Chapter 2

15 3 0
                                    


Nagising si Fabio sa ingay ng tugtog na nagmumula sa speaker ng laptop ni Nathan. Sinasabayan pa iyon ni Jake ng kanta. Sapo ang ulong bumangon siya at kinapa ang sigarilyo sa side table ng kama at nagsindi.

"What time is it?" tanong niya kay Loki na nakita niyang nag-aayos ng mga damit sa maleta nito.

Ang usapan ay dalawang araw silang magsasama-sama sa Manila bago pumunta sa kung saan man nila gusto. Si Loki ay nakapagdesisyon nang tumuloy sa nirentahan nitong townhouse sa Antipolo sa rasong hindi na nito gustong lumabas pa ngayong gabi. Mag-aalas dos na ng madaling araw nang makauwi sila nakaraang gabi at hindi pa sana sila uuwi kung hindi sila napaaway. Nakipagsayaw si Jake sa grupo ng mga babaeng may mga kasama palang date sa Cafe Havana. Before he knew it, they were being attacked and they didn't have a choice but to to fight back.

"Good morning, sunshine, it's three o'clock in the afternoon," sagot ni Loki at isinara na ang bag.

Inikot niya ang paningin at kung hindi lang sa magandang pagkapinta ng suite na kinuha nila ay aakalain niyang nagbalik sila sa military barracks kung saan madalas silang nakalungga. Nagkalat ang mga medyas, sapatos at mga damit sa sahig. Amoy after shave at sapatos ang buong kwarto. Naiiling na mabilis siyang bumangon.

"Jake, turn that thing off, may tatawagan ako."

Hindi siya nito pinakinggan kaya nilapitan niya ang laptop nito at walang anumang isinara.

"I'd take you for a ride, I'm a garbage tr— hey!" sigaw ni Jake sa kanya na natigil sa pagkanta nang tumigil ang tugtog.

"May tatawagan ako," ulit niya at nag-dial habang naglalakad papunta sa balcony ng hotel.

"I knew you'd call," si Fernan matapos niyang magpakilala.

"What are you talking about?" kunot-noo niyang tanong at pinandilatan si Jake na muling binuksan ang laptop ni Nathan.

"I don't know what brought you back here but all I can say is that it's very timely. I need you," pag-ignora nito sa tanong niya.

Natigilan siya. "Need me for what?"

"I need someone to look after my daughter habang hindi pa siya nakaka-graduate ng kolehiyo. You know, with all the threats my profession seem to come with kailangan ko ng mapagkakatiwalaang bantay."

Umikot ang mga mata niya. "There are hundreds of security agencies here for sure, you can get a couple of bodyguards for her there."

"I've been doing that for two decades now, but there's one incident na nangyari at sinumpa na ni Regina ang mga bodyguards. I can't blame her, buong buhay niya ay nakaanino na sa kanya ang mga unipormadong bantay niya. Kailangan ko ng magbabantay sa kanya without her knowing it, I've tried to tell that to her previous bodyguards but she'd always caught them."

"It's normal, sooner or later ay makakaramdam ang sinuman kung may sumusunod sa kanila."

"A guy with skills and looks like yours, you don't need to hide away from her. My plan is you get to know her, be a normal person. Make her like you hanggang sa maging normal na sa kanya ang magkasama kayo. She will graduate in a little over a month from now, you'll be free of her by her graduation day and I will give you a million."

He didn't even need to think about this despite the offer. "I'm on duty Fernan, I'm sorry. Sigurado akong may iba ka pang makikita na mas maayos na magagampanan ang gusto mo."

"I may never be a Navy SEAL Fabio, pero alam ko na kung totoong nasa mission kayo ay hindi kayo basta-bastang makikipag-umbagan sa bar."

Tahimik siyang napamura. "How did you know about that?"

ELITES SERIES BOOK 2 - BULLETS AND GIFTSWhere stories live. Discover now