Chapter 16: Outside Walls

24 5 0
                                    

Dorin Magnus' Point of View
Lost City/Middle City

I couldn't hide my smile as I pull the trigger of my gun continuously. Tila ba may nabuhay sa parte ng pagkatao ko dahil sa nangyayari ngayon. Siguro ito ang bagay na matagal ko nang gustong gawin pero hindi magawa dahil hindi ko kakayanin nang mag-isa lamang ako. 

"Wala na akong bala!" Dinig kong sigaw ni Evander at sunod-sunod na napamura nang sugurin siya ng ilang mga Kari. Mabuti na lamang at malapit sa kaniya si Liam kung kaya't 'agad siyang nasaklolohan.

Ilang oras na rin kaming nakikipagsagupaan sa mga Kari kung kaya't ramdam ko na ang pananakit ng mga katawan ko. Pero hindi ko ito alinta 'di tulad nina Astrid at Flynn na ngayon ay hinang-hina na.

Sandali akong napatigil at pinagmasdan ang sitwasyon namin ngayon. Hindi ko maiwasang mapamura.

"Astrid, Flynn, get in inside the car, now!" Utos ko sa kanilang dalawa. Kaagad naman silang sumunod. Kasunod ko namang tinawag si Sylvia at pinapasok din sa sasakyan. 

"What the heck are you doing?" Tanong sa kain ni Astrid pero hindi ko na lamang siya pinansin, bagkus nagtungo ako kay Sylvia.

"Drive this car. Now, go! We'll catch up!" Utos ko. Hindi na nagsalita pa si Sylvia at kaagad na pinaharurot ang sasakyan paalis. 

Bumalik ako sa pagpatay ng mga Kari. Sunod-sunod na pagsabog naman ang naganap dahil sa mga bombang inihagis ni Liam. Tatlo na lamang kaming narito ngayon habang pilit na iniiwasang malapitan ng mga Kari. Hindi ko akalain na magtatagal kami ng ganito, siguro dahil wala naman kami sa pinakasentro ng siyudad kung saan naroon ang pinakamaraing bilang ng mga Kari.

Mabilis kaong tumakbo patungo sa isa pang sasakyan at pumasok sa loob. Kaagad ko itong pinaandar at walang habas na sinagasaan ang mga Kari hanggang sa makalapit ako kina Liam at Evander.

"Boys, get in!" Utos ko sa kanilang dlawa. Kaagad naman silang tumakbo habang pinagbababaril ang mga Kari na humahabol sa kanila. 

Nang makasakay sila, kaagad kong pinatakbo ang sasakyan. Binubunggo ko lahat ng Kari na humaharang sa aming daraanan habang sina Liam at Evander naman ay patuloy sa pagbaril sa mga Kari na nakasunod sa amin. 

Hindi ko maiwasang mapamura dahil sa lakas ng salpok ng mga Kari sa aming sasakyan. Hindi biro ang lakas nila kung kaya't 'di nakapagtataka kung mahihirapan kami sa pagtakas kahit nasa sasakyan pa kami. Lalo kong pinabilisan ang takbo dahil nahahabol pa rin kami ng mga Kari, ang iba ay tinatalon na ang aming sasakyan.

Narinig ko naman ang pagmumura ni Liam matapos mabasag ang bintana malapit sa kaniyang pwesto.

"Evander, take the wheels!" Utos ko't mabilis kaming nagpalit ng pwesto.

Kaagad kong binuksan ang bag na dala namin at kumuha ng tatlong granada't sunod-sunod na inihagis nang sa gayon ay mapabagal ang mga Kari.

"Hindi tayo pwedeng dumeretso sa lagusan," saad ni Liam sa akin.

" We need to. We have no other choice but to go outside these walls." Sagot ko at nagsimulang magpakawala ng mga bala patungo sa mga Kari.

"How about these Karis?"

"How about them? Ilang oras na lang sisikat na ang araw," sagot ko.

Narinig ko namang nagmura si Evander kung kaya't nilingon ko siya. Napamura na lang din ako sa nakita ko.

Sinasalubong kami ng daan-daang Kari ngayon.

"What are we gonna do?" Tanong ni Evander.

"Drive faster and don't stop," utos ko't muling binaling ang atensyon sa mga bag at hinanap ang bagay na kakailanganin ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost City (On Going)Where stories live. Discover now