko silang handaan ng makakain dahil maaga silang umaalis para sa schedules nila. Hindi ako nag atubiling maligo kahit na saksakan sa lamig ang tubig dito, kahit may heater naman hindi ko ito ginamit dahil hindi sanay ang aking sistema sa ganitong paraan ng paliligo. Doon sa amin walang heater at talagang balde lang at tabo ang sasalubong sa iyo sa banyo. Siguro sa mayayamang pamilya doon sa Bacolod meron, pero sa amin kasi wala.

Pagkalabas ko ng banyo mayroon kaagad nakaabang sa dining table na susunod maligo. Walang pinagkaiba rin pala ito sa mga boarding house sa Pinas. Mabuti na lang at nauna ako. Kaya tinandaan ko na kung kailangan kong maligo ng walang pagmamadali at mas makababad ng maayos ay kailangan kong gumising ng maaga. Nginitian ko na lamang ang susunod sa akin na mukhang inaatok pa. Sinuklian naman ako nito ng tango lamang.

Sa mukha nito halatang mas bata pa sa akin ng tatlong taon, siguro nasa labing walo pa lamang edad at mukhang hindi taga rito, bilugin ang kanyang mga mata, nakalugay ang kanyang mahabang buhok at kayumanggi ang kulay ng balat. Maganda ang batang 'to kaso mukhang kulang sa tulog.

Agad akong nagtungo sa lutuan at nagsimula ng mag luto ng sinangag at nag prito ng daing na hinati naming ni mama kagabi. Medyo alangan pa ako sa pagluto nito kasi baka mangamoy pero napansin ko na tulog pa ang ttalong tenants at dalawa pa lang kami ng nakasalubong ko kanina ang gising. Nang matapos ako sa pagluluto hinugasan ko kaagad ang frying pan para hindi lalong mangamoy at pinaandar ko rin ang humidifier na naroroon.

Masigla akong kumaing ng aking umagahan ng lumabas na ito sa banyo.

"Magandang umaga." Bati ko rito. Pupungas pungas pa siyang lumabas ng banyo. Natulog ba ito roon? Parang hindi lang naligo, e.


"Wow, amoy daing! Ang galing! Parang galing Bantayan!" Sabi niya na tila Nawala ang pagka bangag at inamoy amoy ang paligid. Nagulat naman ako sa puna nito.


"Pinoy ka?" tanong ko sa kanya.


"Hala, oo! Taga Bantayan ako!" Nagulat naman ako sa sagot niya. Swerte ko ata at may kasama akong pino! Mabuti na iyong hindi ako mabagot dito at may makakuwantuhan.


"Talaga? Taga Bacolod ako pero may pamilya rin ako sa Bantayan!"


"Kailan ka lumipat dito ba't ngayon lang kita nakita?" Tanong nito at walang alinlangang kumuha sa daing na nasa pinggan ko at umupo sa upuang nasa harap ko. "Penge ako dito ah?" Nagulat man saginawa, tinanguan ko na lamang ito.


"Ah, kakadating ko lang kahapon ng tanghali dito."


"Kaya pala hindi kita napansin nasa school pa ata ako no'n."


"Nag aaral ka pala dito? Saka anong course mo?"


"Hind, nandito lang ako for experience, trip trip lang gano'n. Vet Med ang course ko at mag aanim na buwan pa lamang ako dito... paminsan minsan pinopromote ko rin ang filipino culture sa free time ko. Nag vovolunteer din ako bilang rescuer dito. Minsan nag guguest ako sa mga youtube channels ng friends ko atsaka may pinu-pursue rin ako dito..." sabi niya na parang kinilig kilig pa. May pagka weird rin ang batang 'to. Nandito lang siya kasi trip niya lang?

"Ano naman ang pinu-pursue mo dito?"


"Sino dapat. Syempre ang taong mahal ko." Humagihik ito sa gilid at parang tuluyan ng nalunod sa daydream niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tell Me Your HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon