2-HUSBAND

10.6K 496 727
                                    

"The truth of the story lies in the details." - Paul Auster



Declan's POV

"Before I help you with her, you need to tell me everything about her. If she is your mission, I need to know what kind of mission you have. Sasabit ako dito, Dec. Kapag nalaman ito ng agency na may ginamot akong bitbit ng isang agent."

Tiningnan ko si Mervin at kita kong seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Can you let this slide? I promise, once she regains her consciousness, aalis na kami dito." Ininom ko ang vodka na isinalin ko sa baso.

"Gago ka. Hindi ka pa dapat umiinom. Isang linggo pa ang antibiotics na iniinom mo," saway niya sa akin at inagaw ang baso na hawak ko tapos ay muling naupo sa harap ko. "I cannot let this slide. Muntik ng mamatay ang babaeng kasama mo and now she is suffering amnesia. Walang maalala. Anong gagawin mo diyan?"

Naihilamos ko ang kamay sa mukha at napabuga ng hangin. Kinuha ko ang telepono ko at binuksan ang file ni Stacey tapos ay ipinakita kay Mervin.

"June Cassia Mangayam?" Nanlaki ang mata niya. "She's an agent?"

Tumango ako. "Kapatid ni Jay." Pakiramdam ko ay sumakit ang ulo ko nang maalala na naman ang nagawa ko kay Jay.

"Shit. She is Jay's sister? And she's an agent? Does she know what you did to Jay's team? Kina Will?" Hindi makapaniwala si Mervin sa nababasa niyang file ni Stacey.

Tumango ako.

"Shit." Naitakip pa niya ang kamay sa bibig tapos ay talagang ini-scrutinize ang file na binabasa. "Wow. She received a Medal of Excellence as a rookie agent? Jay trained her well. Ang ganda ng credentials nito," Mervin looked impressed.

"Look what she did to me," ipinakita ko pa ang leeg ko na ngayon ay kulay ube na.

Natawa siya. "Now I know why you had an accident." Muli ay itinuon nito ang tingin sa file ni Stacey. "You know, she reminds me of someone."

Kumunot ang noo ko. "Sino naman? Wala tayong masyadong female agents sa agency."

"She is not from our agency," tumingin siya ng makahulugan sa akin. "Someone you've met. Someone you had an affair while in an assignment."

Lalong nangunot ang noo ko. "Assignment? Ako? Nagka-affair? Kanino?"

Ibinato ni Mervin sa akin ang telepono ko at mabuti na lang ay nasalo ko iyon.

"Gago. Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na. Gusto mo ngang pakasalan ang babaeng iyon. Ikaw na nakilala kong walang panahong magseryoso sa babae. Panay tikim lang ang alam mo tapos ng makilala mo 'yun panay na ang sabi mo na pakakasalan mo siya. What was her name?" Saglit na nag-isip si Mervin. "The one in Samar. Shit. What the fuck is her name?"

Hindi ako sumagot. Kinuha ko ang bote ng vodka at doon na diretsong tumungga.

"Sel. Selma. Anselma Garcia. 'Yung maid ni Mayor. Remember her? Maid na niligawan mo tapos malaman-laman natin agent din pala na target din si Mayor." Tatawa-tawa si Mervin.

Pero hindi ako natawa sa kuwento niya. Naalala ko lang kasi kung paano kami nagkakilala ni Kleng doon.

"That was the past, Merv. Huwag ng ibalik."

"Hindi mo na siya nakita? Ang tagal mo ding hinanap ang babaeng iyon. True love mo 'yun."

"She got her quiet life. She is happily married." Maikling sagot ko.

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon