Chapter 5: Cursed

544 78 19
                                    

*Karen's POV*

Matapos naming makita si Laira ay agad nya kaming sinamahan sa silid na nasa kanang bahagi ng bahay.

May malasedang tela ding nakaharang sa pinto niyon at ng makapasok kami ay nakita namin ang isang silid na may malaki at pabilog na mesa sa gitna. Marami ding upuang nakapalibot doon. May ibat ibang desenyo din sa sandalan at halatang pinaglaan talaga ng husto ng oras at tiyaga ng sinumang naglilok niyon.

Umupo sa magkatabing silya si Iliyah at Laira. Magkahawak pa din ang mga kamay nila at bahagyang naluluha pa din ang huli.

Inanyayahan man nilang kaming umupo nila Lionel sa nalalabing silya ay mas pinili naming tumayo di kalayuan sa kanila.

Alam ko din kasi na hindi ako mapipirmi sa pagkakaupo. Lalo na at malakas ang pagkabog ng dibdib ko. Para kong kinakabahan at... Natatakot sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan.

Ng magsimulang magkwento si Laira ay mataman akong nakinig sa bawat salita niya.

Ayon sa kanya, nagsimula silang salakayin ng mga hindi kilalang tao ilang buwan na ang nakakaraan. Noong una ay maliliit na problema lang ang dinudulot ng mga ito. Gaya ng pagsira sa mga patibong nila sa gubat na syang ginagamit nila sa pangangaso.

Pero di nagtagal ay lumala iyon ng lumala at nagsimula nilang guluhin ang tribo. May pagkakataon din na nagawa nilang magsimula ng apoy sa mga kabahayan. At ang pinakamatindi ay ang pagdukot sa ilang kababaihan at bata.

Halos sumikip ang dibdib ko sa awa kay Laira, habang lumuluhang nagsasalaysay ng mga nangyayari.

"Alam mo ba kung saan nila dinala ang mga taong dinukot nila?" Narinig kong tanong ni Iliyah.

Tumango si Laira. "Nagawa naming mahanap sila pero.... P-pero... " sandaling napatigil ang babaylan at nakita ko ang pagpipigil niyang umiyak. Huminga din muna siya ng malalim bago nagpatuloy. "Pero huli na. Lahat sila nakapitan na ng sumpa."

Halos lahat kami napakunot ang noo sa sinabi niya.

"Ano ang sumpang tinutukoy mo?" Pagsasatinig ni Iliyah sa tanong naming lahat.

Muling huminga ng malalim si Laira at nakita ko ng patatagin niya ang loob niya.

"Mas mabuting ipakita ko nalang sa inyo." Sabi niya at tumayo.

Tumayo din si Iliyah at sumunod kay Laira ng maglakad siya palabas ng silid.

Agad kaming sumunod sa likuran nila. Dinaanan namin ang malaking silid kanina at muling tinahak kung saan kami nanggaling.

Lumabas kami sa tila malawak na balkonahe ng bahay at nakita ko ng tumigil ang dalawang babaylan sa dulo ng sahig.

Napatigil din kami nila Lionel. Pero maya maya lang ay nakita kong naglabas ng mapusyaew na berdeng liwanag si Laira. Flare.

Kasabay nun ang paglakas ng ihip ng hangin sa paligid namin at ang pagdampi ng pamilyar na kapangyarihan sa akin.

At kahit inaasahan ko na ang mangyayari ay hindi ko pa din mapigilang magulat ng umangat ang sarili ko sa sahig gaya din ng mga kasamahan ko.

Nakita kong kumilos si Laira at tumalon pababa. At parang may lubid na nakakapit sa amin ng kumilos din ang hangin na nakapalibot sa amin at sinundan ang Source nito.

Halos mapasigaw ako ng bumulusok kami pababa at sandaling binalot ng kaba at panic ang loob ko. Pero nakita ko ng magiba ng direksyon si Laira. At gaya kanina ay muli kaming sumunod sa kanya.

Medyo mabilis ang kilos namin sa ere. At halos mapapikit ako dahil sa may kalakasang hampas ng hangin sa mukha ko.

Para kaming ibon na malayang lumilipad sa himpapawid at hindi ko mapigilang mangiti ng kumilos kami para iwasan ang mga punong nakaharang sa amin.

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Where stories live. Discover now