QUARANFLING 52

589 31 11
                                    

Ahmed Azarcon:
Happy 3rd chatsary, Cie!❤️

Neily Gracielle:
Chatsary?

Ahmed Azarcon:
Sa susunod weeksary na yan, tapos monthsary, at anniversary.

Ahmed Azarcon:
Tatlong buwan na rin pala simula nung una tayong mag-usap. Ang bilis ng oras, grabe!

Neily Gracielle:
Ang cringe ng chatsary.

Ahmed Azarcon:
Sagutin mo na kasi ako para maging monthsary na sa susunod.

Neily Gracielle:
Paano kita sasagutin kung hindi ka naman nagtatanong, diba?

Ahmed Azarcon:
Oh shit!

Ahmed Azarcon:
Bakit, kapag ba nagtanong ako sasagutin mo ako?

Neily Gracielle:
Dipende sa tanong.

Ahmed Azarcon:
Soon. Ayaw kong itanong 'yon dito sa chat lang. Gusto ko sa personal, gusto kong marinig galing sayo mismo ang sagot.

Neily Gracielle:
Aabot naman kaya sa personal, Ahmed? Baka naman mauna pa tayong matapos kesa sa lockdown.

Ahmed Azarcon:
Aabot 'yan. Magtiwala ka lang kasi.

Neily Gracielle:
Ahmed, alam mo bang kaya naimbento ang salitang monthsary, dahil hindi lahat ng relationship umaabot sa anniversary. Baka kaya mo naimbento 'yang chatsary kasi hindi na tayo aabot sa monthsary.

Quaranfling Where stories live. Discover now