Chapter Nine-Alpha Mission Code Red Level 3

122 16 1
                                    

   Alpha Mission. Code Red Level 3.

   Ito ang pinakamahirap na misyon sa kasaysayan ng Katana Academy. Marami ang mga Masters na naghahangad na makasama sa misyon na'to.

   Saksi lahat ng tao, maging si Mr. Lu mismo sa pagbukas ng gate ng Katana Academy. Sa kauna-unahang pagkakataon, bubuksan ang gate para sa paglabas nila.

" Remember the deal Master Skye. If you fail this mission, the gate will not open for you," wika ni Mr. Lu habang pinapanood sila.

                    Arid

   Nakatayo kami sa likod ni Master Skye. Pinagtitinginan kami ng mga Katanians. Maybe because we're not supposed to be here. 8 hours ago, we were degraded. Now, we're standing here, still not sure if it's real.

  In Katana Academy, there are different levels of missions. We have D-missions for neophyte scholars, C-missions para sa mga magagaling na scholars, B-missions para sa mga Mentors, Alpha Mission Code Green level 1 and 2 for Mentors and Masters, Alpha Missions Code Blue 1 and 2 only for Masters and Alpha Missions Code Red level 1 , 2  and 3 for chosen Masters.

   These are the most dangerous missions. Kung tutuusin, hindi kami dapat nandito. Kapag level 1 and 2, it has the possibility that you will sacrifice your comrades.  Level 3 holds the possibility of suicide and sacrificing oneself.

   Suot namin ang blue coat namin na may nameplate. It feels like a dream! A dream that we want to live forever.

"Scholar na ulit sila!!" dinig ko mula sa mga naroroon.

" The Legend is back."

There are murmurs around us, talking about us obviously. Pero hindi namin alintana 'yon.

Scholars na ulit kami!!

   Lumapit saken ang safe keeper ng Academy at ibinigay saken ang attache case ko. Hindi ko kailangang buksan para malaman kung ano ang nilalaman nito.

    Of course, it is my bow and silver-feathered arrows. Xylyx received his attache case with a wide smile in his face. Laman ng attache case niya ang lahat ng gamit ng mga hackers at may maliit na maleta pa ang ibinigay sa kanya. Dwayne received his attache case too, with his silver gun in it.

   Speaking of Dwayne, nakapony tail siya ngayon. He looks extremely handsome and neat. Like me, disbelief is oblivious in his eyes despite his effort of hiding it. 

   Nakita ko si Mistress Ki sa di kalayuan, para siyang mama na umaattend ng graduation ng anak.  She's wearing a proud smile on her face at naiiyak siya. Nakita ko rin si Tatang. Tiningnan niya kami at maluhang nginitian.

   Kanina ko pa gustong umiyak sa tuwa. Tumingin ako sa dalawa na nakatingin din pala saken, they're wearing the happiest smile they could wear. May iilang audience na naiiyak. Syempre, kami lang ang degraded na muling nagka-rank.
Pero mas marami ang umiiyak nung isinuot ni Mr. Lu kay Master Skye ang red cloak.

     He's a Master again.

     Master Skye is back for good. At siya ang napili ni Mr. Lu para sa pinakaimportanteng misyon sa kasaysayan ng akademya.

    We will risk our lives for the sake of the Academy. Kahit hindi namin alam ang katotohanan sa likod ng magandang pangalan nito.

" We will be waiting for your return Master Skye," mahinang wika ni Mr. Lu.

   Nang matanggap ni Master Skye ang attache case niya, may closing remarks lang si Mr. Lu at sabay-sabay na nagsalute ang mga Katanian sa'min habang naglalakad kami palabas.

   Maya-maya lang ay nasa loob na kami ng sports car  namin.

"Waaaaaaaaah!"

   Sabay naming sigaw ni Xylyx sa loob ng sasakyan. 

" Damn! Sakit sa tenga," reklamo ni Dwayne.

" Skye! anong ginawa mo? Pa'no nangyari 'to?!" tanong ko sa kanya.

" Call me Master. Master nyo na ulit ako," he demanded. 

" Ang galing mo Skye! Muntikan na akong maniwala na tinalikuran mo na talaga kami,"maluha-luhang saad ni Xylyx.

   Ganito talaga si Xylyx. Siya lagi ang taga iyak sa mga mahahalagang events ng Shadow na tulad nito.

" Tara na Skye. Ang ingay" saway ni Dwayne samin.

" Isa ka pa Dwayne," Mungka ni Master. 

" Masayang masayang masayang masayang masaya kami!" wika ni Xylyx.

   It's just like the old days. I felt like we didn't grow up. Even with the 5 years of distance between us, may mga bagay pa rin na di nababago.

   We smiled.

   Nang pinaandar na ni Master ang sasakyan, mas lalo kaming nag-ingay. Sa wakas! nakalabas na rin kami ng Academy.

   Siguro kung nakakamatay lang ang saya, Ultra Kill na kami ngayon.

" Totoo ba ang narinig ko Skye? Magiging Sage ka na kapag nakabalik ka?" tanong ni Dwayne dito nang natahimik na kami.

   Nagkibit-balikat lang si Master.

"Yan ay kung makakabalik pa ako sa Katana," he said in almost a whisper.

"Wag ka ngang ganyan Master, pangit mo kabonding," tugon ni Xylyx sa kanya.

   Isang Sage lang ang meron sa Academy. Si Sage Hell lang. And he is known for his telekinesis. I feel excited and happy for Master Skye. He'll surely surpass the first one.

                    Skye

   Tatlong oras pa lang ng byahe pero tulog na ang tatlo kong anak. Everything happened so fast. Siguro hindi sila nakatulog kagabi dahil sa tuwa.
  
   Sinulyapan ko sila sa salamin.
Parang kailan lang nag - aaway pa sila tuwing practice. Now, they're all grown up. Nakakamiss ang mga batang Shadow.

   Siguro hindi niyo pa alam na apat ang scholars ko. Naging Mentor ako sa edad na 19 . Ewan ko kung bakit , siguro dahil matalino at magaling ako. I'm not bragging, just stating facts.

   Si Arid Pierce, Xylyx Zero, Dwayne Myth at Amaru, sila ang bumubuo ng team Shadow. Dahil neophyte Mentor ako, saken napunta ang mga pinakahuling scholars. Pumili muna yung mga mentors ng mga scholars nila at saken napunta ang tira-tira. They got the lowest score in Scholar Exam. Pero hindi yun ang basehan ng pagkascholar nila.

   They became a legend team, didn't they?

   Maliban kasi sa magaling sila, magaling din ang Mentor nila. At hindi ko maitatangging their Team Captain, Amaru,  was one of the most extraordinary captains. Bonus pa ang mukha nun na habulin ng mga babae. Mana saken.

    Napakwento na naman ako sa sarili. Tama naman sila. Masaya talaga ang araw na 'to.

  







   

Katana Academy and the Lost One Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz