Chapter 5: Childhood Memories (Part 1)

6K 219 282
                                    

A/N: Sa mga nais pong magpa-dedicate pa sa story kong 'to. Kindly comment lang po rito sa may mga gusto lang.

____________________________________________________________________________________________

Chapter 5

Childhood Memories (Part 1)

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari muling bumalik ang mapait na nakaraang nangyari sa buhay ni Sofia. Nakaraang nais na niyang kalimutan ngunit tila ba lagi siyang kinakain ng kaniyang konsensya.

Hindi man niya ninais ang nangyari ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang sinisisi ang sarili. Kaya nga kaagad siyang nagpahatid kay Vince upang makaalis na sa lugar na ni minsan ay muli niyang babalikan.

Kay taas ng sikat ng araw ngunit tila ba walang pakialam ang dalawang batang nag-uusap habang may ngiting nakapaskil sa kanilang mga mumunting labi.

"Rea, tara laro tayo sa Park please," saad ng batang si Vanvan habang naka-puppy eyes na kaharap sa batang babae.

"Pero, Vanvan hindi ba sabi ng mommy mo bawal kang umalis kasi baka mapahamak ka," nag-aalalang sambitla ni Rea sa harapan ni Vanvan.

Dahil sa sinabi ni Rea kaagad namang nalungkot si Vanvan sapagkat nais talaga nitong maglaro silang dalawa sa may Park.

"Pero, Rea naman dali na kasi sandali lang naman tayo sige na please," muling saad ni Vanvan habang naka-pout sa harapan ni Rea na tila ba nagpapa-cute sa harapan ng batang babae.

"Sige na nga, pero promise mo sandali lang tayo," pagsang-ayon ni Rea kay Vanvan na tila ba natuwa sa narinig na sagot sa batang babae.

"Yehey! Salamat Rea, the best ka talaga," sabay yakap ni Vanvan kay Rea dahil sa sobrang katuwaan.

Habang masayang naglalaro sina Vanvan at Rea sa Park bigla na lamang may lumapit sa kanila na mga goons at mabilis na hinila si Vanvan, habang pilit itong pinapasakay sa sasakyang tumigil sa harapan nila.

"Hoy! Mga pangit na goons bitiwan ninyo si Vanvan, saan ninyo siya dadalhin?" matapang na tanong ni Rea sa mga pangit na goons habang pinagpapapalo ang braso nito.

"Pwede ba bubwit huwag kang magulo kung ayaw mong pati ikaw ay saktan ko," matapang na saad ng isang goons kay Rea sabay tulak nito sa batang babae.

"Ano ba kailangan ninyo sa akin? At saka wala kang karapatan saktan si Rea," galit na pahayag ni Vanvan sa mga bad goons na nanakit sa kaibigan nitong si Rea.

"Aba matapang kang bata ka! Sige na dalhin na rin natin itong isa pang bubwit mahirap na baka magsumbong pa ito sa mga pulis," tila nakakatakot na saad ng goons sa kapwa pangit na goons na kasama nito.

Hanggang sa bigla na lamang na binuhat ng mga hindi kilalang tao ang dalawang bata at mabilis na ipinasok sa sasakyan, at bigla na lamang may pinaamoy sa dalawang bata dahilan para mawalan sila nang malay.

Makalipas pa ang ilang oras ng makarating ang hindi mga kilalang tao sa isang lumang Warehouse, kasama ang dalawang bata na wala pa ring malay.

Ilang minuto pa ang lumipas ng magising ang batang si Rea na kaagad nakaramdam ng takot sapagkat hindi niya alam kung nasaan silang lugar.

The Childish King of Gangsters (Revising) #KidlatAwards2018 #TLA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon