Sisenta'y Tres

4.4K 234 43
                                    

 
Nabigla si Zion sa narinig na sinabi ng ama. We'll he admit, he like Madisson pero hindi naman kailangang magmadali sila.

"Kumpare, agree ako sa sinabi mo." Dagdag pa ng ninong Tony niya na kinataas pa ng kilay ni Madisson na tila nang-aasar sa kaniya.

"Pero gusto ko munang makasama ang anak ko. Ngayon lang ako magiging ama, pagbigyan mo muna ako kahit ilang buwan lang." Wika ng ninong niya na kinangiti niya.

Hindi sa ayaw niyang pakasalan si Madisson. Ayaw niya lang na nagmamadali sila.

"Pero hindi naman ibig sabihin noon na abswelto na ang inaanak ko. Alam ko namang mabait na bata iyang si Zion, hindi naman siguro gagawa ng bagay na ikakasira ng pinagsamahan natin." May himig banta nitong wika.

Akala niya ay may lusot na siya pero mainam na iyon dahil may pagkakataon pa sila ni Madisson na limiin ang kanilang mga sarili. Lalo na at naguguluhan pa ito sa kung sino talaga ito.

Kita ang tuwa sa mga malulungkot na mata ng ninong. Kahit papaano ay napawi ang lungkot sa pagkamatay ng kaniyang asawa sa pagdating ni Madisson rito. Tama nga ang hinalang ito ang ang ama ni Madisson. Maaaring inamin lang ng ama na ito ang ama noon dahil sa kalagayan ng kaniyang ninang.

"Masaya ka naman ba hija at nakilala mo na ang tunay mong ama?" Tinig ng kaniyang papa.

Agad siyang tumingin kay Madisson. May alanganing ngiti sa labi. Marahil ay naiilang pa ito sa katotohanang nalaman nito tungkol sa pagkatao.

"Pasensiya ka na hija. Alam kong pinuntahan mo ako dito sa amin para lang tanungin ako sa bahay na ito." Dagdag pa ng ama niya.

Naalala nang araw na biglang sumulpot si Madisson sa kanila na inakala ng ina na nagpunta ito roon upang matutong magluto. Iyon pala ay nasabi rin ng ina sa ama ang biglaang pagdating nito.

Alanganing ngiti ang binigay ni Madisson. "Okay lang po tito," tugon.

"Oh siya kumpare. Sabihan mo lang kami kapag nasulit mo na ang pagiging ama mo para naman may alagahan na tayong mga apo." Hirit pa ulit ng ama na tila mas sabik pa sa apo kaysa sa ina.

"Oo naman kumpare, aba? Hindi ko naalagahan itong si Madisson. Para sa apo ako bumawi," hirit nito sabay tawanan ng kani-kanilang ama.

Habang si Zhawna ay tahimik na kumakain. Napansin ni Madisson ang biglaang pagtahimik nito.

Agad na binundol ng paa nito dahilan para magtaas ng mukha. Baka kasi isipin na naman nitong itsapwera sa pamilya nito.

"What?" Bulong nito.

"Ang tahimik mo?" Bulong ding sagot.

"Wala akong masabi eh," anas pa rin nito.

"Baka isipin mong balewala ka naman diyan?"

Ngumisi ito. "Hindi, kumain ka na lang diyan." Anito na panay ang sipat sa cellphone nito. Agad iyong inagaw at nakitang may larawan ng babae. Katabi nina Travis at Nikka.

"Aha! Kaya pala tahimik ka ah. Crush mo siya noh?" Turan dito.

Narinig yata ni Zion ang usapan nila at pati ito ay nakikiusyuso sa hawak na cellphone ni Zhawn.

"Siya na kaya si Miss Right? O baka pepera—" nang biglang subuan siya nito. Sabay kuha sa cellphone nito.

"Grabe siya oh! Dapat linagyan mo rin ng ulan. Puro kanin lang eh," angal niya rito.

Napailing na lamang si Zion ng marinig ang sinabing iyon ni Madisson. Mukha kasing naging seryoso na ang usapan ng kanilang mga magulang kaya si Zhawn ang napagbalingan niya.

ZION: The Textile CzarWhere stories live. Discover now