Capítulo Diez

44 17 0
                                    

Pagkakamali

Hindi na ako makapali pagkatapos ng mangayari yun. Nakita ko ang pagbabago ng treatment ni Mint saakin matapos nun. Gumaan parang natural lang sakanya ang lahat. Para bang ayos lang sakanya at walang nangyari. ‘Habang ako binbagabag kung sakali man na malaman ni Lucy yun tsk!’ napailing ako sa naisip.

Pinagmamasdan ko ngayon ang activity ng mga scout. Sumusunod pag may inuutos saakin. Ngunut hindi na natanggal sa pagkalutang ang aking utak.

“Huy!” nagulat ako sa prisensya ni Max na ngayon ay kasama ang ilan sa eagle scout.

“Oh? May kailangan ba?” tulirong ani ko.

“Wala naman pinatatawag lang tayo sa quadrangle tayo daw ang mag-aasist for the last task.”

“Sige tara.”

“Lagi kang lutang sis. Magpahinga ka din dahil yan sa palagi kang pagod uy!”

“Oo medyo stress lang ako ngayon competition.”

Max is my friend in being scout. Lagi ko siyang kasama. May sarili siyang kaibigan pero madalas itong sumama saakin. Hanggang sa naging part na rin ito ng barkada. Pero nalayo kasi iba na ang pinapasukan. At dahil na din sa pagiging busy niya. Naging ex din siya ni Carlo. Siya lang ang nagpapatahimik kay Carlo noon lalo na nung nagbreak sila. Siya ata ang greatest heartbreak ni Carlo kaya ayon. Naging playboy nalang.

Dahil din don kung bakit umalis si Max sa grupo. Nagkakailangan sila. At ayaw din ng papa ni Max dito. Kaya minsan ay ako nalang at ang mga girls ang bumibisita dito.

Nagsimula ang activity. Naatasan lang naman kong icheck kung may hindi ba sumusunod or what. Habang nag aantay mag umpisa ang activity ay naisipan ko munang mag online sa twitter ko. Tulad ng dati ay tambak ang mga dm maging ang mga notification.

ItsHRubioMint started following you.

Halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa notification ko sa twitter maging sa IG. Nag punta ako sa timeline niya sa twitter. Halos puro retweet lang ang meron don.

Francis Mint
@ItsHRubioMint

I'm nothing but a mess. Photographer. afjsf. Lucy <3 quotations  are my sword. Soon License Teacher.

Joined June 20**

80 Following 60k Followers

Napangiti ako sa Bio niya. Naron man ang pangalan ng kapatid ko mas natuwa akong pinagpatuloy niya pala ang pagiging photographer. Napailing ako ng may maalala.

»F L A S H B A C K«

“Faye look! Ang ganda nung view!” masaya kaming nakatungtong sa taas ng bubong nila habang nakatingin sa papalubog na araw.

“O-oo n-nga!” nanginginig man ay nakisabay ako sa tuwa nito.

”Hey are you okay?”

“M-medyo?”

“What's wrong?”

“M-may fear o-of heights a-ako eh.”

“Ganun ba.” tila naawa ang tinig. “Edi dito muna tayo! Ahahahaha!” humalagpak pa ito ng tawa.

“Maka baba lang ako dito Mint! Mapapatay kita!”  Banta ko.

Unwittingly DestinedWhere stories live. Discover now