Manunulat #1

87 2 0
                                    

10/10/10

October 10,2010. Ito ang unang araw ko sa klase. Bagong lipat lamang kame sa Maynila at laking probinsya ako mula sa La Union. I'm already grade 11 this coming school year. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ni mama at papa na paghihiwalay. Kay mama ako sumama dahil si papa ay isang sundalo at hindi napipirmi sa isang lugar kaya iba't ibang babae din ang inuuwian.

Pumasok ako sa aming klase ng normal lamang ngunit ramdam ko ang bigat ng tingin sa akin ng mga kaklase ko. What's wrong?first time lang ba nila makakita ng magandang probinsyana?Charot.

Yes,probinsyana ako pero hindi ako yung tipong stereotype na pagkakilala sa isang probinsyana. Kaya kong makipagsabayan sa mga taga-lungsod. Hindi ako old school kung manamit and I can speak fluently duh.

May mga kaklase akong babae na ngumingiti sakin habang ang iba naman ay dinadaanan lamang ako ng tingin na parang sinusuri ang buong pagkatao ko. I don't care anyway tch.

"Transferee ka?" May tumabi sakin na babaeng nakasalamin at kulot ang buhok. Nakasukbit pa ang bag nya sakanyang balikat na gawa sa katsa. Mas muka pa ata itong probinsyana sakin "Yep,why?'

"Wala naman,nakita kase kita wala kang kasama." Inilapag nya ang bag nya at tiningnan ako nito na parang sinusuri din. "Ang ganda mo ah!yayamanin ka no?" Napaka boka naman ng babaeng ito. Parang nakatira sa kanto kung magsalita. Umismid lamang ako at di sya pinansin. "Ester nga pala..." Ngiting-ngiti pa rin ito sakin habang ako ay di sya pinapansin "ahhhh... Sasha pala.." hinawakan nya ang dati kong ID pero tinabig ko ang kamay nya "Don't talk to me please.."

Naiinis ako sa presensya nya kaya di ko sya pinapansin. May ganon talagang times no,yung wala namang ginagawa yung tao pero maiinis ka.

Dumaan ang tatlong subject namin na smooth lang hanggang sa naglunchbreak na at kailangan ko pang bumili sa canteen dahil wala naman akong baon. Sanay ako mag isa honestly. Lumaki ako na sarili ko lang ang kakampi ko. Si papa laging wala,si mama ay busy sa trabaho. Ako lang lagi ang naiiwan sa bahay. They just give me  money. Enough na ren yun para sakin,hindi naman ako yung tipo na nagrerebelde. As long they giving my needs,wala akong problema.

My phone vibrated habang naglalakad ako sa hallway. Ibigsabihn ay may nagtext. And I'm right,it's my ex-boyfriend Andrei. He said na nasa Maynila daw sya ngayon at gusto nyang makipagkita. Ano sya hilo?matapos nya kong lokohin at ipagpalit sa mukang sidecar ay babalik sya?dream on punk.

Umorder ako ng tapa with kanin at payapa na kumain mag isa sa canteen. Inililibot ko lamang ang mata ko sa buong canteen,malaki talaga itong School na pinasukan ko ah. Palibhasa mula elementary hanggang Senior High ay pwedeng mag-aral sakanila. Gusto ako ni mama papasukin sa private pero malayo ito sa bahay na tinitirhan namin kaya mas gusto ko lang dito. Atleast kapag nalate ako ay walking distance lang.

Ngunit nasira ang payapa kong pagkain nung sumabog sa lapag ang lahat ng pagkain ko noong biglang may sumipa sakin ng malakas kaya pati ang lamesa ko ay tumumba rin sa sahig. Habang ako naman ay halos maghalikan na kame ng tiles. Napamura ako ng mahina habang iniinda ang sakit ng balakang ko.

Hindi pa ko nakakarecover ay may biglang nagkwelyo sakin. Lahat ng estudyante sa canteen ay tila napapasinghap at pigil-hininga na parang nag aabang sa isang movie. Isang lalaki ang tumulak at nagkwelyo sakin. Galit na galit ang itsura nito ngunit hindi ako makapaniwala na isang lalaki ang gagawa nito sakin.

"NASAAN ANG WALLET KO?!" Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sakin. Kahit papano ay nakaramdam ako ng takot dahil baka may iba pa itong mga kasama at pagtulungan ako. "H-hindi ko a-alam..." Nanginginig kong sagot dito. "NASAYO.DAW.ANG.WALLET.KO" madiin ang bawat salita nito.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jun 28, 2020 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Para sa mga Broken(One-shot story)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora