Kabanata 8

1.2K 24 4
                                    

Sorry for the long wait. Been busy for the past months. Sinabayan pa ng pabalikbalik na trangkaso non. Anyway,  do I still have a readers? I still want to know. Pretty please para ganahan naman ako mag update.

Sira parin computer namin. Di naman ako sanay magtype sa laptop dahil manipis ang keyboard. Mamaya niyan masira. Weird pa naman ako magtipa sa keyboard ahaha. So anyway sisimulan ko na.

P.s pagpasensyahan ninyo na kung madami error, sa cp lng ako ngayon gagawa. Edit ko nlng pagnakabili na ng bago cpu. Pasensya na poor lang kami. Hindi ko na din pinalampas tong pagkakataon na ginaganahan ako magbahagi ng kwento. Sorry kung magiging sabaw man. Ayusin ko nlng later. Inip ka na ba? Eto na.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Alalang alala si Marietta ng di na bumalik kagabi si Ruben tulad ng pangako nito na sa kanila ito maghahapunan. Kilala niya ang binata, alam niyang tinutupad nito ang pangako kahit ano pa man ang mangyari kaya iniisip niya na baka kung napano na ang huli. Kaninang umaga hindi rin ito dumaan sa bahay nila tulad ng palaging nakakagawian nito bago mamasada. 

Nagbalik siya sa huwisyo ng makaramdam ng pagtapik ng kamay  sa kanyang balikat habang nakasandal siya malapit sa pinto.

"Ayos ka lang ba anak?" Tanong ng kanyang butihing ina.

Ngiti lamang ang kanyang isinagot dito saka muling ibinaling ang tingin sa labas ng bahay, nagbabakasakaling makita ang kanyang kababata.

"Ang mabuti pa, kaysa naman nagmumukha kang baliw diyan sa labas ay ihatid mo na lamang itong ipinagbalot kong pagkain sa batang iyon at ng malaman natin kung nasa maayos na lagay naman yun. Kami din ay labis na nag- aalala sa kanya." 

Napatingin muli si Marietta sa tinuran ng ina. May bahid na pag- aalinlangan sa mga mata niya na siyang naintindihan naman ng kaharap.

"Kung ang ipinangangamba mo ay baka mapagalitan ka ng tatay mo ay huwag mo ng alalahanin. Ako ng bahala doon. Sasabihin ko na inutusan kita. Basta ba huwag ka lamang paaabot ng dilim sa daan upang huwag kaming mag-alala saiyo. Maliwanag ba?" Tugon nito.

Umaliwalas ang kanina lamang biyernes santong mukha ng dalaga dahil sa narinig. Agad niyang kinuha ang nakatiklop na payong sa likuran ng pinto at nagmamadaling gumayak matapos mangako sa ina at kunin ang ipinaaabot nitong pagkain.

Mahaba haba din ang binaybay ng dalaga makarating lamang sa bahay ng lihim niyang sinisinta. Baliwala sa kanya ang matinding sikat ng araw, ang mahalaga ay malaman niya ang lagay nito.

Tiyempo naman na madaanan niya ang bahay ng tsismosang si Aleng Babeng habang papunta siya kila  Ruben. Agad naman niyang nakitang nakikipagtsismisan na naman ito sa bungad ng pinto ng bahay kasama ng ibang mga alipores. Kitang kita na naman niya ang mga gilagid sa bawat pagbukas ng malaking bibig nito. Maging ang pagtatalsikan ng mga laway nito dahil sa walang tigil na kadadaldal.

Napatawa na lamang siya ng makitang pasimpleng pinupunasan ng mga kaharap nito ang mga mukha na natatalsikan ng laway ng ginang.

Mayamaya pa'y nakita na lamang niyang sinesenyasan siya ni Aleng Bebang na lumapit. Magiliw siyang ngumiti at bumati kahit tutol sa loob niya ang paglapit sa mga ito. Tiyak kasing walang saysay na naman na kwento ang sasabihin ng maruming bibig nito.

"Oi Marietta, napadaan ka? Papunta ka ba ngayon sa bahay ni Ruben?" Walang kagatol gatol na tanong nito.

Malamang. Iyon na lang naman ang bahay sa dulo ng bundok na ito hindi ba? Supladang sambit niya sa sarili.

"Oho, bakit po ba?"

"Alam mo ba na pinasok ng mga pulis ang bahay ni Ruben kahapon? Pinaghihinalaan kasi siyang salarin sa nangyaring patayan sa kabilang baryo." Pagsisimulang tsismis ng ginang.

Walang nasabi si Marietta dahil sa nalaman. Nagmadali siyang umalis dahil sa pag-aalala sa binata. Ni hindi na nga niya nagawang magpaalam kay Aleng Bebang. Wala na siyang pakialam kung ipagtsismisan nito sa buong baryo na napakawalang galang niya, basta ang importante ay mapuntahan niya agad si Ruben.

Nadatnan niyang sarado lahat ng bintana maging ang pinto ng tinitirhan nito. Agad siyang kumatok at makailang ulit na sumigaw sa pangalan ni Ruben bago siya nito pagbuksan. Halos mahabag siya sa nakita. Namamayat at putlang putla ang binata. Halata ring wala itong tulog at gulong gulo ang dating palagiang nakagel na buhok. Tila malalim ang iniisip nito at nanginginig pa ang buong katawan.

Agad niyang niyakap ang nanghihinang kaibigan. Tila ba naiintindihan niya ang takot na pinagdaanan nito sa mga kamay ng mga pulis kahapon.

Nakaramdam naman ng seguridad ang binata sa yakap ng kababata kaya medyo napanatag ito sa presensya niya.

"Nabalitaan ko ang nangyari." Pagsisimula ni Marietta habang abalang-abala sa pagsasalin ng pagkain sa malinis na pinggan.

"Huwag kang mag-alala hindi ako naniniwala sa kanila. Kilala kita, kahit wala ako nung gabing iyon ay alam kong inosente ka. Kaya huwag mong damdamin iyon. Katotohanan parin ang mananaig." Pagpapapanatag niya dito.

"Siyanga pala, ipinagbalot ka nga pala ni inang ng pagkain. Kainin mo na habang hindi pa masyadong malamig."

Agad naman na sinungaban ni Ruben ang pagkain. Tila ba isang linggo ng hindi nakakatikim ng pagkain ang binata sa kilos nito kaya naman bigla itong nabilaukan.

"O, tubig. Dahan dahan lang kasi. Para ka namang inaagawan sa pagkain eh." Natatawang wika ni Marietta.

"Salamat ha." Mayamayang wika nito. "Buti na lang may matalik akong kaibigang kagaya mo. Medyo gumaan na pakiramdam ko ngayon."

Palihim namang napangiwi ang dalaga sa narinig. Matalik na kaibigan lang? Hanggang ngayon ba yung pa rin ang turing mo sa akin?

"Eh ano ng plano mo ngayon?" Pag- iibang usapan niya.

"Dito muna ako sa bahay. Medyo natrauma ako sa nangyari kahapon. Gusto ko nga muna sanang magpakalayo pero hindi pa pwede. Under observation pa ako ng mga pulis. Kung nakikita mo naman siguro may ilang umaaligid sa labas ng bahay ko. Saka buti na rin yung di ako umalis, baka isipin pa nila may kaugnayan ako sa krimen" Malungkot na pahayag nito.

"Ang sasalbahe talaga nila. Kung totoo lang sana ang mga aswang, nanaisin ko na sana sila nalang lapain ng mga yun, tutal mga walang awa din naman mga hinayupak na mga iyan." Inis na wika ni Marietta na siya namang tinutulan ng binata.

"Huwag ka naman magsalita ng ganyan. Kilabutan ka nga."

"O siya, siya. Mauna na nga pala ako. Pasensiya na kung di ako maaaring magtagal. Malayo pa ang lalakarin ko. Alam mo na, delikado sa daan kapag sasapit na ang dilim, kung hindi man maligno o aswang, baka mga rapist pa maabutan ko sa daan. Una na ako ha?"

Malungkot na tumango ang kababata niya. "Pasensya na din, hindi kita mahahatid pauwi."

"Sus. Ano ka ba? Para namang ibang tao pa ako. Naiintindihan ko naman."

"Salamat ulit sa pagdalaw ha. Bukas ulit sana puntahan mo ako dito. Baka tuluyan na akong mabaliw sa kaiisip. Pakisabi nga pala kay Aleng Sita, salamat sa pagkain at sobrang sarap." Pahabol ng binata.

Inismiran na lamang niya ang tatlong pulis na nakatanaw sa bahay ng kaibigan. Kainin sana kayo ng buhay.

Mayamaya pa ay may sigaw na umalingawngaw sa isang sulok ng kakahuyan na nagpadagdag takot sa mga nagising na mga mamamayan sa dis oras ng gabi kasabay ng nakakapanindig balahibong pag alulong ng mga aso. Agad na bumungad sa mga tanod at ilang mga taga baryo ang isang pulis, puno ng galos at sugat ang katawan, pulupulangit na uniporme at halos hindi na makausap ng maayos. Tila wala na sa katinuan. Nakasiksik sa isang puno habang binibigkas ang katagang... "T- ti...tiyanakkkkk!!!!!"



Aswang nga ba?Where stories live. Discover now