Chapter 1

0 0 0
                                    

Quiet

Hindi ako makapagsalita matapos ang sinabi niya. Nakatitig kami sa isa’t isa. Nakatayo na siya ngayon sa harap ko. I want to say something pero walang lumalabas sa bibig ko. Why is he jealous anyway?
Mabuti nalang at bumukas ang pinto kaya napatingin ako don. Pumasok si Issa dala ang first aid kit.

“Oh anong meron? Nag-aaway ba kayo?” nang-uusisang tanong ni Issa sabay lapag ng first aid kit sa mesa. Umiling ako bilang sagot at inusisa ang laman ng first aid kit.

“I have to go.” Owen said kaya napatingin ako sa kanya.

“No! sit down. Kailangan nating gamutin yang sugat mo.” I glared at him.

“I’m fine.”

“I said sit down.” Mariing utos ko sa kanya.

“Owkey… uhhmm labas lang ako Clary kahiya naman sa inyo.” Singit ni Issa kaya I glared at her. She just waved and mouthed “Goodluck” bago tuluyang lumabas. Bumaling ako kay Owen na nakatayo pa rin at nakatitig sakin.

Tumayo ako para hilahin at paupuin siya. Wala siyang nagawa kaya umupo na lang siya. I seated beside him and started to clean his wound. This is the first time na nagkasagutan kami and I didn’t expect na magsasabi siya ng ganon. He winced in pain nang dumampi ang bulak na may alcohol sa gilid ng labi niya. Sinunod kong punasan ang sugat niya sa noo. Nakatitig lang siya sakin habang ginagamot ko ang sugat niya.
“Why are you so early anyway sabi mo six pm mo pa ako susunduin?” tanong ko matapos ilagay ang band aid sa noo niya.

“Maagang natapos ang meeting ko sa isang client.” Sagot niya habang liniligpit ko ang first aid kit.

“You should have texted me na pupunta ka ngayon ditto.” I said.

“I did.” Napalingon ako sa kanya.

Then naalala kong iniwan ko pala ditto sa office yung phone ko nung bumaba ako. Agad akong tumayo para kunin ang phone ko and meron nga siyang text saakin.

“I have to go I have an important meeting sa office.” Napalingon ako sa kanya.

“Sasama na ako para hindi mo na ako sunduin mamaya.” Sabi ko at daling kinuha ang bag ko. Tumango lang siya bilang pagsang-ayon saka tumayo. Nauna akong lumabas ng office para magpaalam kay Issa habang nakasunod si Owen.

Tahimik lang kami sa biyahe hanggang makarating sa building ng kumpanya nila. Pinagbuksan ako ng driver niya. Nang makalabas ng kotse ay tinabihan ako ni Owen at hinawakan sa bewang. This is not my first time to enter their company. Inuutusan ako ni mom or dad to visit him sa office niya and wala akong magagawa. Bawat makakasalubong naming employees ay nag-gi-greet sa aming dalawa ni Owen. I just smiled at them habang si Owen naman ay tumatango lang. Nang makarating kami sa palapag ng office niya ay agad sumalubong ang secretary niya.

“Sir nasa conference room na po si Mr. Delgado maaga po siyang dumating kanina.” Sabi Mark ang secretary niya.

“Ok tell them I’ll be there in a minute.”

“Yes sir.” At agad umalis si Mark para pumuntang conference room.
Hinatid ako ni Owen sa office niya bago siya pumunta sa meeting niya. Umupo ako sa swivel chair niya at tiningnan ang mga papers na nakalapag sa table niya. Mayamaya ay may pumasok na babae nasa mid fourty siguro dala ang isang tray na may juice at slice of cake.

“Uhmm… I didn’t ask for that.” Sabi ko nang nailapag niya sa mesa sa may couch area ang tray.

“Eh mam utos po kasi ni sir.” Sabi niya.

“Oh ok thank you.”

“Sige po mam.” Tumango lang ako at tuluyan na siyang umalis. I just continued checking the papers on the table habang naghihintay.
I checked my wrist watch and it’s already six in the evening at wala pa si Owen. I already finished the snack. Pero makalipas ang ilang minute ay bumukas ang pinto at pumasok si Owen kasunod ang secretary niya. Agad akong napatayo sa swivel chair niya.

“Tell them to change the layout and present it nextweek.” Owen said habang lumalapit sa akin.

“But sir that’s a bit early three weeks or a month po ang aabutin sa paggawa ng layout. Baka po…”

“Next week Mark and that’s final.”

“Pero sir…” hinarap niya ang secretary niya na napatahimik nalang.

“Ok sir. I’ll tell the team sir.”

“Good.” Then bumaling ulit saakin si Owen. “Let’s go.” Sabi niya kaya agad kong dinampot ang aking bag at phone.

Tahimik lang kami hanggang makarating sa sasakyan.
Pagkarating sa Mansion ng mga Clemente ay agad akong sinalubong ni Mommy Olivia, Owen’s mom. She insists on calling her mom already since I’m going to marry his son daw.

“Clary dear!” excited na sabi niya at agad akoy yinakap.

“Goodevening po Ma.” Bati ko at gumanti ng yakap. Matapos humiwalay ay napatingin siya sa likod ko and got shocked.

“Oh my god! Owen what happened to you?” worry is evident on her face habang linalapitan si Owen.

“I’m fine Ma. Wala to.” Owen said and looked at me. I just kept quiet and looked at him too. Mabuti nalang at dumating na rin ang sasakyan nina Mommy kaya nabaling ang attention naming sa kanila.

“You owe me an explanation later.” Said Mommy Olivia to Owen before greeting my parents. Owen sighed at lumapit sa tabi ko.

“You should have told your mom the truth.” Sabi ko ng nasa tabi ko na siya.
“If I tell them they will bombard you with questions.” Sagot niya before wrapping his arm to my waist. I crossed my arms and looked at him for a glare pero sa harap lang siya nakatingin.

“Stop glaring or else our parents might think were fighting.” Sumimangot nalang ako at pinagmasdan ang batian ng mga magulang namin.

He’s right pagnalaman nina dad ang tungkol kay Roy ay baka magkagulo pa.

Destined LoverWhere stories live. Discover now