Chapter 31~Will you marry me?

1.3K 19 3
                                    

"SIGE!"

Galit na galit ang mukha ni Janine. Padabog itong tumayo para pigilan si Kyle na akmang susundan si Rome.

Nahinto naman si Kyle.

"Kaya ka ba umuwi ng Pilipinas para hanapin ang pokpok na yun?"

Hindi sumagot si Kyle.

"KYLE!" Tila sumusukong sabi ni Janine. "Ano bang gusto mong gawin ko? We're engage! Pero bakit kaba ganyan?"

"Dahil naaawa ako sa kanya!" Pasigaw na sagot ni Kyle.

"Naawa? Really?" Mapait syang ngumiti sa lalaki.

"Sigurado kang naaawa ka lang sa kanya?"

Dahan-dahang lumingon at humarap sa kanya ang binata. Matalim ang mga matang tumitig sa kanya.

Pero hindi ito nagsalita. Na lalong nagpainit sa ulo nya.

"Pagsisihan mo'to Kyle!" At sadyang binangga pa ang lalaki.

Si Kyle naman ay napamura na lang sa inis.

"Fuck this life!"

---------------------------------

BLAAG!!

Bumarandal sa konkretong pader ang katawan ni Kyle.

Gustuhin man nyang lumaban hindi nya gagawin.

Ama nya pa din ang kaharap nya. Kahit na gaano pa kalaki ang galit nya dito he still respects the man.

"You!" Sabay hawak sa kuwelyo ng polo nya at pilit n itinayo.

Putok ang ibabang labi nya at may sugat din sya sa pisngi at sa ilalim ng kaliwang mata.

Galit na galit itong biglang dumating sa bahay nya at agad syang inundayan ng suntok.

"You're always a disgrace to this family!" Bulyaw pa nito.

"Hindi kaba talaga magtitino? Anong gusto mo,ipapatay ko na ang babaeng iyon!"

Pagkarinig ng mga salitang iyon ay awtomatikong naitulak nya ang lalaki,bumagsak ito sa sahig.

Na pareho nilang ikinagulat.

"Hindi pa ba sapat sa inyo ang ginawa nyo sa kanya dati? Kriminal kna bang talaga? Huh! Nung una si Mommy ngayon si Rome! Ako na lang ang patayin mo!"

"Talagang!" Nanginginig pa sa galit na tumayo ang ama nya't agad na hinila ang polo nya-----

Syang pagdating ni Janine.

"Dad! Stop!" Agad itong gumitna sa pagitan ng mag ama.

Hindi nito malaman ang gagawin ng makita ang mukha ng nobyo.

"Kyle! Oh my god Kyle!"

Sabay silang napatingin sa ama nyang hingal na hingal sa pagtitimpi ng galit.

"Dad tama na po ako na pong bahala kay Kyle.." Mangiyak-ngiyak pa ang babae.

Matagal silang tinitigan nito bago muling nagsalita.

"Magpasalamat ka kay Janine dahil pinigilan nya ako kung hindi napatay na kitang hayup ka!" Sigaw nito.

Saka ito nagmamadaling lumakad palabas.

The Scandal Prince~Where stories live. Discover now