Chapter five: Dream Reality

36 7 3
                                    

Lisandra's P.O.V

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na rin si yuel. Pagkababa niya ay agad siyang pumunta sa pwesto ko. Pero napatigil siya ng May makitang nakahiga sa hita ko.

Doon niya rin lang nakita ang mga lalaking walang malay. Inilabas niya ang cellphone niya at itinapat ang ilaw sa amin.

Narinig ko siyang suminghap at napaatras pa. Naaninag ko rin umiiling iling siya.

"How could this be happen? H-how did he get in here?", di makapaniwala niyang tanong.

"I'll explain later,for now call our private doctor, papuntahin mo siya sa bahay ko", tulala kong sabi sa kanya at sinulyapan pa si Jungkook.

Naintindihan niya naman ako kaya tumango siya at tinuro ang mga lalaking naka-bonnet na wala pa ring mga malay.

"How about this guy's? You did this?", tanong niya at tumango ako.

"I'll handle them, I'm going to call the police and arrest them", seryosong sabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya at tuluyang lumapit samin. Inalalayan namin si Jungkook at dinala sa kotse niya.

"Halika na, hayaan mo ang mga pulis ang mag asikaso sa mga yan", sabi niya. Umiling ako at nanlilisik ang mga matang tumingin sa mga lalaking walang malay.

"Magpapaiwan ako. Kailangan kong malaman kung sino ang May pakana ng-----", he cuts my words.

"Pero hatinggabi na. Alam kong nakainom ka at pagod ka na, lisandra", nag aalalang sabi niya. Walang emosyon ko siyang tiningnan.

"I don't care,yuel. Matagal ko ng inaasam to . I finally found him yuel, in an accidental Discovery . Sa wakas,malalaman ko na rin ang totoo at mapagbabayad ko na ng May kasalanan", seryosong sabi ko.

He sighed, sign of giving up.

"Fine,okay. I'll bring him to your house but make sure na susunod ka kaagad", nang utos pa. Tumango na lang ako.

Bumuntong hininga ulit siya bago sumakay sa kotse niya at umalis na.

Nang di ko na siya matanaw ay kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang mga pulis.

"Police station ba to?", tabong ko agad ng sagutin ang tawag.

"Yes,ano ang maitutulong namin sa iyo,hija?", medyo pabalang pang tanong niya

Tss!

"May mga kidnappers akong nahuli dito. Sa  xxx bar sa May madilim na eskinita. Dalian niyo dahil baka magkamalay na ang mga to", sabi ko at ibinaba ang tawag.

"Mga bwisit kayo! Tama nga ang private investigator ko, nandito lang pala kayo. Bakit dito niyo siya dinala,ha?! At bakit niyo siya kinidnap?!", inis na sabi ko kahit di nila ako naririnig.Napasinghal ako sa kawalan.

"Swerte ko nga naman,oh oh. Ako pa ang nakahuli sa inyo. Pero salamat na din kasi eto ang kauna unahang pagkakataon na makikita ko siya.......pero gago rin kayo dahil binugbog niyo. Kita niyo yung mukha niya?! Ha! Dinungisan niyo ang maganda niyang mukha!", mukha na akong tanga kakakausap sa mga to.

"Nakatakas ang isang kasama niyo,buti na lang nakuha ko yung plate number. Tss! H-hindi ko akalaing mangyayari to. Yes,it was my dream to see him,but not in this meet up where his face is beaten up", sinipa ko yung lalaking kung bakit May butas ang noo ni Jungkook.

"You idiot man! Bakit mo siya dinagukan?! Pano pag nagka peklat yon?! Ha!", inis kong sabi sa kanya.

Maya maya pa ay narinig ko na ang sirena ng mga pulis. Inayos ko ang sarili ko, pinahid ang mga natuyong luha at inayos ang pagkakatali ng buhok.

I am the Lucky Girl (Part 1)Where stories live. Discover now