Chapter 24

113 5 0
                                    


Continuation...

Luke's POV.

Nakakainis talaga yung matanda na yun. Puro utos, utos dito, utos doon. Kapag may mga palpak kami sisihin kasalanan ba namin na naunahan Kami, eh ang bagal naman niyang magpadala ng impormasyon tungkol sa taong yun.

Nandito nga pala ako ngayon sa kwarto ko nagpapalipas ng init ng ulo, dahil kapag ako napuno dahil sa matandang yun, baka makalimutan kong ama ko Siya.

Kung sa bagay Di rin naman niya ako itinuring na anak, itinuring niya akong utusan. Para ko siyang amo na kapag Di ako sumunod sa kaniya mawawalan ako ng trabaho.

Napagdesisyunan ko nalang na lumabas ng kwarto at pumasok sa school baka doon lumamig Yung ulo ko at mabawasan naman yung pagkainis ko dahil sa matandang yun.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na ito, binilisan ko ang pagmamaneho ko dahil siguradong late na ako mga 20 or 25 minutes na ata.

Dahil kilala naman ako ng guard pinapasok niya ako sa gate, kahit start na ng klase. Nang makarating ako sa classroom ay nagsta-start na sila.

"Mr. Kristofferson your late... Again!" - Sigaw ni ma'am.

"Tss. I don't give a sh*t" - cold kong sagot sa kaniya.

"Don't talk to me like that young man, I'm still your teacher so respect me!" - sigaw niya ulit saakin. Nakakarindi na siya ah.

Bigla namang nagflashback ang sinabi ni Dad saakin.

'DON'T TALK TO ME LIKE THAT YOUNG MAN, NAKALIMUTAN MO NA BA KUNG SINO ANG KAUSAP MO HA?!'

'DON'T TALK TO ME LIKE THAT YOUNG MAN, NAKALIMUTAN MO NA BA KUNG SINO ANG KAUSAP MO HA?!'

'DON'T TALK TO ME LIKE THAT YOUNG MAN, NAKALIMUTAN MO NA BA KUNG SINO ANG KAUSAP MO HA?!'

Lalo lang uminit ang ulo ko. Naku baka hindi ako makapagtimpi dito at makalimutan ko kung sino tong nasa harap ko.

Susugurin ko na sana siya ng may biglang humawak sa braso ko, si Ford pala. Ngayon ko lang namalayan na nakatayo na pala siya sa gilid ko habang hawak ang braso ko. Alam na alam talaga niya ugali ko.

"Dude, tama na yan mabuti pa umupo nalang tayo" - kalmado niyang sabi.

Kahit minsan medyo Casanova yan si Ford, di pala medyo dahil Casanova pala talaga Yun. Kapag ganitong seryoso ang usapan o pangyayari ay nagiging seryoso rin siya.

"Dude, bakit ba ang init ng ulo mo ngayon? May dalaw ka ba?" - pabirong tanong ni Ian.

"Tumahimik ka diyan Ian, baka di ako makapagtimpi at baka sayo ko mabunton itong inis ko"- cold kong sabi.

"Chill dude, I'm just askin' "- tugon niya.

"Tss".

"Wag ka na kasing magtanong diyan Ian. Alam mo namang mainit ulo niyan tapos may gana kapang magbiro diyan"- mahinang sabi sa kaniya ni Ford.

Dark High Academy (School For All)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora