CHAPTER 22 (DANCE WITH HIM)

58 2 2
                                    


ERRIAH’S POV

Kanina pa nagsimula ang program at nagkaroon din ng induction ng lahat ng officers. May mangilan-ngilan na ding sumasayaw sa gitna kasama na d’on ‘yong tatlong ugok na kasama namin sa table at sila Yuna at Rhythm.

“Why aren’t you dancing?” biglang tanong ni Lim ng makabalik siya at umupo sa mismong harap ko

“I hate dancing” totoong sabi ko sa kanya

“Why?”

“Matigas ang katawan ko eh” sagot ko ulit na sa sayawan pa din nakatingin

“You look gorgeous tonight” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at hindi ko inaasahan ang ngiti niya

“Thanks” hoooh buti na lang hindi ako nautal.

“Pfft” pigil niya sa tawa niya kaya nangunot ang noo ko. Pinagtititripan yata ako nito eeh “Ganyan ka ba talaga?”

“Anong ganyan?”

“Ganyan? Walang emosyon ang mukha”

“Hindi” sagot ko at ibinalik ang tingin ko sa mga nagsasayaw na ang papanget naman ng step.

MGA WALANG HIYA ‘TONG MGA ‘TO MAKASAYAW LANG EEH!!

“Hindi?” takang tanong niya pero hindi ko parin siya nilingon

“Hindi ako isinilang na ganito ang mukha, walang emosyon, blanko gan’on pero ang TADHANA ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAGING GANITO”

“Owww, BROKEN KA PALA siguro iniwan ka ng lalaking minahal mo no?” Halata sa boses niya na parang nagbibiro lang naman siya pero iba ang epekto sakin ng tanong niya

“OO” seryosong sagot ko

“Oo?”

“OO” pag-uulit ko sa sagot ko

“Sorry” rinig kong sabi pa niya pero hindi ko na siya sinagot dahil bumalik na ang mga kasamahan namin dahil biglang huminto ang tugtog.

“Ang bilis mo namang napagod Lim” rinig kong sabi ni Crocker

“Hello again everyone, sorry to interrupt you in dancing but now is the time for our Mayor and Vice-Mayors” sabi ng MC

WOOOOHHHHHHHHHHH

YEHEEEEEEEEYYYYY

SANA AAALLLLLLLLLLLLLLLL

Nangunot naman ang noo ko dahil hindi naiintindihan ang nangyayari

“Siguro naguguluhan ang ating mga Freshmen, tama ba?” MC

“YES!!” malakas na sigaw  ng mga Freshmen

“Ganito kasi yan mga baby ghurl and baby boy hahahaha Hindi ba sinabi sa inyo n’ong election niyo na ang Mayor at Vice mayor ay kailangan babae at lalaki”

Nangunot ulit ang noo ko dahil wala akong matandaan na sinabi yan.

“Sinabi yan ni Lim, tulala ka kasi n’on kaya hindi mo siguro maalala” bulong sakin ni Yuna

“Ang totoong rason kung bakit ‘yon gan’on ay para balance ang pagmanage ng mga officers sa klase. So ngayon sasayaw ang Mayor and Vice-Mayor”

BEAUTY in the End of ZIGZAGWhere stories live. Discover now