CHAPTER 30

150 3 1
                                    

Jusilin Hermoso

Kinabukasan napabalikwas ako dahil kinatok ni mama ang pintuan ng kwarto ko kulang nalang masisira na agad ko namang binuksan

"Nak poyde ba ikaw muna mag luto kay sir Zeck masama kasi ang pakiramdam ko "aniya ni mama at kitang kita ko na nanghihina ,tinap ko naman ang kamay ko sa noo ni mama may lagnat pala siya

"Kung aalis ako ma sino mag aalaga sayo?"tanong ko

"ang papa mo anak di kasi siya marunong mag luto ng paboritong putahi ni sir Zeck ikaw lang at ako ang may alam ,nalito nga ako anak bat marunong kang mag luto non"aniya ni mama na ikina kaba ko dahil natuto akong mag luto non dahil tinuruan ako ni Zeck pano gawin yun

"hehe mama naman eh maraming putahing tinuro sakin si mother superior no"sabi ko at naligo pagkatapos nag bihis na ako 5:30am pa pala lumabas na ako ng bahay at ito naman ang puso ko kabog ng kabog dahil makikita ko ulit si Zeck binigay saakin ni papa ang susi ng bahay kasi natutulog pa si Zeck agad akong pumunta sa kusina para mag luto habang busy ako sa pag hihiwa nabigla ako ng may yumakap saakin mula sa likod multo kaya ito?

"Good morning Jusilin"bulong ni Zeck sa taynga ko agad ko siyang tinulak dahil kinilig ang katawan ko ngumisi lang siya at nakita tuloy yung dimples niya wahhhh ang gwapo ! agad ako umiwas ng tingin, jusilin hayaan muna yan wag mong pansinin Nabigla naman ako ng itinukod niya ang kamay niya sa mesa na hinihiwaan ko at dahil sa lapit namin kung titigan ko siya sa gilid paniguradong magkakahalikan kami

"Ano ba Zeck kurimaw ka talaga!"sigaw ko at tinulak siya pero hindi talaga tatablan ang katawan niya sa tulak ko ang laki kasi ng katawan niya miss kuna ang 6 pack abs tas yung mag---- putik ano ba ang iniisip mo Jusilin nahihibang kana ba bawal lumandi may asawa na yan at isa kang madre "wag kang masyadong lumapit sakin may asawa ka "sabi ko

"I dont care ikaw naman ang napakasalan ko sa altar "aniya at kumindat " Shower muna ako babe you wanna join me?"pahabol niya kulang nalang ibato ko sakanya ang kotselyo pero gusto ko sana--- putikkkk ano ba itong isip ko!

Ng matapos ako agad kung hinanda iyon sa mesa sakto naman patungo na si Zeck dahil aalis na ako

"aalis na ako" paalam ko

"No may gagawin kapa ikaw muna ang mag tratrabaho dito dahil may sakit ang mama mo gusto mubang duduty parin ang mama natin kahit may sakit"nabigla ako sa sinabi niyang mama daw namin aba ang kapal ng loko o

"hoy hindi ka niya anak!"sigaw ko

"soon"aniya at kumain "lets eat "aniya wala nakong nagawa kundi kumain nalang bat ba ang kulit niya ng matapos ako agad akong tumayo at ng matapos din siya nilinis ko ang ginamit namin ng matapos naman ako sa pag huhugas pumunta ako sa sala para mag linis naka upo lang siya sa sofa habang titig na titig sakin ano bang problema nito

"hoy wag mo nga akong titigan!"sigaw ko

"Ang feeling mo naman"aniya at nanood ng tv

"paki kuha nga ng popcorn baby"aniya tinignan ko siya ng masama naka ngisi lang siya agad ko namang kinuha ang popcorn at padabog na inilagay sa lamisa na kaharap niya

"water please"utos niya ulit kumuha nalang ako at inilagay sa lamisa ulit at nag wink nanaman ang mukong

"gusto mo tusukin ko mata mo!"sigaw ko

"kung gagawin mo yan I will fvcking kiss you baby"aniya at nag kagat labi putik naiinis na ako! Agad akong pumunta sa second floor habang nag lilinis ako naalala ko nalang bigla ang bangayan namin noon subrang sungit pa niya noon sakin ng matapos ako agad akong bumaba

Nakita ko agad si Zeck na nanonood ng tv nasaan kaya si Zendy bat di sila kasama ang lumalaro sa isip ko may nangyari na kaya sakanila? Kumirot naman ang puso ko di kuna dapat itanong yun dahil di ko maabot si Zeck subrang yaman nila bagay na bagay sila ni Zendy nabigla naman ako ng tumingin siya dito sa side ko agad naman akong nag walis kasi ngayon ko lang na laman na ang tagal ko siyang tinitigan

"psst! Tubig "aniya agad naman ako nag kuha ng tubig tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang wrist ko come with me"aniya at tumayo siya sumunod naman ako saan ba kami pupunta ? Nakapunta na kami sa 2nd floor papasok kami sa kwarto nakaramdam naman ako ng kaba

"A-anong g-gagawin ko dito"putol putol ang pagsasalita ko dahil sa kaba

"tss di naman kita aanuhin may ipapakita lang ako sayo "umupo siya sa kama nabigla ako ng hinila niya ako at napaupo ako sa hita niya at di nako makaalis dahil naka corner ang dalawa niyang kamay sakin tas binuksan niya ang libro isa palang maraming drawing

"iginuhit kita dito hindi ito si Zendy ikaw to namiss kita kaya ginawa ko to"aniya di ko akalain ang galing niya at di rin ako makapaniwala na iginuhit niya ako ......

"iginuhit kita dito hindi ito si Zendy ikaw to namiss kita kaya ginawa ko to"aniya di ko akalain ang galing niya at di rin ako makapaniwala na iginuhit niya ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------

Yan lang muna guys😘💕💕

Ang Estudyanting Madre Ikinasal?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon