Tula

41 0 0
                                    

I.

Naalala ko pa kung saan tayo nagsimula
Kung saan tayo nangako sa isa't-isa
Naalala mo pa ba kung saan?
Siguro'y hindi na
Inasahan kong babalik ka
Ngunit hindi na pala kita makikita
Masakit man ngunit aking tatanggapin.

II.

Hanggang ngayon hinihintay parin kita
Dito sa punong pinagsimulan ng lahat
Kahit alam kong hindi kana babalik pa
Tandaan mo binibini hindi ako susuko
Handa akong maghintay ng ilang siglo
Para makasama kang muli
Mahal kita kaya't hindi ako susuko.

III.

Kung lumipas man ang ilang siglo
At wala ako
Sana'y maalala mo ang punong ito
Ang punong pinagsimulan ng lahat-lahat
Ngunit tandaan mo ikaw ang aking una't huling mamahalin.

IV.

Kung sakaling subukin ulit tayo
Nakahanda ako
Nakahanda akong ipaglaban ka
Nangako ako
Kung kaya't aking gagawin
Handa akong masaktan para sayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa punong pinagsimulan ng lahatWhere stories live. Discover now