Chapter 1

19 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa pagtunog ng alarm clock sa side table ko at ang sinag ng araw na tumatama sa aking mata. Kaagad akong bumangon at nagtungo sa banyo, ito ang araw na ito-tour ako ni Dad sa kompanya kaya bawal malate. Kahapon lang ng tanggapin ko ang offer niya na maging bagong CEO ng kompanya. Matagal na din naman itong plano ng magulang ko pero hindi naman talaga nila ako pinush na akuin ko ang responsibilidad ng kompanya. Alam naman nila na gusto kong mag-doctor.

"Good morning Pa. Good morning Ma." naabutan ko silang nag-aalmusal na. Lumapit ako sa kanila at nagmano.

This past few weeks ay naging busy sila. Galing silang New York dahil nakipagmeet sa mga new invistors buti nga at nakauwi sila ngayon e. Batid na din ang katandaan sa kanilang mukha. Isa rin ito sa rason kong bakit ko tinanggap ang pagiging CEO. Ayaw ko ng nai-stress sila. Gusto ko din na nakakapagbakasyon sila at nakakapagrelax hindi puro trabaho at paper works ang inaatupag.

"Good morning son. Umupo kana at kumain." lahad ni mama sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. Nakakamiss din talagang kumain na kasama ang mga magulang mo. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Ilang buwan na ba ang huli naming kain ng sabay-sabay? Sana ganito na lang araw-araw.

"Why are you smiling son?" tanong ni Papa. Pati tuloy si Mama ay napatigil sa pagsubo at lumingon sa akin.

"Wala naman po, Pa. I'm just happy na kasabay ko kayo kumain ngayon. Ilang buwan na ba ang nakakalipas ng makasabay ko kayong kumain? Sana ganito lagi." I'm wearing my big smile. I can't help it. Mayaman kami. I can get what I want. I can do what ever I want. I can buy everything. Pero hindi ko kayang bilhin ang ganitong pagkakataon. Isang malaking opportunity ito para sa akin.

"Pasinsya kana anak. Naging busy talaga kami ni Mama mo dagdag pa ang aberya na nangyari sa company. Babawi kami. Okay?" alam ko naman yun. Masaya na ako kahit saglit lang na makasama ko kayo. Buhay na din nila ang business so imbes na magtampo dahil lagi silang wala ay mas pinili ko na lang na suportahan sila.

"Oo nga, anak. Marami pang pagkakataon." my mom said with a smile. Namiss ko ang ganitong tagpo. Namiss ko ang bawat pagkain na sila ang kasama ko. Namiss ko ang mga ngiti nila na para bang kay tagal ko ng hindi nakita.

"Naiintindihan ko po. Pero sana naman po magpahinga naman kayo , I am now the new CEO. Kaya hindi niyo na po kailangan akuin lahat. Tumatanda na kayo hindi na kayo pabata. You should enjoy."

"Hindi ka naman namin pinipilit, anak. Alam mo namang support ka namin ng Daddy mo. Pero are you sure na kakayanin mo ang pressure? Mahirap, sobra. Lalo na kapag nagkakaaberya at wala kami para tulungan ka. Hindi madali ang pumasok sa business world, anak." ito na naman si Papa, hindi na ako bata. I can handle it. Lumaki ako sa mundo ng business kaya alam kong kakayanin ko.

"Para saan pa ang pag-aral ko ng Business, kung hindi ko naman magagamit. Tsaka Pa, kanino mo ipapahawak? Kay Tito Ken? No, hindi ko po hahayaan na mapunta lang sa sa kung kanino ang kompanya. Although alam kong mas magaling si Tito sa paghandle ng negosyo , pero I know na kaya ko." I'm disappointed dahil feeling ko hindi sila nagtitiwala. Pero alam ko din naman ang pinopoint nila. Pero paano ako matututo kong hindi ako marunong tumanggap ng kahit anong hirap at problema?

"Oo naman, anak. Malaki ang tiwala namin sayo. Ayaw lang namin na pati ikaw e mahirapan. Bata ka pa , you should enjoy your life na walang inaalala." lapit ni Mama. Ganyan naman ito e , kapag ramdam niyang disappointed ako yayakapin niya lang ako. Isa pa ito sa namimiss ko kapag wala sila.

"I can handle it Ma. At kapag hindi ko na kaya ako na mismo ang lalapit kay Tito Ken para ibigay sa kanya ang posisyon. But for now, let me do it. Okay?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Another LifeWhere stories live. Discover now