eh d wow

2.5K 133 69
                                    

eh d wow

ahahaha nandito nanaman ako.

wala naman, alam niyo namang diary ko to diba so ayun, may ilalabas lang talaga ako para kahit papaano gumaan yyung nararamdaman ko.

Palapit na ng papalapit ang january, papalapit na ng papalapit kamatayan ko de joke.

Hahaha eh kasi diba operahan nga yung tuhod ko, so ayun, alam kong OA ako kasi hindi naman ganun kagrabe yung nangyari saakin, kung makareact ako kala mo may taning na buhay, pero kasi natatakot ako, hahaha.

Kagabi kasi nagsesearch ako ng pictures about sa knee dislocation so wag niyo na balakin mag-search dahil kagimbal-gimbal ahaha dejk. nagsearch kasi ako konti, tapos ayun, nagbasa basa ako ng mga kwento ng mga naka-survive ng surgery, then nagka-idea na ako sa kung ano mangyayari saakin after ng operation. 

Ang malaking kagaguhan lang talaga na nagawa ko ay yung magsearch ng pictures kung paano nila ino-opera yung mga dislocated yung buto.

So ayun, nakita ko yung gagawin nila sakin then natakot ako. Nakakadiri siya pero mas nangingibabaw yung takot.

Isipin niyo kasi, tutusukan ako ng anesthesia sa may tagiliran ata pra makatulog, tapos habang inoopera ako wala akong kasama bukod sa mga doctor at nurse, alam kong patutulugin nila ako habang on going yung operation, pero kahit manlang sana nandoon yung parents ko habang tinutusukan ako ng anesthesia, kaso d ata pwede.

Then nakita ko pang hihiwain pala nila yung balat, obviously bubuksan nila para makita at maayos nila yung buto. So ayun, nakakita ako ng picture then doon ako natakot. Alam ko nga kasing tulog habang ooperahan ako pero nandun parin yung takot.

Kung tutuusin talaga traumatized ako sa nangyari saakin. Nakakagago kasi tumayo lang ako, tapos bigla nalang nadislocate yung patella ko. Then nakaupo lang ako non sa may pinto tapos sumisigaw ako habang nakaharap saakin yung tuhod kong dislocated. Probably the scariest shit I ever saw in my life.

Then ayun tumakbo sila papunta saakin habang nakaupo ako. Then I was having these thoughts like "Makakalakad pa ba ako?" and such. Nung dinala nila ako sa ospital, ayon, mano-mano na inayos ng doktor yung buto ko hahaha. Basta mahirap iexplain, ginamit niya lang kamay niya tas inurong pabalik ganon. Then nakalakad ako ulit.

So ayun nga, I'm walking with a leg immobilizer, search niyo nalang, basta pinapanatili niyang nakastraight lang yung leg ko. So magti-3 weeks na akong suot yon. Tatanggalin siya this december 30. Natatakot lang ako kasi daw may chance na madislocate uli yung tuhod ko habang hindi pa ako naooperahan. Eh sa january pa ako ooperahan, probably second or third week.

So simula december 30 eh lalakad ako ng walang leg immobilizer. Kung tutuusin gusto kong iyakan yung nanay ko na wag akong palakarin na wala yon. Kasi ayoko nang maulit yung pagkadislocate. Sabi kasi ng doctor na kapag naulit yung dislocation, pwedeng lumala pa. Kung tutuusin pangalawang beses nang nadislocate yung tuhod ko.

I think it's going to be even worse kapag nangyari ulit for the third time. Who knows, sabi nung classmate kong nag-aaral in medical field, kapag napunit yung cartilage ko, hindi na ako makakalad so natakot ako hahaha ewan ko kung totoo yung ssinabi niya.

Ayun lang, nagagalit saakin nanay ko kasi bakit daw hindi ko tulungan yung sarili ko. Tinutulungan ko naman yung sarili ko, kaso nandun kasi yung trauma, yung takot. Sabi ko naman sakanya, maglalakad ako ng walang immobilzer AFTER kong maoperahan, para sure nang hindi ulit mangyayari yon kasi super ayoko nang maulit, spare me.

Pero ayaw niya, so december 30 hanggang january 20 wala akong leg immobilzer, means nasa panganib yung tuhod ko.

Binalaan pa kami ng doctor noon "nasa sainyo kung gusto niyo mag-take risk."

So ayun, parang hindi rin ina-advice nung doctor na maglakad ako ng walang immobilizer kasi nga delikado, yung nanay ko lang mapilit.

Ayun lang naman pinuputak ko, yung leg immobilzer kong tatanggalin hahahaha. Simula december 30 hihiga lang ako sa kama ko para safe ako ahaha.

De ahaha yun lang nilalabas ko lang saloobin ko para kahit papaano mawala konti yung takot ko ayun lang.

Alam kong makakalakad ako ng maayos ulit, kailangan ko lang talagang magpray at tulungan sarili ko. Siguro blessing in disguise narin to.

Sige yun lang, bye~~

JiminismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon