28

2.7K 71 5
                                    

Ask for the moon 28

Nang matapos na ang pinapanood nila ay kala ko ay hindi pa sila uuwi dahil sa kakulitan nila ay hindi na malabong mangbulabog pa sila. Ngunit  may anghel ata na bumulong sa kanila at sinabing bigyan kami ng katahimikan kaya nagpaalam na sila na aalis.

"Oh," abot ko kay Cyrus ng laptop ko.

Ngumiti siya habang kinukuha. Na para bang sobrang dali lang ng ipapagawa ko sa kaniya. I mean ng gagawin namin! Dahil tutulungan ako.. No.. siya pala ang tutulong.

Nandito kami ngayon sa likod ng apartment at nakaupo sa tela na nilatag niya sa damuhan.  Ayaw ko nga sana dito kasi nakakairita 'yung mga damo sa gilid na tumutusok sa balat ko. Kaso gusto niya daw na magstargazing kasama ako kaya pinagbigyan ko na.

Madilim na kaya ang sarap ng hangin. 

"May pagkain ka ba na gusto ipadeliver?" Baling niya sa'kin.

Umusog ako ng kaunti palapit sa kaniya. Samantalang kalong-kalong niya ang laptop na nagloloading na. Umakbay naman agad siya sa'kin pero hindi na ako umangal pa. Bahagya niya pangpinisil ang braso ko kaya sinamaan ko siya ng tingin pero kinindatan niya lang ako.

"Kakatapos lang natin kumain," Alma ko.

Totoo naman kasi nung pag-uwi nila Sai ay ilang minuto lang ay sabay na umuwi si Mawi at Angel. Nakita pa nga ni Angel 'yung mga kalat sa kusina kaya halos patayin na'ko ng masamang tingin.

He chuckled "Baka kasi gusto mo pa kumain, You know." Kamot ulo niyang sambit.

 Ngumuso ako at iniangat ang tingin sa langit " Baka ikaw kainin ko," Biro ko.

Natawa naman siya dahil sa sinabi ko kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya. Hinarap niya ako Kinunutan ng noo pero may ngiti sa labi.

"Joke lang," pahabol ko.

Baka kasi bigla niyang seryosohin! 

Binaba naman niya ang laptop sa kaniyang gilid. Umayos siya ng pagkakaharap sa'kin. Bigla tuloy akong kinabahan! Ang sinabi ako ay joke lang, right?!

Hinawakan niya naman ang kamay ko at dahan-dahan na dinampi sa magkabila niyang pisnge. Napabaling ako diretso sa kaniyang mga mata nakita ko pa ang paggalaw lang kaniyang adams apple na parang may gusto siyang pigilan na gawin.

Nakagat ko ang aking labi. Feeling ko tuloy ang harot harot ko na! 

"Gusto mo ba?" Mapanlokong tanong niya.

"Huh?"

He chuckled the winked at me "Gusto mo ba?"

Na kainin siya?! Like what the hell! Joke lang naman!

I raised my brow "Na?" maang-maangan ko.

"Kainin ako," Tarantadong sambit niya.

"Gago!" Singhal ko sa kaniya.

Bahagya ko pa siyang sinampal at natawa naman siya. Umusog ako palayo sa kaniya dahil nararamdaman ko na agad ang pag-init ng paligid. Parang tanga!

"Baby.. If you want you can tell me immediately. Walang problema sa'kin willing ako naibigay ang sari--"

Pinalo ko siya ng tsinelas na nasa gilid ko kaya napatigil s'ya.

"Joke lang!" Inis kong sambit.

Natawa naman siya at tinuro ang pagmumukha ko.

"Baby, Namumula ka na agad! Tangina ang ganda mo!" Pambobola niya.

Nag-iwas na lang ako ng tingin. Ayan na naman siya sa mga pambobola niya. Ang galing niya talaga mambola! Halatang sanay na sanay na! Sino namang mga babae kaya ang mga pinagsasabihan niya ng mga gan'yang salita? Madami kaya kami?

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)Where stories live. Discover now