SONG AU - 1

4 1 0
                                    

(play the song while reading if u want, ok lang din kung hindi)

start.

PERYODIKO - Tayo Lang Ang May Alam

Tayo lang ang may alam
Nando'n sa pagitan ng paalam at pahiram
Tayo lang ang may alam
Tayo lang

"Angela, uhm..ano..kasi, nag-yaya kasi si Micaella bukas, balak nila na kumain sa labas, pwede ba akong pumunta?" nag-aalinlangang tanong ni Gabrielle, girlfriend ko.

Nandito kami ngayon sa rooftop ng building sa skwelahan namin, dito kami patagong nagkikita, pagkatapos ng klase.

"Ahh, okay, sinong kasama niyo?" tanong ko, kahit naman sabihin kong ayoko, wala naman akong magagawa. Lagi naman akong talo sa mga kaibigan niya.

"Sina Nicole at Micaella lang, kasama nila mga jowa nila" tugon niya.

"Ha? Edi magiging fifth wheel ka nyan?" sabi ko at tumawa, umaasa na sasabihin niya na oo.

"Hindi! Ano..kasi..uhm.."

Nawala ang ngiti sa labi ko noong sinabi niya yon. "Kasama si Brian?" pamumutol ko.

Nakatingin ako sakanya, hinihintay ko siyang sumagot, pero hindi siya nagsalita, silence means yes, tangina naman, okay lang sana kung kaibigan lang ang turing ng Brian na 'yon sakanya eh, pero hindi, alam niyang nagseselos ako sa mokong na 'yon pero di niya magawa gawang iwasan. Tapos yung mga kaibigan niya pinagtutulakan pa silang dalawa, bat daw di na lang daw sila, nyenyenye.

Sige lang, sumayaw sa hinihingi ng pagkakataon
Umindak sa kumpas ng kabog ng dibdib na hindi mahinahon
'Di niya mapapansin
'Di ka man tumingin
Dinig ko ang bawat patak ng luha mo

"Angela.."

"Pumunta ka na" i coldly replied, minsan na nga lang kami mag-usap, tapos ganito pa pag-uusapan namin.

"Angela...naiintindihan mo naman, diba? Promise di ako lalapit sakanya" sagot niya.

Ganito naman lagi ang sitwasyon, ako na lang lagi ang umiintindi, ako na lang lagi ang nag-aadjust kapag may ganap sila ng mga kaibigan niya.

I just hummed as an answer.

Nawala lahat ng inis ko nang mag i love you siya sakin, kahit ganito ang sitwasyon namin, alam ko na mahal niya din ako.

"I love you too" i responded.

Pero tayo lang ang nakakaalam Nando'n sa pagitan ng paalam at pahiram
Tayo lang ang may alam
Tayo lang

Buong araw lang akong naka-tunganga kinabukasan, iniisip ko kung ano kayang ginagawa nila ngayon, masaya ba si Gabrielle ngayon? ewan ko, nababaliw na 'ko sa kakaisip. I was about to get up and get some food when my phone vibrated.

Facebook Notification:

Gabrielle Delos Reyes re-story-ied Micaella Jane Santos' story.

Huminga muna ako ng malalim bago ko ito binuksan.

Gabrielle Delos Reyes • 30secs
--> 
       Micaella Jane Santos • 6m
 
         (insert photo here)

      Triple date ❤ @DavidEurie, @NicoleAlvaro, @IvanMarcelo, @GabrielleDelosReyes, @GulapaBrian

Napatulala na lang ako nung nakita ko yon, unti-unting pumatak ang mga luha ko habang nakatingin pa rin sa litratong yon, kahit ilang beses nang nangyari 'to, kahit kailan di ako masasanay sa sakit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SONG AU'S Where stories live. Discover now