ONE-SHOT

18 6 3
                                    


Disclaimer

Ang istoryang ito ay produkto lamang ng imahinasyon ng may akda. Ang mga pangyayari sa istorya ay walang kinalaman sa mga tunay na kaganapan sa buhay ng may akda o sa mga tunay na taong nakakasalamuha niya.

 Ang anumang pagkakahawig nito sa ibang istorya o tunay na pangyayari ay hindi sadya at nagkataon lamang.

Ang istoryang ito ay nangangailangan ng sapat na pag-unawa at bukas na isipan ng mambabasa.

Maaaring mayroong mali sa spelling at grammar sapagkat ang may akda ay hindi isang professional.

Read at your own risk.


-----

Mahigpit niyang tinatakpan ang kanyang bibig at tahimik na lumuluha. Takot makita ng kung sino mang pinagtataguan niya.

"Huwag kang matakot anak, hindi ka masasaktan"

Huling lintaya ng ama bago sila magkalayo.
Patuloy niyang pinapaulit-ulit iyon sa isip niya, hinihintay ang amang balikan siya.

"H-hindi a-ako matatakot. B-babalik s-si papa. Babalik pa siya." pangungumbinsing bulong niya sa sarili. Lilinga-linga sa paligid. Takot na makita muli ang taong iyon.

Madilim ang lugar na kinaroroonan niya. Isang maliit na butas lamang mula sa nasirang bahagi niyon ang siyang nagbibigay liwanag. Masikip din doon at puno ng alikabok. Gayon pa man, sinisikap niyang pagkasiyahin ang sarili't tiisin ang dumi. Mas kakayanin niya pa iyon.

Ilang oras na ba siyang nagtatago roon? Hindi niya alam. Basta ang nasa isip niya, hindi pa siya dapat makita.

Nahigit niya ang kanyang paghinga nang may marinig na mga yapak kasabay ng isang tunog na tila may nabuksang pintuan.Mabibigat at mabagal na mga yapak na patungo sa kinaroroonan niya.

Mula sa maliit na butas ay may nakita siyang aninong patuloy ngunit mabagal ang mga hakbang na lumalapit kung nasaan siya.

'Ito na, narito na siya'

Mula sa pangangatal, unti-unting sumilay ang isang ngisi sa labi niya. Isang ngising nakakakilabot. Isang ngising nagpapahiwatig ng panganib.

Dumilim ang kaninang luhaan niyang mga mata. Marahan niyang hinugot mula sa kanyang likuran ang isang patalim na kanina niya pa tinatago.

"Anak?"

Malambing na tawag ng taong kanina niya pa hinihintay.

'Ayan na siya, humanda ka'

Tinago niyang muli sa likuran ang kanyang patalim at hinintay na buksan ng kanyang ama ang aparador kung nasaan siya.

Pagkabukas ng pintuan, bumungad sa kanya ang namumulang mga mata at delikadong ngisi nito.

"Nariyan kalang pala, anak. Kanina pa kita hinahanap."

Hinaplos niya ang basang pisngi ng dalagita na dulot ng pinaghalong luha at pawis. Inipit ng ama sa gilid ng kanyang mga tenga ang mga buhok na nakaharang sa kanyang mukha.

"Anong ginagawa mo rito sa bodega?"

Malambing parin ang tinig na tanong niya. Dahan-dahang bumaba mula sa mukha ng dalaga patungo sa balikat nito ang mga kamay ng ama. Ang mga mata'y matamang nakatingin sa kanya.

"N-nagtatagu-tagua-an p-po, p-pa" Nanginginig na sagot niya. Mahigpit ang hawak sa patalim na nasa likod niya.

"Tagu-taguan?" Takang tanong nito habang hinihimas ang balikat niya. "At sino namang kalaro mo?" Bulong nito sa kanyang tenga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ako munaWhere stories live. Discover now