Prologue

83 19 15
                                    

I thought I'd be happy if I will try loving someone. We were okay, not until I went to his penthouse because it's his birthday today.

Nilagay ko ang thumb ko sa censored doorknob ng unit niya. I just waited for a while until it recognized my fingerprint. Sinet niya kasi dati ang fingerprint ko dito para anytime ay pwede ako pumunta sa unit niya.

I entered his penthouse with a smile plastered on my face while carrying the balloons and cake I bought earlier. "Nasaan kaya 'yon?" I asked myself.

Excited na akong makita ang reaction niya.

Una kong tinignan ang sala niya pero walang tao doon. I made sure not to make any sound because I'm planning to surprise him.

Sayang ang pag acting ko na galit ng ilang araw para dito ano!

Nang makitang wala siya sa living room, umakyat na ako sa hagdan at binuksan ang kwarto niya. But he wasn't there.

Ugh! Nasaan na ba ang lalaking 'yon?

Nangangalay na ako sa bitbit ko, pero gusto ko talaga siya isurprise. Actually, first time kong gagawin 'to kaya sana lang maging okay ang lahat.

I shook my head in disbelief. The things I will do for that man.

Aalis na sana ako para pumunta sa bahay nila dahil baka nandoon siya, kaso naalala kong hindi pa ako nakakapunta sa kusina.

I walked towards his kitchen and... saw Khalil kissing Karen - his ex. My sight shifted on his hands, resting on her waist while Karen's arms are on his neck.

I was stunned.

Khalil stilled, catching his breath and threw a glance on me with wide eyes. 

"Sav!" shocked was shown on his face.

Hindi ko namalayang nabitawan ko na yung cake na dala ko kaya siya napalingon sa'kin, yung balloons nasa ceiling na din.

"Hindi ko inaasahang magagawa mo 'to sa'kin Khalil." umiling ako at mabilis na tumakbo papunta sa pinto.

Pipihitin ko na sana ang door knob para makalabas nang maabutan niya ako, saka hinawakan niya ang kamay ko. "Bitawan mo nga ako!"

Please, ayoko na. Hindi na sana ako umasa, na iba siya sa ibang lalaki.

Hindi pa ba siya masaya na nasaktan niya na ako?

Hinila ko ang kamay ko na hawak niya at nagtagumpay naman ako. "Wag mo na akong kausapin, tawagan at wag mo na ako lalapitan! Let's act like we don't know each other!" nanginig ang boses ko.

"Pero Sav --"

"Break na tayo," I told him, half-heartedly.

And then for a certain reason, tears began to form in my eyes.

I swallowed the lump forming in my throat.

Simula noong nakilala ko siya, nagkanda leche-leche na ang lahat.

He ruined my life.

He broke my heart into pieces.

And now, I am starting to question myself of why did I let him enter my life.

Why did I gave him the capability of hurting me?

Ewan ko kung namalikmata ako pero mukhang nasasaktan din siya. He looked hurt and guilty.

He stared at me and tried to hold my hand again, but I took it away. "Sav, let's talk. Won't you give me a chance to explain myself?"

Ang kapal ng mukha niya. Talk mo mukha mo.

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. "I don't need it. Tama na ang nakita ko." saka ko binuksan ang pinto at tuluyan ng umalis sa builiding na 'to. 

My tears were streaming down on my cheeks, and I don't give a damn even though the people are looking at me, as if wondering why I look like this.

Napailing na lang ako sa nangyari. Nagpakatanga ka sa maling tao, Sav.

Siya dapat ang isusurprise ko dahil birthday niya, pero parang ako pa ang nasurprise sa inabutan ko.

Binuksan ko ang kotse ko at mabilis iyon pinatakbo palayo sa lugar na 'to.

Palayo sa kanya.

Palayo kay Khalil.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Consequences (St. Mary's U Series #4)Where stories live. Discover now