Ikalawa

554 36 12
                                    

Dapat ay pinigil niyang lumabas ang nobya. Iyon ang isiping kumakain sa konsensya ni Tori. Naalala niya nang kaninang magpaalam si Yam:

"Sorry na talaga. Hindi totoong wala akong pakialam sa'yo. Mahal na mahal kaya kita, at alam mo 'yan." Bahagya siyang pumikit nang maramdaman ang init ng hininga nito sa batok niya. Naghahatid iyon ng kakaibang kiliti na masarap sa pakiramdam. Sadyang malambing ang nobya. Iyon ang bagay na hindi man niya tuwirang aminin ay nagpapataba ng puso niya. "Kahit pa paminsan-minsan... may sayad ka."

Ikinainis niya ang huli nitong tinuran. Ayaw na ayaw niyang sinasabihan siyang may sayad. "Layo!" inis niyang palag sa pagkakayakap nito.

Imbes na sumunod ay tinawanan pa siya nito. Gustong-gusto talaga ng babaeng iyon na inaasar siya. Natutuwa pa kung nagagawa siyang inisin. Naaaliw daw ito kapag galit siya at mukha namang expressionless ang hitsura. Maging ang pabagu-bago niya ng mood ay ikinakatuwa pa. Naiinis man siya... pero ang mga bagay na iyon mismo ang minahal niya kay Yam. Kung ang ibang tao ay nilalayuan siya dahil sa ugali niya, ito naman ay mas na-a-attract pa raw dahil doon. Tanggap nito kung ano siya, at wala nang iba pang bagay na magpapasaya sa kanya kundi iyon din.

"Joke lang. H'wag ka nang magtampo, okay? Babalik ako na dala na ang Dutchmill mo," paglalambing pa nito. Napakababaw nga yatang ipagtampo ang Dutchmill, pero hindi lang naman iyon ang dahilan. Ang katotohanang kinalimutan nitong bumili ang kinaiinis niya. Kung totoong pinapahalagahan siya nito ay hindi nito kakalimutan ang napakaliit namang bagay, oo, pero alam na alam na nito. Sa tagal-tagal na rin nilang magkasama. Ngunit nang hagkan siya nito ng dalawang beses sa pisngi ay parang gusto nang matunaw ng pagtatampo niya. Lalo pa nang sabihin nito ang sumunod na salita, "I love you. Balik ako, okay?"

Tumayo na ito pagkatapos. Gusto niya itong pigilan. Halos madaling-araw na at ayaw na sana niya itong lumabas. Narinig niya ang yabag nito patungo sa pinto at hindi na niya napigil ang sarili. "Gabi na." Alam niyang hindi sapat ang mga salitang iyon upang sabihin na ayaw niya itong umalis, pero mukhang naunawaan naman nito.

"Mag-iingat ako. Marami namang tanod na nagroronda diyan sa labas. Puno rin ng streetlights ang kalsada."

Napaikot na lang siya ng mga mata. Sadyang matigas ang ulo ng babaeng iyon. Ayaw nitong natutulog sila ng may tampuhan. Hindi ito titigil hangga't hindi sila nagbabati. At batid niya rin sa sarili na sakali ngang hindi siya nito ibili ng Dutchmill ay hindi rin niya ito kikibuin magdamag.

"Bahala ka." Iyon na lang ang tanging nasabi niya; kahit pa ang totoo ay natatakot siya para sa kaligtasan nito. May pagka-eng-eng pa naman ang babaeng iyon. Minsang naglalakad sila ay basta-basta na lang natatapilok. Malabo na rin ang mga mata nito at gabi na.

"Okay. Antayin mo na lang ako. Babalik ako agad. I love you."

Alam ni Tori na naghihintay si Yam noon na sumagot siya, pero hindi niya magawang lunukin ang pagkataas-taas na pride. Binalot ng kung anong hapdi ang kanyang dibdib nang ipinid na nito ang pinto. Noon lang siya nagbiling ng katawan. Na-gui-guilty siya at gusto niya itong habulin at pabalikin. Subalit hindi niya nagawa. Napaupo na lang siya sa kama. Iniyakap ang kamay sa tuhod at ipinatong doon ang baba. Hindi niya alam kung gaano siyang katagal sa posisyong iyon. Nang mangalay ay nahiga siyang muli. Sa mahabang sandali ay nakay Yam ang buong isip niya. Nasaan na kaya siya?

Nahagip ng mga mata niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa nightstand. Dinampot niya iyon. Ilang sandaling nakatitig lang siya sa aparato. Kamuntikan pa niya iyong mabitawan sa gulat nang bigla itong tumunog.

Isang mensahe mula kay Yam ang dumating:

'Babe, pauwi na ako. Dala ko na ang mga Dutchmill mo. Sorry ulit, ha. Promise, hindi ko na kakalimutan ulit. I love you so so much. *Kisses*'

Tori's Tragedy | A Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon