Kabanata 76

636 26 6
                                    

Criszette

Nandito kami sa meeting room, diba nga meron ang hideout nun kung naalala niyo. At pinapaliwanag ko sakanila ang plano ko.

"Oo sasali tayo." nakangiting panimula.

"Pero delikado kung sasali tayo." sabat naman ni Kuya, sinamaan ko naman siya ng tingin sa bigla niyang pagsabat. Kaya tinapik siya ni Gabby wala siyang nagawa kundi manahimik.

"Wala kabang tiwala sa kapatid mo Christian, matalino siya. Kaya makinig kanalang muna." sabat ni Prof Mika.

Kaya natahimik lalo si Kuya.

"And I was saying, sasali tayo. But di tayo papatay. Nandun tayo para imonitor ang mga estudyante kailangan may masugatan na isa sakanila tsaka kikilos ang isa man sa inyo para pigilan sila. At tsaka niyo sila dadalhin sa Ainabridge Castle. Para kunyari naglaho na ang mga bangkay nila. At doon niyo sasabihin sakanila na kailangan nating lumaban ng sama-sama kay Oviad ng sama-sama.." sandali akong napatigil dahil nakita ko ang pagkamangha sa mga mukha nila. Nakita ko naman ang pagngiti ni Prof Mika at Keiron maging si Jenica. "..ipalalabas natin na sa isang linggo na hide and seek ag maraming namatay. At ako ang kunyaring nakasurvive kaya kayo guys kailangan niyo magkunware na nagpatayan kayo. At kayo naman Cursed Volton alamin niyo lang at bantayan ikinikilos ni Oviad." dagdag ko pa. At binalingan si Coleen na nagulat pero agad ding nakabawi. "..at Coleen dahil isa kang healer sayo ko ibibilin ang paggamot sa mga masusugat sa larong iyon. Malaki ang gagampanan mo sa larong to. Kaya kailangan bukas ay ikaw ang unang kunyareng mamatay. At ikaw ang gusto kong gumawa Miguel." nakangising sabi ko.

Takang napatingin naman sakin si Miguel at napabaling kay Coleen.

"And kayo Enzo at Mercedes ang magdadala kay Coleen sa kaharian." nakangiting sabi ko. Napatango naman ang dalawa.

"Kayang-kaya namin yan Sandiwa Jewel." nakangiting sabi ni Enzo.

"Kayo Coleen at Miguel? Kaya niyo ba?" tanong ko sa dalawa. Nung una at nag-alinlangan pero agad ding pumayag.

"Paano naman kami?" tanong ni Jenny samin.

"Good question Jenny, ang gagawin ng mga di ko inaatasan ay makikipagtaguan lang kayo at ingatan yang mga sarili niyo. Kunyare ang gusto niyo ang laro ng Prof Oviad." nakangising sabi ko.

Napatango-tango naman silang lahat sa sinabi ko.

"Putspa ang talino mo bestfriend." namamangha na sabi ni Stacey.

"Oy di lang ikaw bestfriend niya ako din, galing mo talaga Zette." sabat naman ni Andrea.

Bestfriend pala labanan eh siya sibat na ako char.

"Baka nakakalimutan niyong ako ang boyfriend." seryosong sabat ni Keiron na nakasandal sa upuan niya kaya nilingon siya ng dalawa.

"Wag niyo naman kalimutan kami ni Kuya Christian, kami ang kapatid." nakangising sabat ni Jenica.

Nakisali pa nga. Hanggang sa..

"Baka nakakalimutan niyong ako ang nanay." biglang sulpot ni Ina sa tabi ko, oo sa mismong tabi ng upuan ko. Kaya nanahimik na sila lahat.

Talo pala kayo kay Ina eh.

"Ano na naman ginagawa mo dito Ina?" bagot na tanong ko sakanya.

"Gusto lang kita icheck, wala kasi kayo sa training room kaya chineck ko kung nandito kayo." sagot ni Ina sakin.

Di ko na siya sinagot at nilingon na mga kasama namin.

"So ayun guys, ayun muna ang plano for now. Meeting nalang ulit tayo bukas ng umaga para sa susunod na araw na gagawin natin.." anunsyo ko sakanila. "..sige na Cursed Volton kailangan niyo ng magpakita kay Oviad baka nagtataka na yun." baling ko kina Serix.

Tumayo na ko sa upuan at isa-isa na kami lumabas ng meeting room. Nasa huli naman kami ni Ina na panay pangulit kung ano nangyayari.

"Anong nangyayari Jenica?" tanong ni Ina kay Jenica.

"Si Ate na po tanungin niyo kailangan pa po namin magensayo, Ina." sagot ni Jenica kay Ina. At pagkalabas ng meeting room ay dumeretso na sa Training Room kasama ang iba.

Ako naman ay sa sala dumeretso dahil gusto ko munang magpahinga. Kung hinahanap niyo si Keiron sumama na siya sa training room, aaralin niya pa kasi at palalakasin ang brilyante niya.

Kasunod ko naman si Ina na panay pangulit.

"Okay Ina, may palaro po kasi si Oviad. At tinawag niya itong Hide and Seek. And bukas na bukas ito magaganap. Kaya nagpaplano kami upang walang mamatay, dahil sa larong yun ay kailangan pumatay ka. Yung mga estudyante na masusugatan ay dadalhin sa Kaharian natin para gamutin ni Coleen. Bale kailangang mauna dun ni Coleen bukas." sabi ko kay Ina at sumandal sa sofa.

Inaantok ako at gusto ko talagang matulog.

"Ah ganun ba? Kamusta naman kalagayan mo anak?" nag-aalalang tanong ni Ina.

"Okay naman po Ina, I just need to rest. Inaantok po ako eh." humihikab na sabi ko sakanya.

"Oh siya magpahinga ka na. Punta muna ako kay Jenica para magpaalam at makabalik na sa kaharian ihahanda ko ang tutuluyan ng mga estudyante na dadalhin niyo dun. Pahinga ka na ah, mahal kita anak." sabi ni Ina at hinalikan ako sa noo. Tumayo naman siya at naglaho na parang bula. At ako naman ay naglakad na papunta sa kwarto ko at natulog.

Xhaina

Ilang araw ko na napapansin ang pagbabago sa ugali ni Ryle. Hindi na niya ako inaaalaska tulad ng dati. Mas inaalagaan niya ako at panay ang pagpaalala niya sa ginagawa ko, lalo na at patuloy ko pa rin sinusubukan ang paggamit ng paglutang sa ere.

Kasalukuyan na kaming nakaupo at nakasandal sa pader at di ko maiwasang tingnan siya dahil sa nakakapanibagong kinikilos niya.

"Bakit ka nakatingin sakin?" he asked confuciously at nakatingin na siya sakin this time bale magkaharap na kami.

"Nakakapagtaka kasi simula ng maaksidente ako ay di mo na ko inaaway.." takang sabi ko sakanya. "..nagdadrugs ka ba? Naku tigilan mo yan ah. Di yan okay." natatawang pang-aasar ko sakanya.

Pero nanatiling nakakunot ang noo niya nakatitig sakin.

"Hindi biro ang nangyari sayo." seryosong sabi niya sakin.

"Alam ko oy, di ko din naman ginusto na mangyari yun. Sino ba namang tatanga-tanga na gustong pumapalpak yung inaaral na kapangyarihan.." natatawang sabi ko sakanya. "..nag-aalala ka no, naku nag-alala si Ryle sakin. Nag-alala yung greatest enemy ko." pang-aasar ko sakanya.

"H-hindi ah." pagdedeny niya pa.

"Naku amin-amin pag may time, ayaw nalang aminin na nag-alala siya para sakin, don't worry okay lang sakin yan." pang-aasar ko pa sakanya.

"H-hindi k-kaya a-ako nag-alala sayo." utal-utal na sagot niya sakin.

"Eh bakit nauutal ka?" panunukso ko sakanya. "Wala ang isang Ryle nag-alala sakin, yiee." pang-aasar ko pa sakanya.

Nagpatuloy ako sa pang-aasar sakanya hanggang sa..

"Oo na nag-aalala na ko sayo, dahil mahal kita, at mas lalo kitang minamahal." deretsong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Namula ako ng sobra at napatitig nalang din sakanya.

Sana ayos kalang, Ryle! Hibang kana.

A/N:

Idenial si Xhainaaa hahaha update ulit ako mamaya dahil sinuggest po nila magdalawang update akoooo. Wait niyo nalang dahil ipapahinga kolang kamay ko saglit.

Thank you for your time to read!!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW!!

-paraiso_neo ❤

The Royal Bond (The Final Battle)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt