Chapter 1

22 1 0
                                    

CHAPTER 1

M A R I A N ' S

Nagmamadali kong tinakbo ang corridor ng third floor papunta sa room 304. Wala na akong pakialam kung may nabubunggo akong kapwa ko estudyante. Masyado kasi silang harang e, alam naman nila na nagmamadali ako e. Pumasok na ako sa room namin at kung mamalasin ka nga naman ay nagtuturo na sa unahan ang terror naming Professor sa Math. Takte. Anong idadahilan ko nito?

"You're late again. Ms. Rosario." walang emosyong sambit ni Mr. Juliano.

Alam kong late ako, di mo na kailangan sabihin.

"S-sorry, Sir. Hindi na po mauulit." yeah right. para namang kaya ko ang mag-agap ng pasok.

"This is your last warning. Kapag naabutan pa kitang late sa subject ko ay sa Disciplinary Office na ang diretso mo. Do you understand, Mariyah?"

Lihim akong napairap ng marinig ko ang pangalan ko. I hate hearing my first name para kasi akong santo kapag tinatawag nila akong MARIYAH! They usually call me by my nickname, Marian. Tanging magulang ko lang ang tumatawag sa'kin ng MARIYAH. First name basis kasi kami sa bahay. Ang arte lang.

Tumango na lang ako at dumiretso na akong umupo sa tabi ni Hillary na halatang nagpipigil ng tawa.

"Itawa mo na 'yan." bored na sabi ko.

"Ayoko mamaya na lang kapag wala na si Prof."

Inirapan ko na lang siya at Kinuha ko na lang ang Binder Notebook ko sa bag ko para mag take down notes. Tsk. Para namang nag-aaral ako ng maayos. Kinukuha ko lang naman ang notebook ko kapag time na ni Prof. Juliano, proofs lang kung baga para kunwari ay nag-aaral talaga ako ng maayos. Ni wala pa ngang sulat itong notebook ko yung likuran lang ang meron pero puro guri o linya lang ang nandon. Minsan nga ay ginuhit ko pa ang mukha ni Prof. Juliano na kamukha ni Ralph ng Wreck It Ralph kapag nagagalit. Bad na kung bad pero walang pakilamanan.

Sa wakas ay nag-ring na ang bell hudyat na Lunch Time na. At syempre, ako ang nanguna ngunang lumabas ng classroom kahit na hindi pa lumalabas ang Prof. namin, hindi naman sa bastos ako pero parang ganon na nga. Iba talaga kapag gutom na gutom ka na, nawawalan ka talaga ng respeto. Good thing, hindi pa puno ang Cafeteria kaya kaagad akong umorder ng makakain ko.

Isang platong spaghetti, Bottled Water tsaka 5 Macaroons lang ang inorder ko. Nagtitipid ako ngayon dahil malapit na kaming lumipat ng bahay. Medyo malapit ng gumunaw ang bahay namin e. Isang dampi na lang ng langaw ay magigiba na talaga.

"Girl! Hindi mo manlang kami hinintay." rinig kong sabi ni Hillary na umupo sa harapan ko, tumabi naman sa kanya si Yugie.

"Eh, sa gutom na ako e. Bakit ba?" sabi ko at kumagat ng order kong macaroons.

"So, I guess. Hindi ka na naman kumain 'no?" tanong naman ni Yugie na best friend ko. They're both my best friends since high school. Actually. Sila talaga 'yung mag best friends nakisali lang ako kasi loner ako ng mga panahanong highschool student pa lang ako. Hindi ko pa keri non kasi kalilipat lang namin ng syudad at sa barong-barong lang kami nakatira (hanggang ngayon). So para makasurvive ay nakipag-kaibigan ako sa kanila and up until now ay magkakasama parin kaming tatlo.

"Kumain ako. Wag kang ano dyan, kahit tuyo ulam namin at tsaka itlog na pula ay kakain pa rin ako. Walang arte-arte lalo na sa panahon ngayon." paliwanag ko. Na-carried away tuloy ako. Ayoko yung puro arte kung push ay push talaga. Wala na dapat doubts kasi kung naisip mong gawin ang bagay na gustong-gusto mo, then GO! Wala namang pipigil sayo. May kanya-kanya tayong kalayaan pero ang masasabi ko lang ay know your limits. Baka illegal na pala ang ginagawa mo, e di nakulong ka pa. Mawawalan ka ng 'KALAYAAN' kapag ganon ang nangyari.

"Wala kaming sinasabi. Anong meron at na-carried away ka ata?"

Umiling na lang ako at hindi na sinagot ang tanong nya. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko e. Ni hindi ko nga alam kong para saan ba ang sinasabi ko o bakit ko iyon sinabi. Ah basta! Ayokong masyadong mag-isip lalo akong nagiging bobo kapag ganon.

Bigla kong naramdaman na may umupo sa tabi ko. Amo'y palang nyang Aficionado 68 ay alam ko na kung sino iyon. It's none other than, Christoff Stefan Rodriguez kasama nya ang ibang myembro ng Suicidal Rhythm na sina Karl at Barron. Mukha silang normal na mag-aaral pero ang totoo ay gangsters ang mga ito. Nakasuot ng Nike Headband si Christoff na tumatakip sa kanyang noo, naka-braid ang kalahati ng green nyang buhok. May hikaw rin ang kaliwang tenga nya at labi. He really is a Gangster.

"Hi babe, bakit 'yan lang ang kinakain mo? Gusto mo bang ilibre kita?" tanong ni Christoff.

Mabilis akong umiling sa kanya. Ayokong magka-utang sa kanya kahit na libre lang yun ay magkaka-utang na LOOB pa rin ako. Like what I've said. NAGTITIPID AKO!

"Suit yourself. Ako naman ang magbabayad e." sabi pa nya. Ayaw talagang paawat ang kulit masyado. Buti na lang talaga ay medyo mahaba-haba ang pasensya ko kasi kung hindi ay kanina ko pa s'ya nasinghalan.

"Bahala ka." sabi ko at inubos ang natitirang macaroons na order ko.

"You two." biglang tawag ni Chris kay Karl at Barron na kaagad namang tumalima. Nagmukha tuloy silang sundalo dahil sumaludo pa sila kay Chris.

"Bilhan nyo ng Salad ang pinaka-mamahal kong si Marian. Kahit anong klase ng Salad na nandito sa loob ng Cafeteria ay orderin nyo. I just want my babe to be healthy. Now go! I'm the one who will pay." sabi pa nya. tumango naman ang dalawa saka dumiretso sa counter para pumila.

"You want anything else?" tanong nya, umiling naman ako. Bahala nga sya. Sabi ng ayoko pero ang tigas talaga ng ulo.

Hindi nagtagal ay dumating na ang inorder na salad ni Christoff. Iba't-ibang uri iyon ng salad. Macaroni, Buko, Fruit, Vegetable, etc... Paano ko ba mauubos ang lahat ng 'to? Oo nga't hindi ako mahilig mag-diet pero ng makita ko ang mga 'to parang gusto ko na lang mag-diet. Takot akong tumaba e. Good thing. Nandito si Hillary at Yugie na pinapanood lang kami the whole time.

Ibinigay ko sa kanila ang Macaroni, Fruit, at Vegetable Salad. Mas bet kong kainin ang buko salad lalo na kapag malamig. Sakto namang tumunog ang bell hudyat na time na. We need to go to our next class pero dahil nga may seminar ngayon sa Gym sa hindi ko malamang kadahilanan kong para saan ba iyon ay no choice akong pumasok sa loob ng gym na punong-puno na ng mga estudyante. By section ang bawat seat. Section Wrecker ako kay hindi na ako nagulat ng mahanap ko ang pwesto namin sa hulihan at halos pinakadulo na nitong gym. Okay lang naman dahil hindi naman ako nakikinig sa mga sinasabi ng guest speaker. Tinutulugan ko na nga lang sa sobrang boring. Tulad ngayon. Nagsasalita sa unahan si Mr. Realidad na Prof. namin sa Biology Class. Matanda na sya at may suot rin s'yang salamin. Panot rin ang tuktok ng buhok nya at tanging tigmagkabilang gilid lang merong buhok. Gustuhin ko mang matulog pero hindi pwede dahil may nagbabantay na faculties sa paligid at kapag nahuli ka nilang natutulog o hindi nakikinig. They will bring you to the DO at hindi lang 'yun, paglilinisin ka pa ng isang araw, isang linggo, isang buwan or maybe isang taon. Depende sa ginawa mo. Kaya ang ginawa ko ay nagpaalam ako na magsi-cr. I didn't bring my bag. Totoo naman kasing magsi-cr ako.

Pumasok na ako sa loob ng cubicle. Pagkatapos ko ay inayos ko ang sarili ko sa salamin at naghugas ng kamay bago lumabas ng CR. Walang tao sa paligid dahil halos lahat ay nasa loob ng gym. Naka-isip tuloy ako ng katangahan. Uuwi na lang ako dahil pag natapos na ang seminar ay diretso uwian na. Yey!

Pababa na sana ako ng hagdanan ng bigla akong may mabunggong bulto dahilan para ma-out balance ako pero imbis na tuluyan akong mahulog sa hagdanan ay may kamay na humawak sa braso ko. Upang hindi ako tuluyang mahulog ay agad akong kumapit sa kwelyo ng kanyang blazer pero wrong move ata dahil imbis na tumama ako sa kanyang dibdib ay dumiretso ako sa kanyang malambot na labi. Napapikit ako ng marahas. Fuck!

***

peace out.

Her First Kiss (ON-GOING)Where stories live. Discover now