Chapter 6

36 11 0
                                    

"Beshywap!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Kahit na sa malayo, kilala ko na agad ang tumawag, si Diane. Nakasimangot siyang tumabi sakin habang pumupili ng ulam dito sa cafeteria.

"Uy, di mo man lang ako pinansin," sabay siko sakin.

"Malay ko ba na ako yong tinatawag mo," at binigyan ko lang siya ng inosenteng tingin.

"Duh! Sino pa ba ang best friend ko dito, kundi ikaw lang," inirapan pa ako.

"Bat kasi beshywap?" reklamo ko. "Anong nakain mo bat yon ang pinangtawag mo sakin? Di mo naman ako tinatawag na ganun. Kaya malay kong may bago kang friend sa mga nakasalubong mo papunta dito."

"Eh, kasi narinig ko lang sa mga first years kaya ginaya ko hahaha," tatawa- tawang sagot niya nang maupo kami. Buti na lang at nawala na yong simangot niya. "Anong nakain?! Hoy, ngayon lang tayo kakain oh," sabay turo sa kanyang pagkain.

Nagpeace sign ako at pacute sa kanya nang sumimangot ulit. Alam kong hindi rin niya ako matitiis, mamaya-maya back to jolly Diane na yan.

"Ngayon na nga lang ulit tayo magbobonding eh," pagtatampo niya. "Bat kasi palagi mo ng nakakasama tong si-?" naiinis niyang sabi.

Biglang lumiwanag ang kanyang mukha ng mapagtanto kung sino tinutukoy niya. "Anong meron sa inyo ni Adrian ah?" nakangising aso niya akong tinignan na may taas baba pa ng kilay.

"Wala," iling kong sabi. "Kaibigan...siguro," bulong ko sa sarili ko pero narinig ata ni Diane.

"Ows, ganyan naman nagsisimula sa ka- ibigan," panunukso niya. May emphasis pa yong ibigan, baliw talaga. Haha.

Ayokong mag assume dahil baka hindi kaibigan ang turing niya sakin, lalo naman yong tinutukoy ni Diane.

"Suwerte mo, laging pinagtatagpo landas niyo. Sa seating arangement, sa punishment niyo kay ma'am Gladys, parehas pa kayong late tas sabay pa kayong pumunta sa simbahan. Baka siya na yong The One mo. Yieee..." kinikilig niyang sabi.

"Baka di na ako yong kasama mong sumaglit sa simbahan pag uwian ah," paalala niya.

"Anong swerte dun sa mga binanggit mo? Malas ko nga eh, napasudsud ako dahil sa kanya, muntik na akong maguidance ng wala sa oras at first time kong malate, linis agad. At sobrang malas pa, magrereport ako sa social studies bukas," na-i-stress kong tugon.

"Wala namang connect yong pagreport mo sa social studies bukas kay Adrian ah," pagtatanggol niya.

Eh, di ako makatulog kagabi kakaisip dun. Sa paggawa ng visual aids marunong ako dun kaso ang pagpresent sa harap, huhu, baka mamental block ako. Bat kasi by alphabetical order ang pagreport, ako tuloy yong una. "Hehe. Inaalala ko kasi yon eh, alam mo namang hindi ko alam magdiscuss sa harap."

"Sorry Alli, wala akong mabigay na advice, we are on the same boat. Hindi ko rin alam mag present sa harap. Bat kasi ganito tayo, pag andito lang tayo dami nating ideas pero once nasa harap na, wala na," nag aalalang sambit niya.

Kahit na jolly at friendly si Diane, once na magrereport or magprepresent sa harap umuurong lahat ng kanyang lakas ng loob, ideas at kumpyansya sa buhay.

"Okay lang. Sana ma-overcome natin ito."

Nagkaroon ng mahabang katahimikan, nang magsalita si Diane. "Pero bakit kaya kinausap ka agad ni Adrian noh? At napakafriendly niya sayo. Hindi ko pa nga siya nakakausap eh,"  nagtataka niyang tanong.

The Diary Of The Quiet (On- going)Where stories live. Discover now