CHAPTER 1

27 4 0
                                    

First meet


"Ouch!" 


Palabas na ako ng gate para pumunta sa mga kaibigan ko, nagulat ako ng may biglang sumigaw sa tapat ng bahay namin. Nagmadali akong lumabas upang malaman kung anong nangyari. Isang batang babae ang aking nakita feeling ko same lang kami ng age, maputi, katamtaman lang ang katawan, mahaba at chocolate brown ang kulay ng kaniyang buhok, matangos ang ilong, at higit sa lahat maganda kaso mukang masungit. 


Dali-dali akong pumunta sa kaniya para tulungan siyang tumayo, natumba kasi siya habang nagbibisikleta. "Bakit ka sumigaw?" tanong ko sa kaniya ng nakakunot ang noo. "Seriously? Are you blind? Parang hindi mo nakita ang nangyari" she replied sarcastically. Ang isang 'to, siya na nga may kailangan ng tulong parang ako pa may kasalanan, hindi ko naman nakita yung buong pangyayari. Nagmadali lang akong pumunta sa kaniya kasi nagulat ako. "Sungit mo naman po, nagtatanong lang eh" sabi ko ng parang nanghihinayang. "Sa susunod kasi ayusin mo yung tanong mo" sagot niya sakin pabalik.


Tinawag ako ni mommy, "Jaxson? Jaxson!" "Hey, darlin' what happen?" she asked me with concern. Hindi ako nag salita tinuro ko lang yung babae. "Alexandria? Are you Alexander's daughter? my mother asked the girl. "Uhm yes, how did you know my name and my father's name?" she responded. "It's a long story honey, tara sa loob gamutin muna natin yung sugat mo" tinulungan namin siyang mag lakad pa pasok sa loob ng bahay.


"Jax, can you get the first aid kid and tell manang to prepare meryenda" my mother commanded. "Okay, mom" I responded then go to the cabinet. Pagbalik ko sa sala kasama ko si manang Camila. Binigay ko na kay mommy yung first aid kit at nilapag na ni manang yung pagkain tsaka umalis, habang ginagamot yung sugat nung Alexandria nakatunganga lang ako sa kanila tamang kain at inom lang ang ginagawa ko. Alexandria pala pangalan niya, hindi ko na tinanong kanina ang sungit kasi. 


Masyadong busy si mommy sa pag gagamot sa kaniya kaya nag iPad na lang ako dito hindi naman na ako makakapunta sa mga kaibigan ko madilim na sa labas mag-gagabi na kasi. "Your parents are my friends, kaya kilala kita at sila" panimula ni mommy. "Gaya ng sabi ko sayo kanina It's a long story, they are my business partners." pagpapatuloy niya. Nag kunwari akong hindi nakikinig sa pag-uusap nila. "Oh, okay now I understand kanina po I'm kinda scared kasi kilala mo po ako" sagot ni Alexandria. "You're so beautiful just like your mom" while she caressed her hair "Sobrang saya nila kasi ikaw ang unica hija nila, I wish I had a daughter too" my mother sighed. 


Nalungkot ako para kay mommy, alam kong gusto niya talaga magka anak ng babae pero eto ako lalaki. Minsan iniisip ko nga kung paano maging babae eh. "By the way, this is my son Jaxson Exequiel" then smiled at me. Nakuha ni mommy yung atensyon ko, hindi ko alam gagawin ko o sasabihin kaya nginitian ko na lang din siya. Ano ba pwedeng sabihin, Hi? Hello? ewan ko bahala na. "Do you know him Alex?' my mother asked. "Uh nope, not yet" she replied. Sobrang awkward ng atmosphere kaya naka tingin lang ako sa kanila.


Biglang nagsalita si Alex "Hi I'm Alexandria Nataly, nice to meet you" she looked at me then offer a hand. Makikipag shake hands ata 'to. "Hello, Alexdandria I'm Jaxson Exequiel, nice to meet you too" I replied and smiled at her. Ang ganda ng pangalan niya ahh kasing ganda niya pero masungit.  Pagbitaw niya sa kamay ko dun lang ako nabalik sa ayos yung sarili ko. 


"Alex dito ka na mag dinner malapit na din naman, is it okay with you?" my mother asked. "Tinawagan ko na din pala ang parents mo susunduin ka daw ng Kuya Adam mo later" she smiled at her. "Yeah, sure po" Alexandria replied. Umakyat na lang ako sa kwarto, iniwan ko siya sa sala nasa kusina na si mommy para mag prepare ng dinner wala naman akong gagawin dun. 


Nakahiga lang ako naglalaro ng kung ano-anong online games until someone knocks at my door bago ko pa lang bukasan alam ko ng si manang yun. "Jaxson, dinner is ready" manang Camila  informed me. "Okay po, may aayusin lang po ako" I smiled. "Bumaba ka agad ha, nag-aantay na sila sayo" manang smiled at me then umalis na siya. 


Binilisan ko lang ang pag-aayos at bumaba na. Nakita kong nakahanda na ang lahat, dumating na din si daddy. Umupo ako sa tabi ni mommy. Nagkwentuhan sila about sa business, bata pa ko kaya wala akong pakielam nagpatuloy at tahimik na lang akong kumain. Sinusulyapan ko si Alex na nasa kabilang side ng dining table katapat niya si mommy kaya nakikita ko ang mga kilos niya. Pag nagtatama ang mga mata namin naiwas agad ako. Medyo awkward talaga kapag nagkaka tinginan kami hindi ko alam kung bakit. 


Nahiya na kong tumingin sa kaniya kumain na lang ako at nag focus sa plato na kinakainan ko. Pagkatapos naming kumain nag paalam ako kay mom at dad na manonood na lang muna sa sala abala naman sila sa pagliligpit at pag-aayos ng mga gamit sa kitchen. 8 PM pa lang kaya pinayagan nila ako at hihintayin pa namin sunduin si Alex para makauwi na siya. Naramdaman kong may tumabi sa akin hindi ko na tinignan dahil naka focus ako sa pinapanood. 


"Psst Jaxson" si Alex pala ang tumabi sakin, sinulyapan ko lang siya saglit at binalik na ang mata sa panonood. "I'm sorry kanina, I'm sorry if I act like that" she said then gave me apologetic smile. Natulala lang ako sa kaniya hindi alam ang sasabihin okay lang naman sakin yung nangyari kanina, baka na misinterpret niya lang yung tanong ko o hindi talaga maayos yung tanong ko. "Are you mad at me? apology accepted or not?" tanong niya sakin dahil nakatulala lang ako sa kaniya. "Apology accepted" yun na lang ang nasabi ko dahil dumating na ang taga sundo niya. 


Agad siyang umalis sa tabi ko ng tawagin siya ni mommy nandyan na daw kasi ang Kuya Adam niya. Sumunod ako sa kaniya, nakita ko ang nakaparadang sasakyan sa tapat ng bahay namin. May mga pinag-usapan lang sila na kung ano-ano at nagpaalam na. 


"Kamusta mo na lang kami sa parents mo ahh" my father said. "Ingat kayo ni Alexandria sa daan medyo madilim na" my mother smiled at Kuya Adam. "Take care, bye" pahabol ni mommy at kumaway pa.  Aalis na sana sila ng bumaba si Alex, naglakad papunta samin may binulong lang siya sa kuya niya at tumango namin ito. Baka ayaw niya pa umuwi o kaya gusto niya ng tumira samin?  Lumapit siya, humarap sa akin, nag salita siya sabay kaway sa amin at tuluyan ng umalis.


"From now on we are best friends, whether you like it or not" she stated. 





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Catch Me If I FallWhere stories live. Discover now