Chapter-6

40 9 8
                                    

Sam's P.O.V
(Samantha Santiago)

Nagising na lang ako dahil sa pag tawag ni mariel

"Sam, gising na." saad nya

"gising na, okay na." saad ko at bumabangon

"Ngayon na kasi alis ko diba, baka kasi pag sisihan mo pag di mo nakita kagandahan ko bago man lng ako umalis." saad nya

Tumingin ako sa kanya na naka tayo lng sa dulo ng kama ko
Nakabihis sya ng long-sleeve na color white at naka pantalon

"Anong oras naba at nakabihis kana?" tanong ko pero pikit mulat lng ang ginawa ko.

"4:00 am." saad nya

"gaga ka 4:00 palng pero bihis kana diba 7:00 pa alis mo!" saad ko at dahan dahang humiga ulit

"trip ko lng" saad nya at parang lasing pa, humiga sya sa tabi ko at pumikit ulit

"Mga 2:00 tayo naka uwi kanina tapos gigising mo ako ng 4:00? Lasing kapa ba?" saad ko habang nakapikit

Tumawa lng sya

Hinayaan ko na lng sya na magpahinga sa tabi ko

Ilang minuto pa lng akong nakapikit nang napadilat ulit ako ng maisip ko ang sinabi ni mariel kanina sa club

"oo nga pala, ano yung mga pinag sasabi ko kagabi sa stage? Nabanggit mo na umakyat ako dun tapos may sinabi?" saad ko pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya

Nilingon ko ito, kaya pala di na sumagot kasi tulog na

Bumalik na lang din ako sa pag tulog

**

Tumunog na ang alarm ko kaya bumangon na kami ni mariel, nag ayos na ulit sya sa sarili nya at pinalitan ang suot kanina

Naligo na ako at inayos ang sarili.

Nang natapos na ako sa tinali ko na yung buhok ko, pony tail parin naman at bumaba na

Nakita ko silang nag a-almusal na

Sa pamilyang 'to, wala talaga silang balak na hintayin ako e noh

Naupo na lng rin ako at sinimulang kumain kahit ayaw ng sikmura ko

Nang natapos na akong kumain, inayos ko na ulit yung sarili ko. Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na kaming tatlo ng bahay

sa kabilang way ng kalsada si mariel kaya di kami sabay na aalis ngayon

"Bye girls, see you in 2 months." saad nito at nakipag beso, ganon din namn ang ginawa nya kila mitchie at mommy. Tinarayan nya lng si ate scarlet at ganon din ang ginawa ni ate

Nag panggap pa si mariel na naiiyak kahit wala naman itong luha.

"Bagal mo naman umalis." pataray na sabi ni ate scarlet dahilan para sumama ang tingin ni mariel sa kanya

Natawa na lang ako sa kanila.

"yan nanamn kayo, ang aga aga pa oh." awat ni mommy

"Oh sya, byebye naa." saad ni mariel

"Mag iingat kayo ha, lalo kana mariel ingat sa byahe" saad ni mommy

"bye ate mariel." saad ni mitchie

"Thank you chiee, byebyee na." saad ni mariel

"Oo na umalis kana." saad ko

"Ito na nga aalis na!"

Kumaway sya bago sumakay ng taxi, umalis na rin naman agad ito.

Si ate namn pumasok na sa loob pero bago yun binangga nya muna si mitchie

"Naka harang ka" saad ni ate kay mitchie

"SCARLET!" awat ni mommy "Pag pasensyahan muna ate mo ah." saad ni mommy at hinalikan sa noo si mitchie ganon din naman ako

"MOM!" sigaw ni ate habang nasa loob

"Oh sya, mag iingat kayo ha." saad ni mommy bago pumasok sa loob

Umalis na lng kami ni mitchie hanggang sa makarating na kami sa school

"Dito na ako, ingat ka ah." paalam ko kay mitchie

Nag nod lng sya bilang sagot

Umalis na sya kaya pumasok na ako at dumiretso sa room, at yumuko lng sa table ko.

Wala pa naman yung iba dahil masyado pang maaga

"oh." saad ng kung sino kaya inangat ko ang tingin ko, inabotan nya ako ng ice cream

Di ko sya kilala pero isa rin sya sa classmate ko ngayon

Tinanggap ko yun at sinimulang kainin

"Thank you nga pala...?" saad ko at hinihintay na sabihin nya ang pangalan nya

"CHARLES ROSALES." saad nya at ngumiti

"thanks charles." saad ko at ngumiti rin

Pumunta na sya sa upuan nya at sinimulang kainin yung chocolate na dala nya

may naramdaman akong presensya ng tao sa pinto ng room at alam kong naka titig nanaman sya sakin

tinignan ko sya na nakapamulsa pa at nakatitig sa gawi ko.

Aga aga may pogi.

Papasok sya ng room at naka sunod namn sa kanya yung iba naming classmate

Nang dumaan na sila sakin, napansin kong ngumiti sya sakin.

Oo, ngumiti sya. Nakita ko yun may mata ako

Basta sakin yun, tumingin ako sa likod ko kung may tao ba pero wala na man naka upo sa likod ko tinignan ko namn yung mga katabi ko pero busy namn sila ni vanessa sa pag chichikahan

"Good morning sam!" bati sakin ni brent habang nakangiti ng nakakaloko

"Morning..?" saad ko

"Buti Pumasok kapa." saad nya habang tumatawa at umupo na sa upuan nya.

Huh?..

"Flashback"

Nagising ako sa ingay ng tugtog na nanggagaling sa stage, tumayo ako at tumingin sa paligid kahit nahihilo pa

Gusto ko sumayaw.

Pumunta ako sa gitna at naki sayaw sa mga sumasayaw

"woah!" malakas na sigaw ko

tumawa naman ang iba sa kanila at nakipag sayawan sakin

Umakyat ako sa stage habang sumasayaw namn ang iba sa ibaba, kinuha ko yung mic at nag salita dito

"hmm mic check, mic check!" saad ko at kinatigil ng iba habang naka tingin sakin

"hii..." lasing na saad ko

hinawi yung buhok ko papunta sa likod ng tenga ko "gusto ko lng sabihin na may nagugustuhan po ako and ang pogi nya." saad ko at tumawa

Tumawa naman din sila dahil sa sinabi ko

"Miss, sakin kana lng."

"No miss, ako na lang araw araw kitang papaligayahin." saad ng isa at sumipol

"Hushh!" saad ko at nilagay ang daliri ko sa gitna ng labi ko

Inayos ko ang tayo ko, tumayo ka ng maayos

"Pogi yung crush ko, matangkad tapos masungit marami din syang babae." saad ko habang pumipikit at naka sad face

"Sam, tara na bumaba kana dyan." tawag sakin ng pamilyar na boses

"Sino ka ba't ang pogi mo." saad ko at lumapit sa kanya.

Inabot nya yung palad nya para alalayan ako, lumapit ako sa kanya at yumakap

Amoy na amoy ko yung pabango nya, ang pogi na mabango pa.

Naramdaman kong binuhat nya ako kaya nag pahinga na ako sa balikat nya.

Naka ramdam nanaman ako ng pagka hilo at dahan dahang bumagsak ang mga mata ko dahil sa antok.

"End of Flashback"

"What If"Where stories live. Discover now