Chapter Eight

11 1 0
                                    

Hannah's POV,
Pagkatapos ng mahaba habang byahe namin mula sa resort ay nakauwi na din kami sa kanyang kanyang bahay namin.

Hindi ko talaga malilimutan ang nangyari samin doon pero, nararamdaman ko yung parang may nagmamasid saakin pero wala naman.

"Oh Hannah, nanditi kana pala tara kain ka muna" yaya sakin ni mama kaya kumain na din ako.

Pagkatapos kong kumain ay dumaretso na ako sa cr para maligo. Nang matapos akong maligo ay nahiga nako sa kama. Nakita kong online silang lahat kaya nag message ako sa Group Chat.

H: Guys? Nandiyan ba kayo?

E: Yes?

H: musta?

C: wala naman.

E: guys? May nararamdaman ba kayong kakaiba?

Cie: wala din naman.

Carm: wala naman.

Ash: bakit sa inyo?

Enz: wala din sakin.

H: video call tayo ha.

Kaya agad kong pinindot ang group video call.

Habang nakatingin ako sa phone narinig kong kumalabog yung figurine at nalaglag sa keyboard ko kaya agad tumunog.  Pero bakit parang tuloy tuloy ang pag tunog na parang may nagpapatunog nito.

Agad akong kinalibutan sa naririnig ko.

E: Han nag ke- keyboard ka?, tanong ni edmie.

H: hindi...

Cie: eh bakit tumutunog?

H: Guys... Malayo yung keyboard sakin tapos tumutunog.

E: oy Hannah mag sign of the cross ka.

Kaya agad akong nag sign of the cross, hinintay ko ang mga susunod na pangyayari ng biglang namatay yung ilaw.

Naiiyak na ako ayuko sa madilim. Nang biglang may bumulong sa tapat mismo ng tenga ko ng isang nakakakilabot na bulong.

Dali dali akong bumaba sa kama at akmang lalabas ng kwarto ko nang biglang may kumapit sa paa ko. Hindi ko alam kung ano o sino yun dahil napakadilim ng paligid.

E: Han! Anong nangyayari?!, narinig kong tanong ni edmie habang di ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko.

Hindi ko na talaga kaya lakas loob kong sinipa kung ano at sino man yung nakakapit sa paa ko at agad na lumabas sa kwarto ko papuntang room nina mama.

"Oh Hannah,  bakit nandito ka?" tanong ni mama.

Ma... Hindi ko na napigilang umiyak.
Dito nalang muna ako... Sabi ko kay mama. Kaya tumabi ako sakanya at hinintay na dalawin ng antok.

Enzo's POV,
Narinig kong umiiyak si Hannah mula sa kabilang linya kaya dali dali ko itong tiningnan ng maiigi.

Hala! Sinundan kaya nung multo si Hannah? Naaawa na ako sa mga nangyayari sa amin parang kada oras magpaparamdam siya. Jusko kailan ito matatapos.

Edmie's POV,
Narining kong hindi na mapakali si Hannah mula sa kabilang linya kaya pilit kong tinatanong kung ano ang nangyayari ngunit isang hagulgul ng pagiyak lamang ang aking natanggap. Naawa na ako sa sarili tsaka saming lahat, bakit ba nangyayari to?

Ciereca's POV,
Pagkatapos ng narinig ko mula kay Hannah kanina ay hindi ako makakain ng maayos kaya pagkatapos kung ligpitin ang pinagkainan ay agad akong umakyat sa taas para mag computer.  Nagdala nadin ako ng mga snacks para makain ko kahit papano. Hihintayin ko nlng si ate.

Nakita kong nagchat si Hannah at si edmie kaya nag reply ako. Na bored ako kaya agad akong nag out dahil may nakita akong anime sa YouTube. Nakaramdam ako ng lamig dito sa sala. Eh paanong biglang lumamig dahil madalas eh maiinit dito kaya laging nakatutok sakin ang electric fan. Kaya pinatay ko nalang iyon.

Hinanap ko ang headset ng akma ko na itong isusuot bigla akong natigilan. Biglang tumunog ng magisa ang keyboard na sa tabi ko? Sa pagkakaalam ko inilipat to ni mama sa kwarto. Sinundan ko ng tingin ang cable ng keyboard lumaki ang mata ko, hindi nakasaksak yung keyboard...  Pero tumutunog?

Naramdaman kong may parang nagmamasid sakin mula sa likuran. Dahan dahan kong nilingon pero wala naman kaya binalik ko ang atensyon sa keyboard.

Tila napako ako sa kinauupuan ko dahil tuloy tuloy parin ang pagtunog. Kinapa ko ang unan tsaka binato ko sa keyboard. Bahagyang tumigil yung keyboard at biglang namatay lahat ng ilaw binalot ng dilim ang paligid hindi ko na mapigilang umiyak ng dahil sa takot na nararamdaman ko. Bigla na naman itong tumunog yung nakakatakot na tono ayuko na talaga hindi ko na kaya.

Biglang tumigil ang pagtunog at biglang umilaw binalik ko ang tingin sa keyboard bigla iyong nawala.

"Oh cie? Gising kapa?" tanong ni ate na kakarating lang.

Ate... Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.

"tong taong to ang tanda tanda na, nangyari sayo?"

Ate... Sambit ko habang nakatingin parin sa kinalalagyan kanina ng keyboard.





















Thank u for reading
Don't forget to vote and comments and just follow me if it's okay for you thank you.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Aug 30, 2020 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Lucia Joaquin (OnGoing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat