Simula

23 0 0
                                    

Chapter 1

Nagising ako sa dahil sa ingay na aking alarm. Agad ko itong inabot para patayin ang ingay at tinignan kung anong oras na. Mabilis akong napatayo sa kinahihigaan nung nakita ko na 6:45am na pala.

"Shit! Malalate na ako! Unang araw pa naman ng pasukan!" Sabay kuha nang towel at pumasok sa banyo. Mabilis akong natapos maligo at dali-daling isinout ang aking school uniform.

"ANAK! MALALATE KANA DYAN! GUMISING KANA!" Sigaw ni mama na nag hahanda nang almusal sa baba.

"Eto napo! Nagbibihis na! Bababa na ako saglit lang." Sinuot ko na ang aking white na polo. At tinignan ang sarili sa salamin kung maayos na ang uniporme ko.

Ang sout ko nga pala ngayon ay Puting polo na may naka embroid na pangalan sa bandang  kaliwa, black shorts, white socks at tsaka school shoes.  Mejo excited ako ngayong pasukan kasi nga Senior na ako this year. Malapit na akong mag college at malapit ko ng matupad ang mga pangarap ko sa buhay.

Nakabalik ako sa realidad ng kumatok si mama sa pinto at sinabing "Anak! Bilisan mo, malalate ka dyan sa ginagawa mo eh. Naka handa na rin ako ng almusal. Halika kain kana."

"Opo! Eto napo. Tapos na akong mag bihis." Sabay kuha nang bag at lumabas nang pinto't bumababa papuntag kusina.

Pagdating sa kusina nakita ko si mama'ng hinahain ang niluto niyang adobo. Ang paborito kong ulam. Napaisip ako sa sarili andaming palang nangyari sa loob nang isang taon. Bakas sa mukha ni mama ang pagod pero napakatatag parin niya sa kabila nang lahat.

Lumapit ako sa lamesa at hinalikan ang mga pisngi ni mama bago naupo. "Good morning po! Wow, adobo! Mapapasarap ata kain ko neto ha! Kasi ang sarap-sarap mong mag luto mama!" Sabay tingin sa kanya at ngumiti.

Halatang gumising nang maaga si mama para ipag-handa ito. "Asus napaka bolero mo, Ali! Kain kana at malalate baka kapa." Hinalikan niya rin ako sa pisngi at sabay na kaming kumaing dalawa.

Lumipas ang ilang minuto natapos na rin akong kumain. Naparami talaga ang kain ko kasi nga ang sarap ng adobo. Habang nilalasap ko ang ulam. Di ko na rin namalayan ang oras na mag aalas-syete trenta na pala, kung hindi ko nakita ang oras sa relo na binigay ni papa. Agad akong nag sipilyo at nung natapos , tumakbo agad papalabas nang bahay at sabay sigaw nang.

"BYEEEEE MA! ALIS NA AKO! MALALATE NA AKO NETO~"

"O anak an—" di ko na narinig ang kasunod na sinabi niya kasi humarorot na'ko papuntang kanto. Para makasakay nang jeep. Tinignan ko ulit ang oras sa relo. "Shit! 7:45am naaa!"

Naghihingalo akong dumating sa kanto at pawis na, kahit umaga palang. Buti nalang may jeep na nakaparada kaya't mabilis akong nakasakay sa harapan nito. Umalis naman ito kaagad.

Ilang minuto nang nakalipas di parin kami nakausad sa pwesto namin. Sa mga sandaling yon kita ko ang traffic sa unahan. Dahil dito nababahala na ako ng sobra.

Naku po malalate na ako. Anong gagawin ko. Bababa nalang kaya ako dito para tumakbo papuntang school? Patay ako neto, baka nasa gate na si Mr. Cruz. Shit. Anong mangyayari sakin. Dapat kasi nagising na ako nang mas maaga eh. Ayan mag stream kapa nang Day 6. Huhuhu.

Natigil ako sa pag aalalal nang nauntog ako sa harapan nang jeep at napasigaw. "Aray ko ho! Jusmiyo marimar." Sabay hawak sa noo kong  mejo namumula. "Okay lang ba hijo?" Tanong ni Manong.

"Hindi ho ako okay. Ang sakit nang noo ko Manong. Baka mas lalo pa akong maging bobo nito. At tsaka bakit ba tayo biglang napahinto?" Sagot ko sa kanya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

About UsWhere stories live. Discover now