1st Command: Run, Ruined, Reputations

142 7 0
                                    

A/N: The first command is here

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: The first command is here. Enjoy :) 
***

CHAPTER 6

Nandito kami ngayon sa opisina ng principal habang tinatalakay namin ang nangyaring trahedya kanina.

"Everything is all clear Keegan. Nalinis narin namin ang scene of the crime," wika ni Mr. Demorant – this school's principal. Hindi na ako magugulat na kilala ni Mr. Demorant si Keegan dahil sa simula palang, si Keegan na yong president ng Supreme Officers.

"Thank you sir," tugon ni Keegan sa kanya.

"Pero paano naman po yong magulang nong namatay?" hindi ko mapigilang tanong kay Mr. Demorant.

"Kami na ang bahala Mr. Satermello. We'll all do whatever it takes para ma convince sila. But right now, we have a bigger problem. Everything is starting to get back." Napakunot ang noo ko sa paliwanag ni Mr. Demorant.

"Come with me. I want to show you both something very important," dagdag niya. Tumingin ako kay Keegan at isang seryosong mukha lang ang ipinakita niya sa akin.

Tumayo si Mr. Demorant at isinira niya ng mabuti ang pintuan ng kanyang opisina. Pagkatapos non, pumunta siya doon sa may bookshelf na nasa likod ng kanyang desk at kumuha ng isang libro. Sa likod non, may isang pulang button kaya pinindot niya ito. Dahil don, dahan-dahan na tumagilid ang bookshelf at ipinakita ang isang pintuan.

Hindi ko mapigilang magulat. Napalingon ako kay Keegan pero yong mukha niya ay hindi parin nagbabago, seryoso parin. Paano niyang nagawang hindi magulat?

Bumaling ako ulit pabalik doon at nakita kong may code system device ang pintuan habang may pinipindot naman si Mr. Demorant. Pagkatapos non, nabuhay ang isang kakaibang tunog at malayang bumukas ang pintuan.

The fuck! Ang galing non ah!

"Don't be too surprised. Parang ngayon kalang nakasaksi ng ganyang bagay," biglang wika ni Keegan sa akin kaya inayos ko ang aking sarili. Like yeah! Sa boung buhay ko ngayon palang no. I thought these things just exist in movies.

"H-hindi ah. Nakakita na ako ng ganito...noon," natutuyong lalamunan kong palusot sa kanya. I just see him smirked at me before turning back his head.

"Samahan niyo ako," ani Mr. Demorant at tuluyang pumasok sa loob. Unang naglakad si Keegan kaya sumunod naman ako. Madilim sa loob kaya nong pumasok ako, doon lumabas ang liwanag. Hindi ko mapigilang mag-angat ng tingin sa pader nong makita ko ang dose-dosenang litrato na nakapikit.

"Woah!" bulong kong wika. Umikot ako ng pabilog at ang boung pader ay napapalibutan ng mga litrato.

"This is the place where I hid the pictures that we caught. Mga litrato na bigla-bigla nalang napupunta sa amin. Ang mga litrato nito ay tungkol sa mga estudyante na walang awang pinatay. Some were taken brutally. Walang ng kamay o paa. Mga ulo na nakatali sa itaas ng puno o katawan na palutang-lutang sa ilog. Some are raped before they killed it," mahabang litanya ni Mr. Demorant.

Nong tiningnan ko ng mabuti yong litrato na nasa aking harapan, hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa aking nasaksihan. Litrato ito ng isang babae na nakahubot' hubad habang may nakatakip sa kanyang ulo at yong maselang parte niya ay may isang bote ng wine na nakapasok sa loob. May mga dugo naman na nagkalat sa kanyang paa.

"Sa maraming taon, hindi namin alam kong kailan matatapos ang trahedyang 'to. Even the cops can't really solve this crime. Maraming nagsasabi na ipapasara nalang dapat ang paaralan na ito pero ayoko. Ayokong basta-basta nalang masasara ang DumpWestern University. This school has been my whole life. Kaya yong lumaganap ang krimen, ginawa naming ang lahat para hindi maka-alam ang publiko," dagdag niya.

Bigla siyang bumaling sa aming dalawa.

"Kaya kailangan ko ang tulong ninyong dalawa. Alam kong hindi dapat tayo ang mag ha-handle ng kasong to pero hirap na ako. Kaya nagmamaka-awa ako, kailangan ko ang tulong niyong dalawa. Kayo lang ang maasahan ko."  Naramdaman ko ang kakaibang bigat sa kanyang sinabi. Tiningnan ko si Keegan at nakita ko siyang nakatingin lang kay Mr. Demorant.

"Tutulong kami Mr. Demorant," bigla niyang wika. "Alam naming hindi sapat na kaming dalawa lang pero gagawin rin namin ang lahat para masagot ang krimen na ito." His gaze point out to me and I smile neatly. 

"Oo Mr. Demorant," aniya ko. "Gagawin namin ang aming makakaya." Hindi napigilan ni Mr. Demorant ang kanyang sarili at bigla niyang kaming niyakap ni Keegan. Kahit nalilito, hinayaan namin ang matanda sa kanyang ginawa. Nong napatingin ako kay Keegan, nakita ko siyang ngumiti doon sa matanda.

Iyon ang una kong beses na nakita ko siyang ngumiti ulit pagkatapos namatay ang papa niya.


Pagkatapos non, hindi rin kami nagtagal at lumabas din kami ng opisina. Tahimik naming nilakad ni Keegan ang daan papunta sa opisina niya. Pero ilang sandali, napagpasyahan kong basagin ang katahimikan.

"Laki ng ngiti mo kanina ah," sabi ko sa kanya kaya napahinto kami. "Tagal ko naring hindi nakikita na ngumiti ka ng ganon. Simula nong nawala ang papa mo." Dagdag ko. Napangiti siya ng kunti.

"Bakit? cute ba ako kapag nakangiti?" aniya.

"Alam mo mahangin karin no. Sinabihan kalang ng ganon sasabihin mo naman na cute ka. Cute ka naman talaga." Napabilog ang mata ko.

"Ibig kong sabihin mukha kang alien kapag nakangiti," dali-dali kong wika pero huli na ang lahat dahil lumapit siya sa akin kaya hindi ko mapigilang manigas.

"Hindi mo naman kailangang sabihin na cute ako dahil matagal ka namang na cu-cutan sa akin. Gusto mo nga ako diba?" napalunok ako. Agad ko siyang tinulak papalayo.

"Dahan-dahan kalang sa sinasabi mo dahil baka bumagyo. At tska hindi kita gusto," inis kong aniya.

"Pero paano yong senior year natin?" taas-kilay nitong tanong habang may nakakalokong ngiti.

"Iba yon! Hindi na 'yon mangyayari. Gusto mo ng sapak ha!" banta ko.

"Oo. Sapak sa puso. Nang-aasar kasi sa iyo dahil nga matagal kana nitong gusto." Biglang umakyat ang kakaibang init sa aking mukha. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi rin mawawala ang paglunok ko ng malalim.

"G-gago!" sabi ko at tumawa lang ang ugok.

Pagkatapos ng klase, naka-uwi rin ako sa bahay. Kanina, hindi ko mapigilang umiling-iling sa paligid dahil baka makikita ko naman yong lalaking naka hoodie na black. Napa isip ako. Kung si Quinn nga yong lalaki, bakit niya ako sinusundan papunta sa bahay namin? May balak ba siyang hindi maganda?

Marami ang pumapasok sa isip ko. Pero dahil sa pagod at sa mga pangyayari, pinabayaan ko nalang ang lahat. Sa bahay, bago ako makatulog ay may natanggap akong mensahe. Dinampuan ako ng kaba nong makita kong kaninang number ito. Galing ito sa unknown texter. 

Get ready

***

"Can you read it Mr. Salazar?" I yawned. Napabaling ako sa paligid at nakita kong halos sa aking mga kaklase ay nakahiga yong ulo sa armchair nila. Yong iba naman ay patagong nag-ce-cellphone. Kung history time nanga, dito na magsisilabasan ang antok. Putik kasi 'tong si Mrs. Fabrigas! Naka-upo panga, kami pa ang magbabasa. Kumakain pa ng apple ang bruha.

Napa-aray ako nong may dumampo sa aking ulo. Agad akong napabaling.

"Ano?" naiinis kong wika kay Niana.

"Galit agad?" sabi niya.

"Hindi e. Hindi!" sarkastiko kong sagot. Ikaw naman, hahampasin ng pagkalas sa ulo gamit ang ballpen. Yong mamahalin pa naman kaya sobrang tibay.

"Bakit ba kasi ang hilig mong manghampas ng ballpen sa ulo ko ha?" bulong kong tanong. Lagot na kapag mahuhuli kami ni Mrs. Fabrigas.

"Ewan. Trip ko lang," sagot nito.

"Kung hahampasin kita ng sapatos tapos kung tatanungin mo ako kung bakit ko yon ginawa at sasabihin ko na trip ko lang yon. Sasang-ayon ka?" panghahamon kong wika sa kanya.

"Hindi!"

"Iyon naman pala e. Isipan mo nga yong ginawa mong panghampas mo ng ballpen sa akin," irap kong paliwanag.

"Ah basta! Mamaya na! May sasabihin ako."

"Ano na naman yan?" walang-gana kong tanong.

"Nangyaya kasi si Quinn na mag pizza party. Ano sama ka?" nong segundo na narinig ko ang pangalan ni Quinn, hindi ko mapigilang magtanong kay Niana.

"Gaano mo ka kilala si Quinn?" sabi ko sa kanya.

"Bakit mo naman yan nasabi?" sagot naman niya sa akin.

"Nagtatanong ako tapos sasagutin mo ako ng isang tanong. Gago kaba? Sagutin mo ako ng tama." Isinandal niya ang kanyang likod sa kanyang upuan at parang iniisip pa kung ano ang kanyang isasagot sa akin. Ilang sandali, lumapit siya ng kunti.

"Nakilala ko si Quinn dahil mag kaibigan silang dalawa ni Alessia. Ipinakilala siya ni Alessia sa akin noon. Hindi ko masasabi na kilalang-kilala ko siya pero ang alam ko sa kanya, ang hilig niyang kumuha ng litrato. Iyon lang. Bakit ba?" Hobby niya pala ang kumuha ng litrato? Pero bakit nakita ko siyang kinukunan ng litrato ang bahay namin?

Napatingin ako kay Niana at parang naghihintay ito sa sagot ko. Hindi ko ring pwedeng sabihin na nakita ko siyang kumukuha ng litrato sa labas ng bahay namin at sinusundan ako. Ayokong isipin niya na masamang tao si Quinn.

"Wala lang. Isa ba siyang photo journalist?" sagot ko nalang.

"Hindi naman," sabi niya at tumango ako.

Pagkatapos non, naramdaman kong parang sumasayaw yong cellphone ko sa aking bulsa. Buti nalang at hindi ko nakalimutang e silent mode yong cellphone ko. Maingay pa naman ang ring tone nito.

Dahan-dahan kong kinuha ang aking cellphone at patagong tiningnan ito. Nakita kong nagbigay na naman ng mensahe yong unknown texter kaya nagsipasok yong kaba sa aking katawan. Lunok sa laway ko itong pinindot at binasa.

Today is the day that we make our deal. I'll give the prize if you do it for real. Use your confidence and do it together. Run the field thrice but wear only a boxer.

P.S. Go to the old gymnasium and get your suit. At exact 10 a.m. start to run by foot. Don't keep me waiting coz lives are ticking.

Mabilis akong napatingin sa ibabaw ng aking cellphone and it's already 9: 50. Sampung minuto nalang ang kulang bago sumapit ang alas dyes. Hindi ko mapilang kabahan sa aking nabasa. Tatakbo sa field sout-sout lang ang boxer?

Biglang tumunog ang bell at mabilis sa alas kwatro akong tumakbo palabas. Boung lakas akong tumakbo papunta sa old gymnasium at pagkarating ko sa pintuan, timing lang din na dumating si Keegan. Hinihingal din siya.

"Tara na!" sabi niya kaya pumasok kaming dalawa. Sa isang bench, doon nakalapag ang dalawang boxers. Putangina! Fitted boxers to!

"Bakit fitted?" reklamo ko.

"Wag kanang mag-reklamo. May pitong minuto nalang tayo," sabi ni Keegan at sinimulan niyang hubarin ang kanyang sout. Hindi ko mapigilang mapatigil nong nakita ko ang katawan niya. May laman ito at hulmang-hulma yong muscles niya.

"Hoy! Mamaya mo ng pagpyestahan ang katawan ko. Maghubad kana!" natauhan ako sa sigaw niya.

"Gago!" sabi ko nalang at sinimulang hubarin ang aking sout. Nong sumulyap ako sa kanya, nakita ko siyang naka-brief lang. Napalunok ako ng malalim. Ang laki ng umbok niya! Nong aakamang huhubarin niya ang kanyang brief, agad akong tumalikod. Puta! Sobrang lapit na non!

Napa iling-iling ako at tuluyang hinubad ang aking slocks. Naka boxer lang din ako ngayon pero dahil nga ay kailangan naming soutin yong pinabigay sa amin, mapipilitan akong hubarin ang sinout kong boxer. Nong bumaling ako kay Keegan, sout na niya yong puting boxer na ibinigay. Bakit ko ba tinitingnan yong umbok niya?! Mag focus ka Ian!

Mabilis kong kinuha yong boxer at tumakbo papunta doon sa lumang. Napangiwi ako dahil sa sobrang baho pero kahit ganon, sapat na dito para makapagpalit ako ng boxer. Inihubad ko ito at isinout. Pag-sout ko, biglang bumukas ang pinto.

"Tara na! Nahiya kapa na ipakita yang junior mo," natatawa nitong aniya. Muntikan na yon ah!

"Gago!" binangga ko siya palabas ng banyo at tumakbo kami papunta sa pintuan.

"Handa kanabang masira ang reputasyon mo? Wag kalimutang ngumiti." Nang-aasar niyang wika.

"Ulol ka talaga!" sabi ko at tuluyan kaming naglakad palabas ng gymnasium.

Bumungad sa akin ang mga tinginan at bulongnan ng mga estudyante.

"Bakit sila naka-boxer lang?"

"Are they crazy? Gagawa ba sila ng scene?"

"Laki ng umbok nila."

Kung hindi lang ako nandoon sa kidnapping incident, boung sarili kong hindi gagawin to. Putik! Naglalakad kami ngayon habang sout-sout ang fitted boxer. Bumaling ako kay Keegan at parang ang normal lang sa kanya. Nahihiya kong tinakpan ang aking gamit ang aking kamay at nagpatuloy sa paglakad.

Nong nakarating kami sa field, parang nasa isang basketball tournament sa daming tao ang nakapaligid. Lahat ng atensyon ay nasa aming dalawa ni Keegan. Halos tinawag namin ang lahat ng estudyante DumpWestern University dito sa field. Sumanib na sa akin ang matinding kaba at gugustuhin ko nalang na lamunin ako ng lupa ngayon.

Matinding pagkahiya at dismaya ang naramdaman ko sa aking sarili. Pero dahil nangyari ang hindi inaasahang pangyayari, dapat ko tong gawin. Ikabubuti ko ba to? Hindi! Ikabubuti ba ito sa kaso? Oo!

"Handa kana?" biglang tanong ni Keegan sa akin. Parang ang normal lang sa kanya.

"Hindi kaba nahihiya? Kinakabahan?" sabi ko. "Ikaw yong president ng Supreme Officers. Baka kung ano ang sasabihin nila sa iyo."

"Kunti. Pero wala naman akong paki-alam kong ako ang presidente. Maliligtas ba ako niyan? At tska, nandiyan ka namin e. Sapat na nandiyan ka." Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya.

"Sexy mo kayang tingnan," dagdag nito at biglang sinampal ang pwet ko. Nagulat ako.

"Gago ka talaga! Bakit mo ginawa yon ha!" inis kong sabi. Kanina palang ay nakangiti ako tapos ngayon naiinis na ako sa kanya. Pagkatapos non, may ipinakita siya sa akin. Cellphone niya at isang earphone.

"Hindi mo iniwan?" tanong ko at umiling siya. Ipinasok niya yong earphone doon sa butas ng kanyang cellphone at pagkatapos ibinigay niya sa akin.

"Alam kong nangangamba ka at natatakot. Kaya kung tatakbo ka, hindi mo maririnig ang bulong nila kundi yonng musika. Okay?" tumango ako. Naramdaman ko naman na nakangiti na naman ako habang hinahawakan ko ang kanyang cellphone.

Bago ko isinout ang earphone, isang salita ang ibinigkas ni Keegan nong bumaling ako sa kanya.

"Takbo!"

Third Person

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person

Nong nagsimulang tumakbo silang Ian at Keegan, may dalawang estudyante ang nakangiting kumukuha ng video. Kahit hindi pa tapos sa pagtatakbo silang Ian at Keegan, tapos na silang kumuha ng video at tska mga litrato. Pagkatapos non, lumayo yong dalawa sa field. Ang isang estudyante, kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan.

"Hello boss. Nakuha na namin," wika nong isang estudyante habang yong kasama niya ay nakatayo lang at tinitingnan siya.

"Magaling. Pagkatapos niyo diyan, bumalik kayo sa old gymanasium at ilagay niyo doon yong ipinabigay ko sa inyong dalawa."

"Maliwanag po boss." Natapos ang tawagan nila at sinenyasan niya ang kanyang kasama na pumunta sa old gymnasium at dahan-dahan silang naglakad. Pagkarating nila doon, inilapag nila sa bench ang bagay na dapat nilang ibagay at umalis sa lugar na iyon. Pero sa kasamang palad, hindi pala namalayan ng dalawang estudyante na minamasdan pala silang isang lalaki. Kinuha nito ang kanyang cellphone.

"It's clear. May tumutulong sa kanila. Ano, tatapusin ko po ba?" wika nito. Kahit nakahawak yong isang kamay niya sa cellphone, nakahanda naman ang kanyang kabilang kamay na kunin yong baril sa gilid ng kanyang slocks.

"No! Let them do what they want. Aabot din tayo diyan."


"Clear Master!" at ibiniba nito ang tawag. Tumakbo ito ng pagkabilis papaalis sa lugar na iyon pero ilang sandali, may bigla siyang nabangga na estudyante.

"Oy Quinn, nandiyan ka pala." 









(sue)

Mission #1: ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon