TTOR: 39: 18 Birthday Party

11 1 0
                                    

ORI's POV
(Wednesday)

MAKALIPAS ang ilang linggo ilang buwan ang dumating ay nalalapit na ang aking kaarawan. Pero may kung anong kulang para'ng hindi ako masaya para'ng may pumipigil sa akin na maging magsaya. Dahil simula nu'ng nanaginip ako nang hindi maganda ay nagsimula na akong bumalik sa dati. Pati si Francis ay nadadamay ko na. Lagi na akong walang samod. Mainitin ang ulo. Kaya para'ng may kulang sa akin.

Pinipilit ko naman maging masaya pero wala ayaw pa din. Hindi pa din umuubra. Lagi na akong naiinis pati sa mga paligid. Bumalik na din ako sa pagkawalang reaksiyon. Laging nakakunot ang noo. Para'ng mas malala pa ata ito ngayon. Hindi na ako nakakasabay sa mga biro nila at hindi na din ako nakakasabay sa mga lakad nila. May kulang talaga sa akin.

Yung tipong para'ng may nawala na kahit kailan ay hindi na pwedeng ibalik. Yun yung nararamdaman ko ngayon. May kung ano sa akin na pinipigilan ako na maging masaya. Na kahit anong gawin ni Francis na paglalambing ay hindi na umuubra sa akin. Minsan nga naiinis ako sa sarili ko na bakit kailangan pa ako bumalik sa dati kung masaya naman na ako sa nakaraan. Lagi akong sinusuyo ni Francis pero tinataboy ko siya. Kaya nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko si Francis na nahihirapan sa pagsuyo na ginawa niya sa akin.

Nandidito ako ngayon sa kwarto nakahiga at nakapikit ang mata. Nakatalikod ako sa pinto kaya hindi ko makikita kung sino ang papasok. Maya maya ay may nararamdaman ako na naglalakad papalapit sa akin pero hindi ko pa din ako lumingon. Hanggang sa makaupo na sa kama ko. "I miss you," biglang bumilis yung tibok nang puso ko na'ng marinig ko ang boses niya. "Namiss ko yung dating Ori," para'ng may kung anong tumusok sa dibdib ko nang magcrack ang boses niya. Narinig ko din na suminghot siya.

"Nahihirapan na ako, Baby." Pasimpleng kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya. Please don't give up, baby. I'm begging you. "But I will not leave you," napalunok ako nang halikan niya ang braso ko. May naramdaman naman akong basa kaya sapalagay ko ay umiiyak na siya. "Kasi mahal kita," hinalikan niya ako sa noo at dahan dahan na tumayo.

Agad naman ako'ng humarap at pinigilan ang kamay niya. "Don't leave me," nangilid na ang mga luha ko na'ng makita ko ulit ang matamis niya'ng ngiti. "F-Francis," tawag ko sa pangalan niya. Umupo siya sa tabi ko at bahagya ako'ng niyakap. "I love you," saad ko sa kaniya. Hinagod hagod niya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko.

"I will not leave you, any more, Ori." Tumulo na ang luha ko sa sinabi niya. "I will not leave you.." saad niya. Napakipikit ako at bahagya'ng ngumiti. "I love you too, baby."

Nakaginhawa na ako kahit papa'no.

Hindi umalis si Francis sa tabi dito na din siya natulog. Alam ko na ang sagot kung bakit ako nagkakaganito. Kailangan ko si Francis. I need him. I really need him. Kahit na ako ang tumataboy sa kaniya pero hindi pa din siya sumuko. Francis is first love and also my first boyfriend. Kaya mahirap para sa akin tinataboy ko siya. Pinapaalis ko siya.

---

Kinabukasan ay dumating na ang kaarawan ko kaya maaga ako pinagising ni Mommy dahil aayusan niya daw ako. May pinagawa na daw silang mermaid gown for me kaaya hindi na daw bibili. Ang pinagawa nilang kulay ay kulay pink medyo pink fitted din. Hindi daw kasi maganda kung pink na pink ang kulay. Wala siyang stripe para'ng style niya ay bra. May mga glitters din na nakalagay pero ang sabi nila ay hindi naman daw naisasama ang glitters sa kamay kapag hinawakan ang gown.

"You look so beautiful, Ori." Saad ni Mommy. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"I know, Mom." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Habang inaayusan ako ay agad na pumasok si Francis.

The Taste Of RevengeWhere stories live. Discover now