~Chapter 9~

22 3 1
                                        

Ashley's POV
Kumakain kami sa restaurant ngayon nang umagahan, dito sa resort meron silang restaurant para sa mga nag-stay-cation dito.

Kung ini-isip nyo kung saan yung bakasyunan sa Tanay, Rizal tong resort na toh, sa taas nandoon yung restaurant, may swimming pool din dun sa taas, tag-dalawa sa taas at sa baba, isang pang-matanda at isang pang-bata.

Iba't ibang klase yung room dun sa room namin may tag-isang queen size bead at king size bed, sa restroom naman ay may shower, bathtub at isang sink.

"Wow ang sarap"

"Oo nga, ang sarap naman nito"

"Anong oras tayo uuwi?"tanong ko sa kanila.

"Mga 5pm tapos hatid ko nalang kayo"sagot ni Axelle, meron kasi silang van at dun kami sumakay.

"Sige ba"sagot namin sa kanya.

Nagsimula na kaming kumain at pag-katapos nun ay nag punta na kami sa kanya-kanyang kwarto.

"Seryoso ka ba talaga sa relasyon nyo, beb?"tanong ko kay Zianna habang pumasok sa loob nang restroom at nagsimulang mag-bihis.

"Oo naman ba't mo na-tanong?"tanong nya.

"Wala lang, tanong ko lang"sabi ko at binuksan ang pinto.

"Okay, tara na" Lumabas na ako tsaka inayang lumabas si Zianna at pumunta sa taas para mag-swimming, habang uma-akyat kami hindi ko maiwasang isipin yung narinig ko na piang-usapan nina Chloe at Axelle.

*Flashback*
Naglalakad-lakad ako dito nang may nakita akong dalawang pamilyar na tao na naka-upo sa gilid nang pool.

'Si Axelle at Chloe yun ah, anong ginagawa nila gabi na ah'

Kaunti na lang yung tao dito ngayon kasi gabi na yung iba nga-pipicture na lang dahil merong parang mga nest na pwede mong akyatan tapos mag-picture dun yung iba naman ay nakatambay lang, tapos nag-iinuman pa silang dalawa.

Lumapit ako sa kanila para sana tanongin sila kung bakit sila naka-upo dun pero narinig ko na sinabi nila yung pangalan ni Zianna ay hindi ko maiwasang pakinggan yung sinasabi nila.

'Ofcourse noh kaibigan ko yun malay mo may kung ano na palang pinag-uusapan sila tungkol kay Zianna'

"Sinabi mo na ba kay Zianna tungkol sa sakit mo?"tanong ni Chloe kay Axelle.

'Anong sakit? May sakit pala si Axelle?'

"Hindi pa"sagot naman ni Axelle.

"Bakit naman ayaw mo pang sabihin sa kanya?"tanong sakanya ni Chloe habang nilagyan yung baso nila ni Axelle nang alak.

"Mas mabuting huwag nya na lang malaman masasaktan sya"sagot ni Axelle habang ay si Chloe naman ay ibinaba yung bote nang alak sa lamesang katabi nila.

"Masasaktan din naman sya eh kapag pinatagal mo pa"sabi ni Chloe habang tumayo sa kinauupuan nya at nilapag yung basong may laman nang beer ngayon, ay ubos na dahil ininom nya ito

"Wag ka nang makialam sa desisyon ko sa buhay ko, Chloe"naiiritang sabi ni Axelle kay Chloe.

"Chill, anong gagawin mo ngayon? Alam na ni Lucas yang relasyon nyo"tanong ni Chloe tapos tumalon sa swimming pool.

"Wala na siyang magagawa hindi naman nya yun masasabi, masasaktan ang kapatid nya"sabi ni Axelle tapos ay nag-smirk sya at dire-diretsong nilagok yung beer nya na nasa hawak nyang baso at nilagay dun sa lamesa, tumalon din siya sa swimming pool.

《♡The User Boy♡》Место, где живут истории. Откройте их для себя