S & B 26.

18 1 0
                                    


Aligaga na ako ng makarating na kami sa hospital. Mabilis akong tumakbo at tinungo ang kinaruruonan ng mga kaibigan ko.

"Kamusta si Aeriel?." Bungad ko sakanila.

"According sa X-ray result nito ay wala naman siyang fracture. Ginagamot na yung binti nito sa loob." Wika ni Fhebie.

Napabuntong hininga ako atsaka nakahinga ng maluwag.

Nakita ko ang pag-galaw ng mga mata nina Fhebie at Daisy sa likuran ko. Umawang ang kanilang labi at unti-unti ay kumunot ang kanilang noo saka nanunuring nagbaba ng tingin sakin.

"Bakit kayo magkasama ng lalaking yan?!." Pabulong na asik ni Daisy sakin.

Sumusulyap siya uli ng masamang tingin sa kay Lucas na nasa likuran ko lang, ilang metro lang ang layo samin. Tumingin din ako at nakita ang seryoso pa rin ang mukha nitong tahimik lamang na nakatingin samin.

"N-Nag-offer na ihatid ako. Nagmamadali ako kaya sumang-ayun nalang din."

"Hmm...?" Sila

"Mmm?." Ako

Halos umikot ang mga mata ko ng makita ang mapanghusga at nakaismid nilang mga itsura sakin.

"Nagmamagandang loob lang naman yung tao." Mahinahon kong sabi.

"You won't like it if Aeriel will see him." may diing sabi ni Daisy sakin.

Bumuntong hininga ako at tumango sakanila.

Humarap ako kay Lucas at nilapitan ang kinatatayuan nito. Nagtaas siya ng isang kilay sakin ng tuluyan na akong makalapit.

"Ahm, Salamat nga pala sa paghatid, Lucas. Pwede ka ng bumalik. Kami na ang bahala dito."

"How's your friend?."

"Ayos lang ang resulta ng X-ray nito. Kasalukuyang ginagamot pa ang sugat sa binti nito, medyo malaki kasi yung sugat."

Seryoso siyang tumango-tango at marahang nag-angat ng tingin sa mga kaibigan ko. Nakita ko naman ang masamang mga tingin nina Fhebie at Daisy sakin saka isa-isa ding nag-iwas ng tingin.

Napakamot ako sa gilid ng ilong ko at naiilang na ibinalik ang tinignan kay Lucas.

"Salamat ulit. Ano. Pwede ka ng umuwi-."

"It really sounds that you want me to leave now."

"Hindi naman sa ganoon. Baka kasi may klase ka pa o importanteng gagawin."

"Yeah, I will go now. You don't need to find excuses." Suplado nitong sabi.

Lumaylay ang mga balikat ko ng marinig ang naghalong sarkasmo at iritasyon sa tono ng boses niya. Animoy iritado siyang pinapakinggan ang sinasabi ko dahil alam niya kung ano ang gusto kong iparating.

"Salamat ulit." Sinserong sinabi ko. "Pasensiya na rin."

"Whatever, airheaded. I'll go now." sabay tumalikod na ito at umalis na sa harapan ko.

Kalmante at mahinahon lamang ang paglalakad ni Lucas. Kahit likod lamang ang nakikita ko ay diko mapigilan ang sariling humanga pa rin sakaniya.

"Nagkakausap na pala kayo ng lalaking yun, Ada?!. Nakalimutan mo na ba lahat ng ka walang hiyang ginawa noon sayo?!."

Napalingun ako sa likuran ng mangibabaw ang mariing boses ni Daisy.

"Daisy..." si Fhebi, nagpapahinahon.

"Sagutin mo nga kami ng maayos, Ada. Ganiyan ka ba talaga ka marupok pagdating kay Lucas? Siya pa rin ba? Kaya ba hindi mo pa sinasagot si Franco dahil sa lalaking yun?!."

SIENNA (Slash-and-Burn)Where stories live. Discover now