Chapter 34

1.2K 39 13
                                    

CHAPTER 34
Nakaw

"Mikaia, mauna ka na," utos ni Raeyoo sa akin. Nanatili akong gulat sa kinatatayuan ko.

Namali ba ako ng pagdinig? 'Aia' ang sinabi ni Phoebus pero... bakit si Raeyoo ang gusto niyang kausapin?

Alam ko! Alam kong d-in-eny ko 'yon kay Phoebus noong minsan ay tawagin niya akong 'Aia' pero...

Naguguluhan ako sa nangyayari kaso'y hindi na ako nagkaroon pa ng oras para maklaro ang isipan lalo pa noong naramdaman kong mag-init ang kuwintas.

Oh my gosh! Mag-i-start na yata ang third mission! Ngayon pa talaga!

Kaya kahit ayaw ko pa, kumaripas na ako ng takbo para magtago. Ngunit sa huling pagkakataon, sinubukan kong sulyapan ang pinsan ko at ang bebe ko. magkatabi siya habang naglalakad palayo kay Jessica para siguro mag-usap nang pribado.

Aia...

Alam ko namang hindi malabo na tawaging 'Aia' ni Phoebus si Raeyoo. Palayaw niya rin naman 'yon lalo pa't isinunod din ang pangalan niya sa kay Tita.

Raeyoo Naia Kuwon.

Kaso... ang gulo! Ang gulo-gulo na!

Pa'no na ang identity ko bilang 'Aia' na dumadalaw kay Phoebus sa past?

Hindi na ako nagkaroon ng mahabang panahon para isipin ang sitwasyon ko ngayon nang magliwanag na nga ang buong paligid. Mabuti't nakapagtago na ako nang mangyari iyon.

Napadpad ako sa isang campus. Malaki ang campus na 'to pero hindi hamak na mas malaki pa rin ang Aistone University.

Sunod kong inilipat ang tingin sa pendant ngayon na nag-project na ng picture ng dalawang tao. Isang babaeng napakaganda ang nasa kaliwa. Maamo ang mukha niya, kulot ang buhok, at sa may itaas na bahagi ng kanyang litrato ay may nakasulat na 'Lavinia.'

Isang litrato naman ng isang lalaki ang nasa kanan. Nagsusumigaw ng kalokohan ang mukha niya na parang si Neon. Sa itaas na bahagi rin ng kanyang litrato ay may nakasulat na 'Nathan.'

Hmm. So, sila ang third mission ko?

Naalala ko tuloy ang sinabi ng anghel na walang pangalan tungkol sa third mission.

"Basta... mag-ingat ka sa third mission."

"Huh? Ba't naman?"

"It's tricky. P'wede 'yong maging dahilan para tigilan mo ang pagma-match ng couple."

P'wedeng maging dahilan para tigilan ko ang pagma-match ng couple? Paano? Mukhang hindi ko naman kilala 'tong dalawang taong kailangan kong ipag-match sa third mission ko.

Tricky raw, aniya. Paano naman ako paglalaruan ng misyong 'to?

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang malakas na hiyawan ng mga babae na nag-e-echo sa gym nitong campus. Tinungo ko naman 'yon, nagbabakasakaling makita ko roon ang isa sa nasa mission ko ngayon.

Parang déjà vu ang lahat noong nakita kong ang tinitilian ng mga babae ay ang mga nagba-basketball na mga lalaki. Naalala ko tuloy noong halos mapatid din ang litid ko sa katitili para kay Phoebus.

Aww. Memories bring back memories. Chour!

Itinulak ko ang mga humarang sa akin para makita ko ang mga naglalaro ng basketball. Maraming nagalit ngunit hindi ko na lang iyon pinansin pa hanggang sa tuluyan ko na ngang makita ang mga naglalaro.

Unang lumipad ang tingin ko sa pinakamatangkad at pinakaguwapong basketbolista na naglalaro. Pawisan at tila kanina pa pagod. Napatiim-bagang ako noong maalala ko na naman si Phoebus.

Dear PhoebusWhere stories live. Discover now