2

20 4 17
                                    

It's been a week since I got out of the house. Wala akong maisip na gawin kaya naman nakatunganga lang ako magdamag sa bahay habang nag-iisip ng maaring gawin.

I looked at the ceiling and thought of a way to cope up with the boredom. Naisipan kong bisitahin ang shop ko ngunit kailangan ko pang i-contact si Garraez para samahan ako papunta doon. Simula nang nagkita kami ni Aries sa labas ng resto na kinainan namin ni Amell ay hindi na ito nagpakita ng isang linggo hanggang ngayon.

Simula noon ay si Garraez na lamang ang sumasama sa akin kung may simpleng lakad man ako noong nakaraang linggo.

I tried to ask him about Aries but he just said they don't know anything about the personal life of their co-workers. Confidential daw palagi ang buhay ng isa't-isa dahil sa uri ng trabaho nila.

Minsan ay naiirita nga ako dahil simpleng punta lamang sa kung saan ay kailangan may bodyguard ako. I get it, we need it for protection, but... This sucks.

Being a Mayor's daughter sucks. Zome may think it's nice because you're rich and you have some privilege but kailangan ay palaging kaunti ang galaw mo dahil kaunting mali lang ay pwede kaming malagay sa peligro o kaya ay pwede kang akusahan at i-bash ng mga tao. Daig pa ang artista sa pagiging anak ng Mayor.

And not to forget the fact that Papa's so scared since Mommy's death. Palagi niya kaming pinaalalahanan na mag-ingat. Kaya sobra ang galit niya kapag lumalabas ako na walang bodyguard.

Nang natanaw ko na ang harap ng shop ay tinapik ko si Garraez.

"Garraez, pakitabi nalang ng sasakyan. Salamat." Sabi ko. Tumango siya at itinigil ang sasakyan.

Dahan dahan akong bumaba doon at pumasok sa loob ng aking shop. Ang mga empleyadong may kanya-kanyang ginagawa ay binati ako pagkapasok ko doon.

Minsan kapag sinisipag ako ay binibisita ko itong shop ko sa UPTC dahil kailangan ko ding i-monitor ito. I raised this business by myself dahil mahilig talaga ako sa mga damit at naisipan kong magtayo nalang ng botique para sa hilig ko. Noong natapos ako ng college ay nag-ipon muna ako ng kaunti at nang nakaipon na ako ng sapat ay sinimulan ko na itong buoin

"Good afternoon, Miss Zara!" Bati ng ibang empleyadong nasa likod o storage room at inaayos ang mga racks at damit na ididsplay sa labas.

"Good afternoon." Bati ko at ngumiti. "Maayos ba ang lahat dito? How's the customers?" Tanong ko.

"Naku, Miss, madaming nagpupunta ditong sikat dahil kilala ka daw nila!" One employee eagerly told me.

"Is that so? Kamusta naman?" Nasisiyahan kong tanong.

"Madami silang pinamili, Miss! Natuwa nga kami kasi halos napakyaw niya ang paninda!" Ani ng isa.

"That's good." Puri ko. "Aalis na ko't tinignan ko lang kung maayos ba kayo rito." Paalam ko sakanila. They stopped what they're doing for a while and stood up as they bow to me to pay respect.

"Salamat sa pagbisita, Miss!" Galak nilang sigaw habang papalabas ako sa mini-storage room.

"Ayos ang mga empleyado ngayon, Kor." Puri ko ulit habang kausap ang manager ng botique.

"Buti naman maayos sila, Miss. Kamusta po kayo? It's been a while since bumisita kayo dito." Aniya.

"I've been busy with some things about Papa. Hayaan mo't sa susunod ay dadalasan ko na ang pagbisita." Sabi ko at tumawa sabay mahinang hampas sa kanyang balikat. "Ikaw, how are you?" Tanong ko.

Kor's been my friend and classmate since college at nag-volunteer siya na mag-apply bilang manager ng aking shop nang malaman na magtatayo ako nito. I've been quite close to her when we were blocmates kaya naman ay tinanggap ko siya at credible din naman siya kaya pumayag na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Memories (Forgotten #1)Where stories live. Discover now