003: xʏʀᴀ

28 2 1
                                    

• 📎📍📎•







Dahil sa pagkabored sa condo, naisipan ko munang magpunta ng mall para bumili ng kahit anong pwedeng mabili.

Tutal wala naman si Shayne sa condo kaya nakakabored talaga. Oo nga pala Nakatira kami ni Shayne sa iisang bubong. Haha.

Best friend eh. Buti nga pumayag sila Mama na tumira ako kasama siya since gusto ko rin naman maging independent. Duh? Haha.

Habang namimili ng damit sa Penshoppe aksidente kong nabunggo ang taong nasa likod ko kaya agad akong humingi ng sorry.

Pero natigilan din ako ng mapagtanto kung sino siya.

"Oh? Xyra? " He smiled. "Long time no see" he said.

Yung ngiti na 'yan... Ang tagal ko na rin na hindi nakikita.

"A-ah yeah, hehe long time ..no.. see" Awkward kong sabi na mas nakapagpalawak ng ngiti niya.

How I miss that smile of yours, Jeongin.

Meron na bang ibang nakapagpa-ngiti sa yo ng ganyan?

I was about to say something when someone interrupted us.

"Babe~ " may biglang lumingkis sa kanya na nagpawala ng ngiti ko.

"Oh hi babe.." bati ni Jeongin sa kanya.

Babe? Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko.

So may iba na pala?

Napatingin yung babae sa akin tapos balik tingin kay Jeongin. "Sino siya?" Tanong niya.

Ngumiti ako "I'm Xyra Seo, nice to meet you" sabi ko. Akala ko tatanggihan niya ang nakalahad kong kamay at tatarayan pero...kabaligtaran ang inaasahan ko.

Instead, she smiled then shook my hands. " Hi! I'm Shella, Jeongin's fiancé... "

Fiancé? Ang sakit ah. Haha.

"Fiancé?" Tanong ko ulit. Tumango siya at ngumiti tsaka niya binalik ang pagka-lingkis niya sa braso ni Jeongin.




"Babe ... I'm hungry already .. let's go eat" aya niya kay Jeongin.

Ngumiti si Jeongin,tsaka piningot ng pabiro ang ilong niya. "Okay then, let's eat"

Tumingin  si Shella sa akin "wanna join us? Taraa libre ni babe ~" aya niya at malawak ang ngiti.

Ngumiti ako "ah no thanks, actually may pupuntahan pa ako e.  Mauna na ako ah. Enjoy  kayo" masigla kong sabi at dali-daling umalis.








Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang tignan sila. May nakapagpapa-ngiti na pala sa kanya ngayon. May nagpapasaya na pala sa kanya.









---

 ɴᴏsᴛᴀʟɢɪᴀ | y.jnWhere stories live. Discover now