𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐅𝐚𝐥𝐥 𝐈𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐏𝐖

6 1 0
                                    

"DON'T YOU EVER DARE FALL IN LOVE WITH THE GIRL YOU'VE ONLY MET IN RPW." biglaang sambit ni Savana kaya agad akong napatingin sakanya.

"What do you mean? Naranasan mo na siguro 'yon no? Ikaw ah HAHAHA." pabirong tugon ko sakanya ngunit nanatili ang seryosong ekspresiyon sa mukha niya.

"I'm warning you Kiyo. I don't want you to feel the pain I've felt a year ago."

--

I was busy scrolling up on my RP account when a message suddenly pop up on my messenger. Hindi ko 'yun pinansin nung una pero dahil sa sunod-sunod na notifications ay agad kong tinungo ang messenger app.

"Hi Kiyo hshs."

"Hoy Kiyo gago ka? Ano kase may sasabihin ako. Aware ka naman don 'di ba?"

"Psh kung 'di lang talaga ako inutusan, 'di ko naman gagawin 'to."

'Yan ang mga contents ng mga chats ng nakilala ko sa guestroom ng brotherhood namin.

Her RP name was Deity. I met her here in Role Player World when I entered Scenario Brotherhood. Hindi ko gusto 'yung ugali niya, masyadong maattitude.

"Ano?" I replied para naman hindi ako magmukhang isnabero.

"Taray amp. Eto nga, alam mo naman na crush kita 'di ba? So I officially confessing......" at don nagsimula 'yung pag-amin niya sa'kin. Alam niya na may girl friend ako sa Real World pero tanggap naman daw niya na hindi ko siya gugustuhin pabalik. Na pwede naman daw kaibigan na lang iyong ituring ko sakanya kase hindi siya nag-iexpect na ituring ko siya higit pa don. At kung pwede raw bang kalimutan ko munang may gusto siya sa'kin.

Simula no'n, walang araw na hindi siya tumigil kakaLSM. Sobrang naaappreciate ko 'yong ginagawa niya. Do'n ko lang narealize na hindi naman pala talaga panget ang ugali niya, siguro pinapakita niya lang 'yong ganoong ugali sa ibang taong nakakasalamuha niya. Ilang beses ko na siyang pinagtabuyan pero hindi pa rin siya tumigil.

Until she decided to leave RPW. Binigay niya sa'kin 'yong real account niya at hiningi niya 'yong RA ko kaya agad ko rin itong binigay.

Months had passed. Wala na akong balita sa kaniya. Marami nang nangyari sa Pilipinas pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Bigla kong naalala na binigay niya pala sa'kin 'yong RA niya kaya hinanap ko 'yon at nag-iwan ng messages sa kaniya.

"Hoy"

"Balik ka na"

"Di na 'ko galit HAHA"

Nagulat ako ng agad rin itong nagreply sa chat ko. Psh lagi kasing naka off ang active status.

"omg KiyooooOo-mi!"

"gago namiss kita"

"akala ko kung sino tapos uwaaAa ikaw na pala!" parang batang reply niya.

Ilang oras kaming nag-usap hanggang sa sabihin niya sa'kin ang bago niyang pinagkakaabalahan. Isa na siyang manunulat sa RPW. Naging interesado ako sa sinabi niya kaya sinabi kong i-add niya ako do'n. Ayaw niya pa noong una pero binigay niya rin sakin kase 'di niya raw ako matiis.

'Iba talaga pag gwapo HAHAHA.' usal ko sa isip.

--

You have 99+ friend requests.

You have 9+ messages.

You have 99+ notifications.

I opened my RP account at 'yan agad ang bumungad sa akin. Una kong binuksan ang messenger ko.

"Admirers huh?" saad ko sa sarili ng isa-isang makita ang mga nilalaman ng mensahe. Till a message suddenly caught my attention.

"wag mo 'kong gaweng palower Kiyo-mi" mahina akong natawa pagkabasa ko 'non.

"Deity?"

"Oh? Ako nga HAHAHA" It was her. Mabuti na lang ini-add niya talaga ako. She's Brianna in her current RP account but I prefer calling her Deity.

"Magc-cb na kami bukas." balita ko sa kaniya. Naging malapit din kase siya kahit papaano sa ibang member ng BH namin.

"Ow? Inbayt mo 'ko bukas ha? Dapat may puds HAHAHA."

"Sige."

"Hoy gawan mo 'ko ng storyyyy!" I read her works habang kausap siya. Magaganda 'yong mga gawa kaya hindi maipagkakailang sikat siyang manunulat sa mundong ito.

"Uzg HAHAHA tas ako ang gagawin kong partner mo sa story na iyon."

"Ngayon naaaaa."

"Aba! Atat ka boi?"

Hindi pa rin nagbabago yung Deity na kilala ko dati. Masungit sa ibang tao pero pagdating sa'kin sobrang kulit niya kausap.

"Siguro dahil komportable ako sa'yo." naalala ko pang sabi niya noong tinanong ko siya isang araw.

--

Several days, weeks, months and year had passed. Lagi kaming magka-usap ni Deity. Masyado nang nahuhulog ang loob ko sakanya. Kapag hindi ko siya nakakausap ng isang araw, ewan, para bang may kulang. Until I realize na gusto ko na pala siya. No, mahal ko na siya. I've decided to confess my feelings towards her dahil hindi ko na kayang itago 'yong nararamdaman ko para sa kaniya.

"Deity, mahal na kita."

"Ha? Expensive profit? HAHAHAHA."

"I'm serious here Deity."

"Oh no no! May girl friend ka remember?"

"What? Matagal na kaming hiwalay no'n."

"Weh?"

"Look Deity, I'm not joking."

"Uh sorry?"

"Sorry for what?"

"Sorry Kiyo. I already had someone else." with that. My heart broke into pieces. Karma ko na ba 'to sa pagtataboy ko sa kaniya dati?

Till I remember what Savana had been said a year ago.

'Sorry Sav, I dared to fall in love with the girl I've only met in RPW.' and I cried, because of that girl. The girl I've only met here.

One Shots (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon