Chapter Five

87 8 9
                                    

The conversation with Gabriel last night was kinda good. Tipid man ang mga sagot niya pero kahit papaano naman ay may nalaman ako sa kaniya.

I stood up and walked toward the window. I opened the curtain, letting the bright rays of sun poured through the window.

Napangiti ako kahit papaano. Despite of the pandemic happening right now, this sunlight seems like telling everyone that there's still hope. Matatapos din ang lahat at...makakauwi na ako. Ayokong mag-stay dito nang matagal. Nakakahiya naman kasi kay Gabriel, lalo na sa tita niya.

Bumalik ako sa kama para ayusin iyon. Napatingin naman ako sa study table kung saan may nakapatong na mga canvas. I've been seeing those canvases since I moved in this room.

Lumapit ako roon para tignan ang mga 'yon. Nakabalot pa ang mga 'yon kasama ang ilang art materials.

Kanino kaya ang mga 'to?

Bigla ko tuloy naisipang mag-paint. I love painting. Actually, I brought a canvas and other art materials. Ayon sana kasi ang gagawin ko kapag nasa bahay na ako ni lola.

Binuksan ko ang luggage ko at kinuha roon ang art materials ko. I sat on the chair and started to do some strokes on my canvas.

I remained like that for almost 30 minutes until I heard a knock on the door.

Narinig kong bumukas 'yon kaya napalingon ako, nakita ko si Gabriel na nakadungaw.

"Good morning!" I greeted him with a big smile.

"Kanina ka pa ba gising?" tanong niya.

Tumango naman ako.

"Okay. I'll just prepare our breakfast," aniya at akmang isasara na ang pinto.

"Take your time. Nag e-enjoy pa naman ako rito sa pagpe-paint," I said and showed him my paintbrush.

Nanlaki ang mata niya at tuluyan nang pumasok dito sa loob. "Did you use---"

Agad akong umiling. "No, no! These are mine. Ako ang nagdala ng mga 'to," sabi ko.

Lumapit siya sa table at para siyang nakahinga nang maluwag nang makita ang mga nakabalot na canvas.

"Sa 'yo ba ang mga 'yan?" tanong ko.

Umiling lang siya. "Para sa kapatid ko ang mga 'yan," sagot niya.

Tumango na lang ako. Lumabas na siya ng kwarto kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagpe-paint.

Mayamaya lang ay kumatok na naman si Gabriel. The breakfast is ready. Sakto ay katatapos ko lang din mag-paint. I cleaned the table first before leaving the room.

Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan kong nakaupo na si Gabriel sa dining area.

This is always the scenario every morning – I'll wake up and arrange the bed, Gabriel will cook a breakfast for us, then, we'll eat together. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na para kaming mag-asawa. Pero hindi ko naman inisip na gusto ko talaga siya maging asawa. Ganito lang talaga 'yung kadalasan kong napapansin sa mga mag-aasawa.

"Can I borrow your car? I'll go to the market to buy foods," sabi niya at tumingin sa akin.

"Oo naman," sagot ko. "Just drive slowly, baka masira mo ang kotse ko at hindi na ako makabalik sa Manila," biro ko sa kaniya.

"Don't worry, I'm a good driver," saad niya.

Tumango-tango na lang ako at nag-focus na lang sa pagkain.

"Ako na maghuhugas ng mga 'to para makaalis ka na," sabi ko sa kaniya habang nililigpit ang pinagkainan namin.

"You sure you won't break the plates?" tanong niya.

"You sure you won't break my car?" tanong ko pabalik sa kaniya.

"I am very sure. Trust me," aniya.

"Same. I won't break the plates. Trust me," I said and winked at him.

Umalis na si Gabriel kaya sinimulan ko na ang paghuhugas ng pinggan. Pagkatapos ay nagwalis-walis na rin ako rito sa loob. I may not good in cooking, but I can do household chores. At least, may alam akong gawaing bahay. Masaya na ako roon.

May mga picture frame dito sa sala at pinunasan ko na rin ang mga 'yon. May isang malaking family picture rin na nakasabit sa pader – a picture of a woman who looks like in her mid-40s, a man who looks like the same age with the woman, and between them is a girl who looks like a teenager. Ito siguro ang pamilya ng tita niya.

After two hours, Gabriel finally arrived. He's holding three plastic bags at sunod naman niyang pinasok ang dalawa pang box.

"These are good for almost two months," aniya habang inaayos ang mga pinamili.

"Grabe naman sa two months," sabi ko.

"Hindi natin alam kung kailan mali-lift ang ECQ. Mabuti ng sigurado," sabi niya at tumingin sa 'kin.

Tinulungan ko na lang siya sa pag-aayos ng mga pinamili niya. There are canned goods, instant noodles, meat, fruits and vegetables, chips, and other necessities. Marami-rami nga ang mga 'yon.

"Oh my God!" My eyes widened when I opened the third plastic bag. Gusto ko ring matawa nang makita ang mga laman nito.

Seriously? Body soap, shampoo, and...five different brands of sanitary pads?

Tinignan ko si Gabriel na nakatutok pa rin sa pag-aayos pero sobrang pula ng tainga. Bumili talaga siya ng mga ganito?

"Thank you, Gab." I smiled at him. Sinubukan kong pigilan ang tawa ko pero nakatakas pa rin ito. Ang cute niya!

"Kaya mo na siguro ayusin 'to. Magluluto lang ako ng lunch natin," he said without looking at me. Umalis na siya sa harap ko at naglakad papunta sa kusina.

Naiwan na lang akong nakangiti habang tinitignan 'yung plastic. This is very unusual. Some girls still have to ask their boyfriend to buy them sanitary pads, but Gabriel is different. Siya pa mismo ang nagkusang bumili.

I didn't expect that he would do these things. He is really unpredictable. Most of the time he's grumpy, pero magugulat ka na lang bigla dahil sa pagiging mabait niya.

I'm starting to like this cute and shy Gabriel. Sana lagi na lang siyang ganito.

The Right Path Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon