When the Party's Over

3 0 0
                                    

-THE START-

Airport.

Para sa iba...

Ang lugar na ito ang isa sa mga lugar na puno ng emosyon at alaala.

Iba't iba ang maaring rason kung bakit nandito.

May mga masaya sa muling pagbabalik...

6 YEARS AGO...

"Lyra!"

The girl's head snapped to the direction where I heard her name was being called.

A man smiling widely running towards her and as soon as the guy got closer, he locked the girl into his embrace.

"Ang sweet nila, noh?" sabi ko habang kinikilig sa pinapanuod.

May sumiko naman sa akin dahilan para kumunot ang noo ko at mapatingin sa gumawa noon.

"Sweet na 'yan sa'yo?" tanong nito na parang nag-iinis.

I just made a face before looking back at the couple not far away from where we are sitting.

"Ang cute kaya nila. Tsaka, halata mo sa lalaki na sabik talaga siya na makita ulit 'yong girl. Hay Love~" At napabuntong-hininga na lang.

"Gusto mo... gayahin natin sila?" sandali akong natigilan sa tanong nito, bumilis ang tibok ng puso pero pinagsawalang bahala na lang.

Instead of answering, I just rolled my eyes while saying, "Ewan ko sa'yo. Ang dami mong alam."

Natawa na lang ito pero walang sinabing kahit na ano.

May mga malungkot sa pagpapaalam...

The flight for Florida, USA is now boarding. Please proceed to...

"Flight mo na 'yon, 'di ba?" tanong ko sa kanya.

Gusto kong manatili sa pagkakaupo katabi niya pero pinilit ko ang sariling tumayo at harapin siya.

Almira, kaya mo 'to. Kayanin mo.

"Tayo na d'yan!" sabi ko dito habang hinihila ito mula sa pagkaka-upo.

Tumayo naman na ito at seryoso akong tinitigan. Binigyan ko ito ng isang matamis na ngiti na kagabi ko pang pinraktis kung sakali man na kailangan kong ipakita na ayos lang ako.

Katulad ngayon.

"Huwag na lang kaya akong umalis?" tanong nito.

Sa loob ng tatlong segundo, parang gusto kong tumango.

Gusto kong sabihin na 'wag na talaga siyang umalis.

Na manatili na lang siya dito kasama na'min. Kasama ko.

Gusto kong maging selfish sa loob ng tatlong segundo pero...

Hindi pewede. Hindi dapat.

Pinalo ko ito sa balikat dahilan para mapangiwi ito.

"Baliw ka ba? Hindi ba pangarap mo 'to? Masundan ang Mama mo tapos makapag-aral ng pagpipiloto. Mas malaki ang opportunity doon at tsaka makakasama mo pa Mama mo."

Malungkot ang mata nito habang nakatingin sa akin. "Paano ka?" tanong nito.

"Anong paano ako? Syempre, mag-aaral din. 'Di ba Scholar ako? Kaya ko 'to!" nakangiti kong sabi dito.

He smile but it didn't reached his eyes.

"How about us?"

May mga nasasaktan sa paghihiwalay...

When the Party's OverWhere stories live. Discover now