The Multi-Billionaire's Granddaughter

5 1 0
                                    

Username: rouxhelaein
Status: Completed yet under major revision
Title: The Multi-Billionaire's Granddaughter

Prologue

Isang normal na araw lang noon sa Santiago General Hospital labintatlong taon na ang nakalilipas.

Iyak ng isang sanggol ang narinig sa kwartong pinaglalagian ng isang pamilya. Magarbo ang kwartong ito, halatang mayaman ang umookupa.

Gaya ng ibang mga kwarto ay puti ang kabuuan nito. Mayroon nga lang makapal na itim na kurtina sa bintanang katapat ng pintuan.

May malaking puting carpet sa lapag, at sa ibabaw ng carpet na 'yon ay maliit na glass table na may halaman sa gitna.

Sa kaliwang bahagi ng silid ay may mahabang puting sofa na may malalambot na puting unan. Sa tabi naman ng sofa, malapit sa bintana ay ang puting hospital bed. Habang sa kanang bahagi naman, katapat nito ay isang flat screen tv. Sa may gilid ng tv ay ang pinto papunta sa banyo.

May lababo rin at counter top sa gilid ng pinto ng silid malapit sa banyo at maliit na refrigerator, kaya nagmukha itong kitchen side.

"Fuchin, she shi yige nyuhay! (Father, it's a girl!)" wika ng isang lalaking nasa edad dalawampu't siyam.

"Yige nyuhay? Women chongyu yole yige nyuhay! (A girl? We finally got a girl!" natutuwang sabi ng isa pang lalaking nasa edad apatnapu't siyam.

Tuwang-tuwa ang mag-ama dahil sa unang pagkakataon magkakaroon na ng babae sa kanilang lahi. Simula kasi noon pa ay wala nang naging babae sa kanilang angkan, maliban na lang sa mga asawa ng mga lalaking kasapi.

Agad din namang napawi ang kanilang saya nang lumapit ang isang doktor at ipinaalam na isa lang ang maaaring mabuhay sa dalawa, ang anak o ang ina.

"Her mother chose to die so her baby can live. I am really sorry to say sir but Mrs. Alina Chua is dead," malungkot na sabi ng doktor sa kanilang dalawa. Tila pinagbagsakan ng langit at lupa ang mag-ama dahil sa narinig.

Agad namang nagtungo ang lalaking nasa edad dalawampu't siyam sa silid at nilapitan ang asawang walang buhay.

Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan sa noo.

"Wo bawcheng hui hawhaw chago women de nyuwyer. Woshi rusi ay ni, yuwan ni anshi. (I promise to take good care of our daughter. I love you so much, may you rest in peace.)" umiiyak na sabi nito at niyakap ang bangkay ng asawa.

Ilang minuto rin ang tinagal niya sa pag-iyak bago tumayo at lumabas, nakita naman niya ang amang tahimik na nagpupunas din ng luha dahil sa sinapit ng asawa ng anak nito.

Batid nilang hindi magiging madali ang pagpapalaki sa babaeng Chua, ang prinsesa ng angkan nila.

(Follow her for the updates. Enjoy!)

Hidden GemsWhere stories live. Discover now