Chapter 14
Iris Selene
Hindi ko alam kung bakit sa garden ng school ako dinala ng mga paa ko. Tapos wrong timing, nandun den sina Blake, Andi at syempre si Chad na nakatambay sa may ilalim ng puno.
Napansin ko sila, sila ang di nakapansin sa akin. Umupo ako sa sa ilalim ng puno. Malayo ako sakanila kaya di nila ako mapapansin.
Bwiset. Naalala ko nanaman ang nasabi or lemme say nasigaw ko sa room kanina. Nahihiya na ako. Hiyang hiya. Paano ako aattend ng first subject? Aish.
Bwiset kase tong si Nessa e. Pinipilit pa ako. Yan tuloy, nasabi ko ang hindi dapat masabi. Oo, walang kami. We just have a fake relationship.
Ang alam kong dahilan, ay... ikakasal siya. Fixedly marriage kung baga. Ganurn. E ayaw niya, tapos ako pa ang napili niyang fake gf.
Naalala ko ren ang name na Layla. Yun yata ang ex niya. Oo. Ex niya.
"Bakit ka nandito? Wala ka bang klase? Ate Iris?" Nagulat ako nang bigla na lang may tumabi sa akin at nagsalita. Nilingon ko ito.
"Chester? Ikaw na ba yan?" Napatingin ako sakaniya. Grabe, laki naman pinagbago ng lalaking ito.
"Ate, ako nga. Oh diba? Di na kase ako malakas kumain, hindi katulad ng dati." Natawa ako sa sinabi niya. Niyaya ko siyang umupo sa tabi ko.
"Bakit nga pala nandito ka sa maynila? Akala ko ba nandun ka sa probinsiya? Kasama nag aaral si Iya?" Tanong ko.
"Ewan ko nga kila mama. Pinauwi niya ako dito kila auntie, gusto kase ni mama na dito ang ako mag aral. Kase, sikat daw ito na unibersidad."
"Wala bang.. unibersidad dun? Pwede ka naman dun ah. Tsaka, 3rd year highscool ka pa lang. Dapat pala hindi ako nag stop. Para 1st year college na ako."
Nag stop kase ako nung grade 5 nun. Si Iya na lang daw muna kase di kaya nila mama at papa ang budget nun. Pero, tumulong ako sakanilang pagtatrabaho kaya ako nakapagaral at lumuwas dito sa maynila. Nakatanggap den kase ako ng scholarship dito sa JAU.
"Iris?" Napalingon naman ako sa kaliwa kong side. Nanlaki ang mata ko na si Chad ito. Napatayo ako at pinagpag ang pantalon ko.
"Bakit ka nandito? Di first subject mo?" Tanong niya na nakakunot ang noo. "At sino naman yan?" Turo niya kay Chester.
"Ah. Siya ba? Si Chester. Ahm, kaibigan ko. I mean, kababata ko." Tugon ko.
"Ah. Bakit nga pala hindi ka pumasok sa first subject mo? Huh?"
"E-e ikaw? 1st subject nyo ren diba?" Tugon ko sakaniya at tinuro siya. 1st year college na kase siya. Engineering ang kinuha niyang kurso.
Kung 1st year college na ren ako. Unte lang ang schedule. I mean, mas mabilis.
"Apo ako." Simpleng sagot niya.
"Tch. Di naman sapat na rason yun... para lang mag cutting ka." Tugon ko.
"A-ah. Ate Iris, una na po ako. Start na po siguro ng first subject namin." Tugon ni Chester. Tinanguan ko lang siya.
"E ikaw? What's your reason?"
"What reason?"
"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?"
"Kapal mo! Napadpad lang ako dito, di kita sinusundan."
"Sabi mo e." Tugon niya at nagkibitbalikat at umalis na sa harap ko. Yun na yun?
Hayst. Alisin ko na nga ang hiya ko. Para naman may grades ako ngayon sa 1st sub ko. Pero, ayaw ko talaga makita na ako ang center of attention.
Bwiset kase si Nessa e!
Napagdesisyunan ko na dito na lang muna magstay sa garden hanggang sa matapos yung 1st sub.
Inshort, nag cutting ako. Wala naman makakakita sa akin. Lahat ng estudyante nasa room nila, simula 1st year hs hanggang 4th year college. Pati mga teacher.
May ibang nandito ren naman, ewan ko na lang kung anong dahilan. Nilabas ko ang novel ko sa bag ko. Magbabasa lang ako, hanggang sa matapos yung 1st subject namin.
***
Riiiiiing!!
Nag ring na ang bell. Tapos na ren ang first subject namin. Marami naren mga estudyate nagsilbasan para pumunta sa locker area.
Tumayo na ako at tumungo sa locker area. Pansin ko ang mga maiinit na titig nila sa akin. Hayst. Bobo ko kase sa part na sinigaw ko ang dapat hindi.
Nakita ko si Nessa sa locker area na nagaayos ng books niya. Tumungo ako sakaniya. Magkatabi lang kase ang locker namin.
"Nag cutting ka. Pinagalitan ako ni prof nang dahil sayo." Tugon ni Nessa at hinarap ako. Napakamot na lang ako sa batok ko at binuksan ang locker.
"Ano? Totoo ba yung sinigaw mo?" Rinig ko sa boses niya ang seryoso. Hinarap ko siya at umiling.
"Anong hindi? Sinigaw mo pa nga e."
"Hindi nga. Sabihin ko na lang sayo mamaya." Tugon ko at nilabas ang book ng 2nd subject namin.
"Hayst. Don't need to explain. Umamin naren si Chad sa fb group ng school." Napatingin ako sakaniya.
"A-ano? Anong i-ibig mong s-sabihin?" Utal utal kong tanong sakaniya.
"Look," saad niya at pinakita ang phone niya na picture naming dalawa na stolen ni Chad sa ice cream parlor. Ito ang nakalagay sa post.
Chad Amiro posted a status in Jose Amiro U. Group Page
If you know, Iris Selene Valdez. She's my girlfriend. She really is. Is not fake. Actually, we're not dating. Cause, we're together living at the same roof. Don't be mad at her. This is what you called "love at first sight."
😮❤️😢 Vanessa Kyle and 2.5k others like this | 1.5k comments | 1.7k shares
At talagang minention pa ako?! Aish!!!!
"Tch. Angal ka pa, totoo naman pala." Saad ni Nessa at inirapan ako at nilayasan.
Potek? Anyare dun?
Tinignan ko ang paligid ko at nakatingin lang sila sa akin. Hayst. Bakit ba kase ang lakas ng apekto sakanila ni Chad? Aishhhh!!
"Siya yun girl."
"Siya nga. She's not even sexy."
"Yuck. They're not meant for eachother because of her look."
"She's not pretty."
Di ko na lang sila pinansin at agad na tumungo sa second subject. Aish. Bwiset na Chad. Mas pinalaki pa ang problema ko! Bobo talaga nun!
Pagpasok ko. Agad naman sila nagbulungan. Umupo ako sa tabi ni Nessa. Hindi niya manlang ako pinansin.
Nagtatampo. Di ko daw kase sinabi sakaniya ang totoo. E yun naman talaga ang totoo? Walang kami at di kami nag dedate. We just have a fake relationship dahil sa fixed marriage na sinabi ng parents niya?
Bullshit!
-
Sorry, ngayon lang nakapag ud :( dont tyah all worry. Tinamad lang talaga ako at wala akong load HAHAHHAHAHA!!
Nagmamahal,
dj🖤
BINABASA MO ANG
Babysitting the Playboy's Littlesister | ✓
Teen Fiction| COMPLETED | WARNING: CLICHÉ, UNEDITED UNEDITED VERSION, PLEASE DO EXPECT SO MANY ERRORS. Iris Selene needs a work. So, she can earn money and find a new home. Because of hard life right now, she don't know what to do. Until, she meet Christian Dal...