Chapter 12 (Alvis Sebastian POV)

57 12 3
                                    

~ kinabukasan ~

Pag ka gising ko ay wala sila sa tabi ko hinalughog ko ang buong bahay ngunit wala sila.

Pumunta ako sa kwarto ni Leah ngunit wala ito.

Pumunta ako sa labas wala din sila kaya pumasok ako at sinigurado ko sa loob ng bahay.

Andito pa ang mga gamit nila ace, addi at si krish.

Damn kinakabahan ako.

May narinig akong basag sa sala kaya nagmamadali akong pumaroon.

Ito ay isang bato na nababalutan ng papel.

Binuksan ko ito at ang nakasulat ay:

Kung gusto mong makita si Leah at ang mga kaibigan nito. Sundin mo mga gusto ko. Sabi ko naman sayo babawi ako sa kasalanang ginawa mo sakin noon. Ginawa mo rin sakit ito noon sa pinakamamahal kong babae, this time ako naman babawi. I give you a code kapag nasunod mo lahat ng gusto ko. Meron kang apat na pung walong oras at tumatakbo na ito.

Ang nakasulat na from dito ay bakas ng dugo.

"Damn, sino ba ito?!" Sigaw ko sa buong bahay.

Biglang tumunog ang selpon ko at nakasulat ay UNKNOWN NUMBER.

"Nabasa mo na ba ang sulat Alvis" sabi nito at tumawa na parang demonyo.

"Tang ina sino ka ba!" Sigaw ko dito.

"Relax Alvis tumatakbo ang oras, kapag hindi mo ito nagawa boom!" saad nito at malakas na tumawa.

"Pumunta ka sa lumang bahay at magdala ka ng 20 million pesos, kapag nagawa mo yon ibibigay ko sayo ang unang code" saad nito.

"At wag na wag kang magdadala ng pulis mas mapapadali ang buhay ni Leah" saad nito sakin at tumawa muna bago patayin ang tawag.

Niready ko na ang 20 million at pumunta na ako sa sinasabi nito.

Tumunog selpon ko at agad kong sinagot.

"That's good Alvis ang unang code ay 6" saad nito.

"Ano pang susunod kong gagawin" malumanay kong sagot pinipigilan ko lang sigawan ito dahil natatakot ak kung anong gagawin nito sa kanya.

"Alvis wag kang magpapaniwala sa lalakeng yan wag mong susundin mga sinasabi niya alvis" sigaw ni leah habang umiiyak.

"Diba sabi ko sayo wag kang mag iingay!" Sigaw nung misteryosong lalake at narinig ko ang pagkakasampal nito kay Leah.

"Demonyo ka! Hayop ka wag na wag mong sasaktan si Leah!" Galit na galit na sigaw ko dito.

Pinatay ko ang tawag at pumunta sa kwarto ko.

Pumunta ako sa secret door ko na naglalaman ng mga baril, pera at mga kaso ng mga iba't ibang tao.

Yes im a secret agent hindi lang milyonaryo.

Binuksan ko ang laptop ko doon at trinace ang number ng misteryong lalakeng kumidnap kila Leah.

Malapit lang ito dito.

[COMPLETE] A Millionaire Kidnapped MeWhere stories live. Discover now